Hindi alam ni Leonardo kung bakit niya nasabi iyon pero ayaw n’yang makita ang dalaga na nag-iisa at sinasarili ang lahat ng problema. Hindi nagsalita si Ocean at tumitig lang sa mukha ni Leonardo. It was the first time that someone saw her in this state— crying, full of sadness. And this is the first time that a person is comforting here. Iba sa pakiramdam, nakakagaan. Ganito pala kapag may taong sinasamahan ka. “Kung ano man ‘yan na nagpapalungkot sa’yo just know that someday everything will be alright.” Matipid na ngumiti si Ocean, at tumango. Hindi man kalakihan ang ngiti ay masaya ang pakiramdam ng binata na makita itong ngumiti dahil alam n’yang hindi ito force. “Gusto mo bang bumalik na?” tanong ni Leonardo. Malamig ang panahon at baka sipunan ang dalaga. “No. Dito muna ako.”