ARABELLA TULALA si Gabriel pagkatapos kong ikuwento sa kaniya ang tungkol sa totoong sakit ko. Wala naman talaga sana akong balak na ipaalam iyon sa kaniya. Baka kasi ma-turn off siya sa akin at katulad ng iba, isipin din niya na may sakit ako sa pag-iisip. But while looking at him, kahit tulala siya, kitang-kita ko naman sa mga mata ni Gabriel na naaawa siya sa akin imbes na husgahan ako. Though, hindi ko rin gusto ang pakiramdam na kinakaawaan, iba lang ang dating sa’kin kapag si Gabriel. Dahil naramdaman ko na totoong may pakialam siya sa akin. “Natahimik na po kayo diyan, Tito Gab. Natakot na po kayo sa’kin, ‘no?” pabiro na untag ko sa kaniya. Kumisap siya bago ngumiti sa akin. “Bakit naman ako matatakot sa’yo?” Natatawa na pinisil niya ang pisngi ko. “Sa ganda mong ‘yan?” I’m not