CHAPTER 22

1460 Words

PAGKATAPOS naming kumain ay tumayo na ako agad para sana tulungan si Manang Irma sa pag liligpit nang mga kinainan namin at para masimulan ko na rin ang pagtulong sa kaniya sa mga gawaing bahay pero mabilis niya akong pinigilan. "Nako hija, ako na ang gagawa nito. Magpahinga ka na lang sa kwarto mo at baka makasama sa bata kung--" "Nako, hindi na po Manang. Tutulungan ko na po kayo kasi 'yun po ang pinag-usapan namin ni Hanz." Putol ko kaagad sa sinasabi ni Manang Irma. Inaamin ko naman na wala akong masyadong karanasan at kaalaman pag dating sa mga gawing bahay pero handa naman akong matuto lalo na at nakikitira lang naman ako sa pamamahay na 'to. "Hay na ko, huwag ka ngang magpaniwala sa alaga ko, Shy. Sinasabi niya lang 'yun pero labas lang 'yon sa ilong niya... ibig sabihin ay w

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD