CHAPTER XXVI

2003 Words

ARABELLA “GUSTO mo bang kumain muna bago tayo umuwi?” tanong sa akin ni Gov. Gabriel nang makalabas kami ng sinehan. Halos hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya dahil sa halik na pinagsaluhan namin kanina sa loob. Hindi naman na iyon naulit. Pero nahihiya pa rin ako sa tuwing naalala ko kung paano ko na naman tinugon ang kapusukan niya. Katulad noong mga naunang halik niya sa akin na naalala pa niya. “B-busog pa ako. Pero kung gutom ka, puwede naman.” Ramdam ko na hanggang ngayon ay nagba-blush pa rin ako. “Hindi ka puwedeng malipasan ng gutom.” “Gutom pa nga ako. Parang gusto kong kumain uli.” “Kung gano’n, kumain muna tayo. Ano ba ang gusto mo?” “Puwede bang ikaw na lang?” baling ni Gov. Gabriel sa’kin, sabay kindat. Naguguluhan na tumingin ako sa kaniya. “H-ha? Ako ang pip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD