ARABELLA “HINDI mo na naman ininom ang gamot mo, ‘no? At saka bakit gising ka pa nang ganitong oras? Ang sabi ng doctor mo, dapat alas otso pa lang ng gabi ay natutulog ka na. Hindi ka talaga nakikinig sa akin, Bella,” galit na bungad sa akin ni Papa Ramonico nang makabalik ako sa realidad. “Ginagalit mo talaga ako. Malapit na malapit nang maubos ang pasensiya ko sa’yo. Punyeta!” malakas na sigaw niya pero hindi man lang ako napaigtad. Pilit ko lang nilabanan ang sakit na kumurot sa puso ko nang maalala ko ang mga taong naiwan ko sa kabilang mundo. I mean, sa imahinasyon ko. Ilang taon na akong ganito kaya dapat nasanay na ako. Pero masakit pa rin kapag mag-isa na lang akong nakakabalik sa tunay na mundo. Nakaramdaman na naman ako ng walang kapantay na kahungkagan. Lalong lalo na sa puso