bc

Bloodless War

book_age18+
354
FOLLOW
2.8K
READ
HE
dominant
powerful
boss
blue collar
bxg
serious
campus
like
intro-logo
Blurb

Pasaway at rebelde, iyan ang turing kay Lovely Rose, ang lihim na anak ng isang kilalang artista at tumatakbong Mayor ng Maynila. Kakaiba sa kanyang mga matagumpay na kapatid, si Lovely ay kilalang malaya at hindi pumapansin sa mga pangarap ng iba. Sa kabila ng mga masasakit na salita at pagmamaltrato ng kanyang mga magulang, tiniis niya ang lahat. Subalit isang gabi, isang pangyayari ang nagtulak sa kanya na maglayas at hanapin ang kalayaan, dala ang pag-asa na doon niya matatagpuan ang tunay na magpapasaya sa kaniya.

Si Caedmon Varick, anak ng isang mangingisda at palengkera, ay isang binatang may dedikasyon, kagwapuhan, at talino na nagkakabahaw sa kanya. Siya ay kinikilala at kinikilala ng lahat.

Ngunit matutuklasan kaya ng dalawang mundong ito na ang pagkakaiba nila ay nagdadala ng tukso, o magkakaroon sila ng pagkakataon na patunayan na ang tunay na pag-ibig ay mas malalim kaysa sa mga pagkakaiba na naghahati sa kanila?

