ARABELLA NANG makaalis sina Lolo Emman at Sir Luigi, akala ko babalik na sa dati ang mood ni Gov. Gabriel. Sumasama lang naman kasi ang timpla niyon kapag nakikita niya kami ng amo ko na magkasama. Pero ipinagtaka ko nang madatnan ko siya sa dalampasigan na lukot ang mukha. “Nandito ka lang pala,” untag ko sa kaniya habang nakatayo siya at nakasuksok ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng lumang shorts niya. Ang layo ng tanaw niya. Mukhang ang isip ni Gov, malayo na rin ang nalakbay. Kaya siguro hindi niya agad naramdaman ang presensiya ko. Kung hindi pa ako nagsalita, hindi pa siya mapapakislot. Gayon man ay bahagya lang niya akong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa malawak na karagatan. “Kanina ka pa namin hinahanap nina lolo at lola kasi hindi ka pa raw kumakain ng m