Pagkatapos ng speech ng Class Salutatorian ay ang awarding na ng honors at special awards mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Ganon ang style rito sa Trey kaya nagkuwentuhan na lamang kami tungkol sa huli naming misyon dahil sa ugaling ipinakita sa amin ni Casey kanina, malabong mabigyan siya ng award dito sa paaralan niya.
Ngunit napatahimik kami dahil bago tawagin ang Class Valedictorian ay inisa-isa muna ang mga awards na matatanggap nito which were quite impressive.
Best in Programming, Champion sa Intercontinnental Gymnastics competition, Best Performer sa World Championship for the Performing Arts, at sangkaterba pang awards na kamangha-mangha at nagpapaangat sa mga kilay namin na siya ring nagpapalakas sa bulung-bulungan ng mga guests.
"How I wish that person is my sister. Ipapasok ko agad siya sa Phoenix." tumatawa si Amanda habang sinasabi iyon sa amin.
Base sa tawa niya ay tila sigurado na siyang imposibleng maging si Casey ang valedictorian na ‘yun. I'm sorry but I quite agree. Sa pananamit pa lang at pananalita nito, walang guro ang magbibigay ng tiwala rito upang isali ito sa anumang kompetisyon. I know we were being judgmental but that's the way life works. More often than not, attitude matters.
Now we all of a sudden got very interested sa taong tinutukoy ng emcee dahil sa sinabi ni Amanda.
"Ladies and gentlemen, the Class Valedictorian for the Academic Year 2012-2013 who gained the highest score from the national college entrance exam, the first in the history of Trey Academy, is ...
… Cassandra Yvonne Aldrich."
Sabay-sabay kaming napanganga sa apelyidong inanunsiyo ng nagsasalita. Halos sabay-sabay rin kaming tatlo na naptingin kay Amanda na napakalaki ng pagkakanganga.
Si Casey?! Si Casey ba ang tinawag ng emcee?!
Tulala si Amanda nang tumayo siya pagkatapos naming marinig na tinatawag ang kanyang pangalan para i-award sa kapatid ang mga medals at certificates nito. Halos tulala siya habang naglalakad papuntang stage para magsabit ng medalya ni Casey na naghihintay at nakangiti na wari ay tinatamad namanng nakatayo sa stage. Nakatutok ang mga mata niyang nang-uuyam kay Amanda. Hindi niya alintana ang masigabong palakpakan ng audience na nag-standing ovation pa para sa kanya. Maging kami ay hindi pa rin makapaniwala n napatayo na rin at nakipalakpak.
Paanong nangyari iyon? Paano na ang isang tulad ni Casey ay magkakamit ng sandamakmak na mga karangalang iyon?
"That girl is something," narinig kong wika ni Julie.
Nagkatinginan kaming tatlo na may kanya-kanyang iniisip bago kami bumaling sa stage upang panuorin ang pekeng mga ngiti na namumutawi sa labi ng magkapatid habang tinatanggap ang mga pagbati mula sa opisyales at teaching staff ng paaralan.
I am still wondering and waiting at my feet if Amanda would dare question the awards that her sister received. Hanggang sa makabalik siya sa puwesto namin ay nasa kanya lang ang pansin ko, silently waiting for her to go back to the stage and approach the principal of the school to prove to her that Casey indeed deserves those awards. Tahimik lang siya sa kinauupuan at halata na napakalalim ng kanyang iniisip.
Nang matapos ang programa ay maraming mga magulang at bisita ang bumati at nakipagkamay kay Amanda dahil sa karangalan na natanggap ng kapatid nito. Lahat sila ay nagpapahayag ng paghanga. Maging ang mga guro ay kusa nang lumapit at bumati rin sa kanya at puro positive ang mga sinasabi nila tungkol kay Cassey. Lumingon si Amanda samin at ngumiwi. Alam kong nangangalay na siya sa pagngiti sa mga taong nakapalibot sa kanya.
Nang maubos na ang mga taong lumalapit at nakikipagkamay sa kanya ay naglakad siya palapit sa amin. Nasa mukha pa rin niya ang pagkasurpresa sa nangyari kanina.
"I can't believe it. I-uppercut n’yo nga ako." sinabi niya na nagpatawa sa amin.
"You must be happy. Your wish has been granted." humagikgik si Julie pagkatapos sabihin iyon.
Napailang naman kami ni Marc na nanunuod lang sa pagpapalitan nila ng pagkamangha nila kay Casey.
"She's unbelievably full of surprises," dagdag pa nito.
"We must find your sister and congratulate her," sabi ko naman sabay lingon sa mga estudyanteng nagtatawanan na dumaan sa gilid namin.
I moved my eyes towards the place where I last saw Casey. Nang wala siya roon ay iginala ko ang mga mata ko. Ngunit kahit gaano kalayo ang nararating ng mga mata ko ay hindi ko makita ang taong hinahanap ko. Napakunot-noo ako.
