CHAPTER LXVII

2916 Words

ARABELLA DAHAN-DAHAN akong umupo sa gilid ng kama para titigan ang guwapong mukha pa rin ni Gabriel kahit tulog na tulog at bakas ang matinding puyat. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa sa aking asawa dahil alam ko na bukod sa ilang araw ng pagpupuyat ay ang pagod niya sa pag-aalaga kay Baby Kian. Gayon man ay natutuwa ang puso ko dahil sa kabila ng pagod at puyat ay wala akong narinig na ano mang reklamo kay Gabriel. Three months old na rin si Baby Kian. At simula nang makauwi kami rito sa bahay, halos si Gabriel na ang nag-aalaga sa kaniya. Hindi niya ako hinahayaan na mapuyat o mapagod nang sobra. Hangga’t maaari ay siya ang gumagawa ng mga obligasyon ko sa aming anak. Para daw makabawi naman ako ng tulog at pahinga. Kaya nga lalo kong nasabi sa aking sarili na napakasuwerte ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD