ARABELLA HUMUPA na ang ulan sa labas, na nakikita ko mula sa de-salaming bintana. Pero ‘yong hininga namin ni Gov. Gabriel ay hindi pa rin bumabalik sa normal. Parehas pa rin naming habol ang aming mga hininga. Katatapos lang ng may nangyari sa amin. Nakapatong pa rin siya sa ibabaw ko at nakasubsob ang kaniyang mukha sa leeg ko. Ako naman, nakayakap ako sa kaniya at nakapikit. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil ngayon na nahimasmasan na ako, saka lang ako nakaramdam ng hiya sa mga nangyari sa amin. Para akong nanliliit sa sarili ko. Oo, nililigawan niya ako. Pero hindi ko pa naman siya sinasagot. Wala pang label ang aming relasyon. Ang isa pa, nahihiya ako dahil feeling ko, sinamantala ko ang kalagayan niya. Na wala siyang ibang naalala kundi ako at ang pagmamahal niya sa akin na