Manila, Philippines “What?! Hindi mo alam kung saan siya ngayon naglalagi? Imposible!” Napahawak sa noo si Merideth dahil sa sinabi ng inutusan n’yang iimbestiga si Ocean. “Ma’am, wala po talaga. Aside sa binigay ninyong pangalan wala na. Kung alam niyo po ang last name baka mahanap namin.” Iyon na nga ang problema. Tanging pangalan lang ni Ocean ang alam nila at hindi ang last name nito. Stupid! How can they not know? Walang sinasabi sa kanila ang yumaong lolo. “How about a picture of her?” the man suggested. “Wala din! Why would we take a picture of that wrench? Hindi siya belong sa family!” singhal niya. Naiinis siya. Naiinis siya dahil sa babaeng 'yon! Kung kailan nabubuhay na sila ng walang problema pumasok na naman ang b*tch na 'yon sa life nila! Napahinga ng malalim ang kausap