Darating talaga sa buhay mo na hindi mo na alam kung ano ang gusto mo. Yung hindi ka na sigurado kung ano ang pangarap mo at kung saan mo gusto. Tila ba wala ka ng pake sa mundo. Manhid na ang pagkatao mo. Hindi mo na alam kung saan ba dapat magpunta, kung saan ba dapat maghintay at saan ba ang daang dapat mong tinatahak.
Darating talaga sa buhay mo na hindi mo na alam. Hindi mo kilala kung sino ka at kung ano ang kaya mo. Hindi mo magawang magsabi sa iba dahil alam mong hindi ka nila maiintindihan. Sarili mo nga hindi mo maunawaan. Darating talaga sa buhay mo na nais mo na lang matulog nang matulog nang matulog. At hindi na gumising pa.
Ngunit darating din sa buhay mo na maibubulong mo na lang sa hangin, sa langit na sana pwede pa, sana maayos pa, sana matapos na, sana kayanin ko pa, sana..
"Pssstt! anong drama na naman ba yan bff ha? dika pa rin ba nakakapag move on? Aba'y pang limang jowa mu na yang si Mon ah! Kala ko ba sanay ka ng ma broken hearted, eh kung maka emote kana man dyan parang first time muh!"
"Masama ba maghangad ng abot-kamay na pagmamahal? "
Nakalabing sagot ni Daphne kay Ivy na tila napipikon na kaka advice sa kanya kasi di naman nya sinusunod ang mga pinapayo nito.
"Hindi ka naman pinapahalagahan, bakit ayaw mong bitawan?"
Hindi nakasagot si Daphne sa tanong na yun ni Ivy. Tinamaan kasi sya sa tanong nito. Natameme na lang sya hanggang sa magsalita ulit ito.
"Bff, minsan, mas gumaganda ang isang babae sa dami ng masasamang experience niya dati. Pero wag mong kakalimutan na sa dami ng naging bad experiences mo, WORTH IT ka parin and you deserve better."
Napatingin si Daphne sa kaibigan, nginitian nya ito kahit na may lungkot pa ring nararamdaman. Alam naman nyang lahat ng sinasabi ni Ivy ay may katotohanan at kabuluhan, sya lang naman ang nagsasara ng kanyang isipan at pinaniniwalaan ang gusto nya lang paniwalaan.
"Bff, thank you ha! Kasi palagi mo akong dinadamayan. Ang swerte ko talaga kasi ikaw ang naging kaibigan ko.!"
Niyakap nya ito ng mahigpit..naiiyak iyak namang yumakap din ito sa kanya.
"Gaga ka talaga! Ang drama drama mo, pati ako nadadamay sa kaartehan mo."
"Sorry na Bff!"
"Oo na! Bff, hindi mo maiintindihan ang isang bagay habang ikaw ay nasasaktan. balang araw, pag natanggap mo na ang katotohanan, pag wala na ang sakit, magiging malinaw din ang dahilan bakit nangyari ang lahat, ang kabiguan, ang pagkawala, ang pag alis at kung bakit may nagbago."
"Salamat Bff."
Nahihiya nyang sabi sa kaibigan. Minsan kasi parang bata rin ang ugali nya, na kapag gusto nya gagawin nyang lahat mapasa kanya lang ito. At kapag ayaw naman nya gagawan nya ng paraan na mawawala ito.
"Bff, i-enjoy mo ang buhay. malawak ang space, mahaba ang time, mamasyal ka, experience new adventure. Hindi mo mamamalayan madami ka na palang memories na masayang balikan, madami kang memories na ipagmamalaki, pero sa pag enjoy mo, isipin mo din na sana walang magsa-suffer sa kaligayahan na tinatamasa mo."
"Oo na nga eh! tama na Bff, tara ice cream tayo libre ko!"
Nakangiting yaya nya kay Ivy na tinawanan lang sya.
"Ice cream lang Bff? Sa dami ng sinabi at ipinayo ko sa'yo yun lang ang ililibre mo sakin? Wow grabe sya ha! ang kuripot ha!"
"Heh! Mag diet ka! tumataba kana nga oh! hahaha."
"Ay grabeh sya sakin! Wow! nahiya naman ang bilbil ko sa'yo, natutunaw na ng - "
Bigla nyang tinakpan ang bibig ni Ivy at inginuso si Pyre na hubad barong naglalakad sa balkonahe nito habang may kausap sa celpon nito.
"Wowoww, ang tsalap tsalap naman nyan, Bff, dito na lang tayo tumambay kumuha kana lang ng kahit ano sa kitchen mo, bigla ako nagutommm yum yum."
Natatawang kunyari pinunasan nyang bibig ni Ivy saka natatawang pinaupo ito sa hanging swing na nasa hardin nila.
"Yaakkk kadiri! laway mo Bff natulo na hahaha."
Dahil sa lakas ng tawa nya napaharap bigla si Pyre sa kanila, agad kumunot ang nuo nito ng makita silang nakatingin dito.
"Heloo, neighbor! Kumusta ka naman dyan? mukhang init na init ka ah! Gusto mo rin ba ng ice cream?"
Kapal mukha nyang papansin sa binata na nakatingin lang sa kanila. Maya maya ng matapos itong makipag usap sa phone, nagsalita ito na inakala ni Daphne ay sisitahin sila nito, pero hindi, dahil iba ang narinig nilang sinabi nito...
" Oh Yeah! What flavor do you have?"
Nakangitii ito ng malapad na ikinatanga ng dalawa.
"Bff, totoo bang narinig ko, nagsalita sya? hindi ba ako nananaginip lang?"
Si Ivy na hinila pa si Daphne palapit sa kanya.
'OMG!
?MahikaNiAyana