Hindi ko inaasahan na siya pala ang bubungad sa paningin ko ngayon... dahil sa pagkabigla ko kaya naman naramdaman ko pa ang medyo pag higit ko ng sarili kong hininga ng mga sandaling 'yon habang diretso lang na nakatingin sa kanya. Nakatingin din naman siya sa akin pero gaya ng dati ay gano'n pa rin ang mga mata niya, walang emosyon, walang buhay at parang hindi talaga siya interesado. Hindi ko alam kung ilang segundong tumagal ang pagtititigan naming dalawa pero naputol lang 'yun nang biglang narinig ko ang boses ni Fritz na nagsalita. "Sino 'yan Shy?" Bago ko pa man lingunin si Fritz ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Ang kaninang mga mata ni Hanz na nakatingin sa akin ay nakatingin na ngayon kay Fritz. Medyo napatigil si Fritz nang makita niya si Hanz pero hi