AWIE’s POV Hindi ko maiwasan na mag-alala habang tinatahak namin ni Phil ang daan kung saan daw nakita ng mga pulis ang kotse ko. As in 'yung kotse ko na sinakyan ni Shy paalis. Ramdam n ramdam ko ang bawat pagkabog ng puso ko sa aking dibdib. “Huwag ka nang masyadong mag-panic, sis, I’m sure na okay lang si Shy. Wala naman daw silang nakita na tao sa kotse mo at wala rin naman na mga sign na nabangga 'yon, kaya alam kong walang nangyaring masama sa kaibigan natin," mahinang wika ni Phil sa akin at saka niya hinawakan ang kamay ko. Binatuhan ko naman siya nang tingin habang diretso pa rin siyang nakatingin sa kalsada at nagmamaneho. “Paano naman ako hindi mag-aalala, Phil. Nandoon ang kotse ko at ang cellphone ni Shy, pero wala siya doon. Bago siya umalis, hinabol pa siya ni Ginno... p