“Let’s go,” yaya ni Marc sa aming tatlo nina Julie at Amanda.
Naglakad kami sa kumpulan ng mga estudyanteng nagpipicturan upang magtanong. Nakita raw kasi ni Marc na kausap sila ni Casey kanina. Muntik pa akong mapatawa nang mapanganga silang lahat nang malingunan nila kami. I can’t blame them. Sa porma namin ngayon na artistahin ay talagang kanina pa kami nakakatawag ng pansin. May ilan pa nga sa mga estudyante na kumuha pa ng aming pictures. Para tuloy kaming mga celebrity na pinagkakaguluhan nila. Well, talaga naman kasing malayo sa casual ang mga suot namin. Tila pa nga kami aattend sa kung anong awards night.
"Have you seen my sister?" tanong ni Amanda sa lalaking estudyante na nakatanghod sa kanya.
"Hello? Hey, handsome! Where is Cassandra Aldrich?"
Ikinaway-kaway ni Julie ang kamay niya sa tapat ng mukha ng lalaking estudyante dahil naiinip na kami sa paghihintay ng sagot niya. Patuloy kasi ito sa pagtunganga na akala mo'y alien language ang mga salitang narinig nito mula kay Amanda.
Namalikmata pa ito nang waring maduling na sa kamay ni Julie na kumakaway sa harapan niya.
"Ahrmp!"
Nagtanggal muna ito ng bara sa lalamunan bago sumagot.
"S-she already le-left," nabubulol na sabi niya.
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muli kaming napanganga ng dahil kay Cassandra bago sabay-sabay na nagtanong.
"What?!?"
….
Wala pa ring nagsasalita sa aming apat habang naglalakad na kami patungo sa aming sasakyan. Waring lutang na lutang pa kami dahil sa mga pangyayayri na amin mismong nasaksihan sa araw na ito.
“I can’t still believe she just left without saying good bye!” nagrereklamong sabi ni Julie nang sa wakas ay magising na siya sa pagkakalutang.
“I know, right? Amanda, you have one hell of a sister! You should be a little proud of her, you know,” nangigilalas namang saad ni Marc habang nagmumuwestra gamit ang kanyang mga daliri.
Nanatili naman akong tahimik at nagmamasid lang. Napatigil kaming lahat nang huminto si Amanda.
“I don’t really know what to say ot how to react, guys,” pabuntong-hininga na sa wakas ay sabi ni Amanda.
“I know, I got out of control for many times today because of my sister. Pinahiya na ako ng kapatid ko sa harap ninyo, ipahiya ko rin ang sarili ko and now… Damn! Ipinahiya ako ni Casey sa sarili ko.”
Tila pagod na pagod si Amanda sa lahat ng naganap sa pagitan nito at ng kapatid.
“”Wag mong isipin ‘yan. Your sister is really weird and all of us did not expect that she’s the Valedictorian,” hindi ko mapigilang sambit upang mapagaan kahit papano ang nararamdaman niya at maialis ang pagkakapahiya niya sa harap namin.
“No, Terrence. Alam ko kung bakit ganon ang ugali ni Casey. I tried to be patient with her a lot of times in the past, I really did. But there are things that she does that often times pushes me to the edge and I loss control,” apologetic na saad nya na nagapatahimik sa aming tatlo.
“Our siblings are our headaches sometimes, Mandy,” nakikisimpatyang sagot ni Julie sa sinabi niya.
“I agree,” saad ko naman suddenly remembering my younger brother na sakit din ng ulo namin ng parents ko most of the time.
“So, are we going to go back home?” tanong ni Marc upang mawala ang tensiyon na nakabalot sa amin sa sandaling iyon.
“I say, let’s go somewhere else to enjoy the rest of our day before going home. Samantalahin na nating nakalabas tayo sandali sa Phoenix,” Julie suggested.
“Mandy,” tawag pansin ko naman kay Amanda na sa malayo nakatingin at tila may naaalala siya.
Napalingon siya sa akin at pagkatapos ay napatingin kina Julie at Marc na naghihintay ng sagot mula sa kanya.
Nakita ko ang pilit niyang pagngiti bago niya kami sinagot.
“Sure, why not.”
Napa-Yes si Marc sa sinabi niya.
“Let’s go!” nakangiti nang yaya sa amin ni Julie.
Muli kong sinulyapan si Amanda at ngumiti sa akin nang maramdamang napatingin ako sa kanya.
Sabay na kaming naglakad at pumasok sa sasakyan. Marc will be driving the car at sa tabi niya ako umupo. Napabuntong-hininga ako habang pinapanuod ang mga nadadaanan naming lugar at tahimik lang na nakikinig sa pagpapalitan ng usapan nina Marc at Julie. I silently promised my self to make Amanda relax and forget about her spoiled brat and annoying sister before we go back to Phoenix.