CHAPTER XVIII

2504 Words

ARABELLA “BELLA, ako na diyan. Katulad ng sabi namin sa’yo ng Lolo Magno mo, hindi mo kailangang magtrabaho rito sa bahay. Bisita ka namin,” saway sa akin ni Lola Iska nang pumasok siya rito sa kitchen at naabutan niya ako na naghuhugas ng mga pinggan. Katatapos lang naming mag-dinner. Ginataang isda na tulingan ang ulam namin. Sariwang-sariwa pa dahil huli ni Lolo Magno ang mga iyon kaninang tanghali. Nakangiti na nilingon ko si Lola Iska. “Hayaan n’yo na po ako, Lola. Masaya po ako na nakakatulong ako kahit papaano sa inyong dalawa ni Lolo Magno. Kahit sa simpleng bagay man lang po ay maibalik ko sa inyo lahat ng kabutihan at tulong na ipinakita n’yo sa’kin. Nahihiya po ako kasi hindi ko na kayo dapat inaabala nang ganito. Matatanda na po kayo pero nadadawit pa kayo sa magulong buhay k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD