CHAPTER XX

2308 Words

ARABELLA LALONG umaliwalas ang aking mukha nang pagdating namin ni Gov. Gabriel sa tabing-dagat ay sumalubong sa’min ang malawak na dalampasigan. Napakatahimik at napakaaliwalas ng paligid. Hindi ko napigilan na ipikit ang aking mga mata upang namnamin ang sariwang hangin na sumalubong sa amin habang naglalakad kami. “Whoa! Ang sarap lumanghap ng sariwang hangin!” nasisiyahang bulalas ko habang nakapikit pa rin ang mga mata. Pero nang wala akong marinig na komento mula kay Gov. Gabriel na nasa tabi ko, dahan-dahan akong nagmulat. Para lang mapalunok nang mahuli ko siyang titig na titig sa mukha ko. Kaya pala ang tahimik niya. “W-what’s wrong? Mukha ba akong bata na sabik sa dagat?” biro ko sa kaniya para labanan ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa tingin niya na nakakatunaw ng puso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD