Kasalukuyan na nakasakay na ako ngayon dito sa isang TAXI at nagpapahatid na ako doon sa bahay ni Phil na nasa isang subdivision. Halos mag a-alas kwatro na ngayon ng hapon. Pinapaalis na nga ako ni Manang Irma nang mabanggit ko sa kaniya na pupuntahan ko rin ang kaibigan ko, but I refused her. Gusto ko kasi talaga na tulungan muna siya bago ako umalis. Kaya ngayon lang talaga ako nakaalis ng bahay ni Hanz. Excited na rin ako na makita si Phil kasi matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita at nagkaka-usap simula nang umalis ako sa condo ni Awie. Hindi nagtagal ay nakarating na nga ako sa bahay ni Phil. Nakapunta na ako dito ng mga dalawang beses pa lang, 'yung una ay noong tinulungan namin siya ni Awie na maglipat bahay at saka 'yung pangalawa ay nung nagpa- house blessing siya.