chap-preview
Free preview
Simula
TINANGGAP ko ang maliit na tagay ng alak na iniabot sa akin. Walang pag-aalinlangan ko iyong inisahang lagok. Napangiwi ako nang maramdaman ang mainit na sensasyon sa lalamunan ko. Kailan pa ba ako masasanay? Halos gabi-gabi na akong nakikipag-inuman sa mga kaibigan ko pero ganito pa rin lagi. “Wala ‘to, mahina pa rin si Rose sa alak!” sigaw ng isa naming kasama. Sa totoo lang ay hindi ko naman siya kilala, sinama lang siya ng isa sa kaibigan ko. Sa tingin ko ay boyfriend niya itong pangit na ‘to. “Puro mamahalin kasi ang alak na iniinom nito noon. Hintayin niyo lang, masasanay din siya. Hindi ba, Rose?” Nginindatan ako ni Jericho na ikinailing ko. Sa lahat ng kasama ko ay sa kaniya lang ako kampante. May ilang babae rin na kasama pero hindi maganda ang tingin nila sa akin. Sinubukan ko silang kausapin pero panay ang pagtataray nila sa akin. Iniisip siguro nila na aagawin ko ang mga pangit nilang boyfriend. Sa tuwing kakausapin din ako ng mga boyfriend nila ay ako ang pinagbubuntungan ng galit. Kasalanan ko ba kung mas maganda ako sa kanila at lahat ng boyfriend nila ay ako talaga ang tipo? “Kung ganoon, isang tagay pa, Rose.” Umiling ako habang nakangiti. Nahihilo na rin ako. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinagdidiskitahan nila sa ngayong inuman. Parang pinapunta lang nila ako rito para sanayin sa mumurahing alak at lasingin. Kanina umiikot ang tagay pero parang ngayon ay gusto na nilang ipaubos sa akin. Ako lang ba ang gusto uminom ngayong gabi? Sana pala ay nag-solo na lang ako sa bar. “Kayo muna, kanina pa ako.” Inusog ko palayo sa akin ang shot glass na ibinibigay sa akin. “Ay, ang arte? Inumin mo na lang,” asik ng babae sa harapan ko. May kulay berde ang buhok niya at makapal ang makeup sa mukha. Wala namang akong problema sa mga nagsusuot ng makeup pero kung siya, may problema talaga ako. Sana ay pinagtuunan na muna niya ng pansin ang paglagay ng tamang kolorete sa mukha. Kanina niya pa ako pinag-iinitan ng ulo. Sa tuwing tatanggi ako ay may nasasabi siya. Kung makalingkis din ito sa boyfriend niya sa tabi niya ay akala mo sawa. Akala mo naman may itsura ang boyfriend niya, hindi niya alam wala namang aagaw sa ganiyang itsura. Kasing baba ng standard niya sa makeup ang standard niya sa lalaki. “Bakit hindi ikaw ang uminom, Emily? Kakainom lang ni Rose,” sagot ni Miguel, ang katabi kong lalaki. Nilingon ko siya at nginitian, nawala sandali ang kunot ng noo niya para ngitian ako pabalik. Huli na nang mapagtanto ko na ang kamay niya ay nakapatong na sa likod ng upuan ko. Nginitian ko lang ay ganito na kabilis umaksiyon? Mga lalaki nga naman. Sabagay, sa lahat ng lalaki na narito ay silang dalawa lang ni Jericho ang may itsura. Kung may gusto sa akin si Miguel ay baka patusin ko na rin, matagal na rin kasi noong huli akong nagkaroon ng boyfriend. Hindi ko naman siniseryoso ang mga lalaki dahil alam kong hindi rin nila ako seseryosohin, kahit gaano pa ako kaganda at ka-sexy. Once they get what they want, they will leave you, leaving you with trauma. So, why take relationships seriously when you can play the game with them? “P're, ayusin mo ang pananalita mo sa girlfriend ko, ah!” wika noong boyfriend ni Emily. “Sabihan mo muna ‘yang girlfriend mo na huwag pag-initan si Rose. Napapansin ko kanina niya pa sinisita sa lahat ng gagawin. Respeto, oh?” Mukhang hindi nagustuhan ng lalaki ang narinig mula kay Miguel kaya tumayo ito at dinuro ang katabi ko. “Yabang mo, ah? Ikaw lang ang nakakapansin ng ganiyan. Ano? Gusto mo suntukan na lang, oh?” I shrieked when he got a hold of a glass and threw it away. Miguel also stood up from his seat and went to Emily's boyfriend. Agad na umawat ang mga kasamahan namin pero nagkasuntukan pa rin sila. Men and their emotional intelligence! Mas matalino pa mga aso sa kanila. Nagulat ako nang may humila ng buhok ko. “You b***h! Tignan mo ang ginawa mo! Kung ininom mo na lang sana ay hindi aabot sa ganito!” Parang matatanggal ang anit ko sa ginawa nitong pagsabunot sa akin. Hindi ako nagpatalo, hinila ko rin ang maiksi nitong kulay berde na buhok, mas nilakasan ko kaya napahiga siya sa sahig. Napasigaw ako nang maramdaman ang kuko niya sa braso ko, kahit hindi ko tignan ay alam ko na magdudugo iyon. Buong lakas ko siya na pinagsasampal habang nakapatong sa ibabaw niya. Hinila ko ang buhok niya at pinagsasabunot. Siya naman ngayon ang nagsisigaw dahil sa panggigil ko sa kaniya. “Rose!” Nagpumiglas ako nang may bumuhat sa akin paangat. Balak ko pang saktan ang ngayon ay umiiyak na sa sahig na babae. Nagkalat ang ilan nitong buhok sa daan. May dugo rin ang mukha niya sa ginawa kong pagsampal at kalmot pero kulang pa iyon! Nagpapakababa siya ng ganito para sa boyfriend? What a shame! Hindi ko ininda ang sakit na natamo, pilit ako kumakawala pero masyadong mahigpit ang hawak sa akin ni Jericho. May humawak na rin sa babaeng may berdeng buhok pero hindi naman nagwawala kumpara sa akin, nasaktan siguro ng husto. “May pulis!” Nanlaki ang mata ko. Narinig ko sa sirena ng police car na palalapit sa amin. Kaniya-kaniyang takbo ang mga kasama namin. Binitawan ako ni Jericho, hinawakan ang kamay at hinila paalis sa lugar na iyon. Hindi kami tumigil hanggang sa makalayo kami ng ilang kanto at nagtago sa eskinita. My heart was beating fast because of fear of getting caught and at the same time, the excitement. “f**k! That was close!” hinihingal kong sabi. Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa sobrang pagod. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Another new experience! “Oo nga, sino kaya ang putanginang nagsumbong.” Hindi ko na inisip pa kung sino ang nagsumbong, ang mahalaga ay nakatakas kami mula roon. “Gamutin na muna natin ang sugat mo.” Tukoy niya sa nagdurugong sugat ko sa braso. “Haba ng kuko ng babae na 'yon.” “Hindi na, sa bahay ko na lang gagamutin. Uuwi na ako, umuwi ka na rin.” Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Umalis na ako sa eskinita na ‘yon. Sinigurado ko na muna na hindi kami nasundan ng mga pulis. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa subdivision kung saan kami nakatira. Kilalang-kilala ako ni Manong guard kahit na hindi niya alam kung saan ako nakatira rito. Walang pag-aalinlangan niya akong pinapasok. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makauwi na ako sa bahay. “Where have you been?!” Ang matinis na sigaw ni Mommy ang umalingawngaw sa buong bahay. Her hands are on her waist. She is now in her sleeping attire. A lot of products are on her face, maintaining her youthful appearance despite her age. Gusto kong umirap dahil ito na naman siya. Kung titignan ay parang concern siya sa akin pero ang totoo ay takot lang siya na malaman na may anak siyang pasaway na tulad ko. “Diyan lang, sa tabi-tabi.” Akmang aakyat na ako papunta sa kwarto ko pero hinigit niya ang braso. “Aray!” Napangiwi ako sa sakit dahil nahawakan niya rin ang sugat ko. Hindi ko mapigilan na samaan siya ng tingin. Tulad ko, masama rin ang tingin niya kahit na may eyemask na nakalagay sa mata niya. “You are f*****g smelling like a cheap alcohol! Ano? Nakipag-inuman ka na naman sa mga hampas-lupa na ‘yon?!” she screamed like the person she was talking with was far away. I gritted my teeth, trying to control my anger. Sino siya para sabihin iyon? Sino siya para tignan na parang mababang uri ang kapwa niya? I get it. She is part of show business. She is one of the most famous actresses on Philippine television. Mommy is part of an almost legendary television series. Everyone knows and respects her, but not me. I know her more than anyone. She is my mother for a reason. “Let go of me so I can wash myself.” Nilabanan ko ang titig niya pero mas naging masama ang timpla. Lalong humigpit ang kapit nito sa akin. Hindi ko magawang hablutin ng tuluyan ang braso ko dahil sa pagod at hilo na nararamdaman. I hope she stains herself with my blood. “Ayusin mo ‘yang pinaggagawa mo. This is the reason why I can’t tell the media about you! Sakit ka sa ulo! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na may anak akong bulakbol at lasinggera? My goodness! Wala ka na bang kahihiyan sa katawan mo?!” Tinanggap ko lahat ng sinasabi niya sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na pinagsabihan niya ako ng ganito, may mas malala pa nga. Parang vitamins ko na ang masasamang salita na natatanggap ko sa kanila. “The hell I care? Mas gusto ko ng hindi nila malaman na may anak kang katulad ko. Ikinahihiya ko rin naman kayo—” “Rose!” Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Sakto ay may mabigat na kamay ang tumama sa mukha ko. The blazing glare of my father pierced right through my soul. He was so mad at me that I thought he could punch me if I triggered him more. “Kapag naapektuhan ang pagtakbo ko sa politika dahil sa mga pinaggagawa mo, humanda ka sa akin.” Nagtangis ang bagang niya at malalim ang ginagawang paghinga. “Pumasok ka na sa kwarto mo! You are grounded!” Mommy let me go but when she saw the blood on her hands, she screamed so loud. Nagmamadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Mula rito ay naririnig ko pa rin ang paghihisterika nito tungkol sa dugo ko na napunta sa balat niya. Agad akong nagpunta sa banyo para maligo. Matapos kong maligo ay patalbog akong humiga sa kama. Nawalan na ako ng gana na linisin ang sugat ko dahil sa kaniya. Para na akong namanhid. Maliit na bagay lang ang sugat ko sa braso kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa puso. I have two siblings, a brother and a sister. Both of them have already finished studying. My brother is now a lawyer who works in our company, while my sister is a surgeon in a huge hospital. Silang dalawa lang ang kinikilalang anak ni Mommy at Daddy. Malamang dahil sila lang ang magaling, sila ang matalino, sila ang masunurin kaya kailangan ipagmalaki sa lahat. But me? They cannot tame me. I will not follow their rules. Kung may tyansa lang ako ay lalabagin ko iyon lahat. Iyon ang exciting kaysa ang sumunod. May nabasa pa ako sa isang article na ang swerte raw ng dalawa kong kapatid dahil mayroon silang mabuting magulang, ganoon din ang magulang ko dahil mayroon silang talented na mga anak. Sometimes, I read that kind of article to laugh. Everything written in every article that I have read is false and biased. If I know, Mommy and Daddy paid a journalist to feature and say nice things about them. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Masakit ang ulo ko dahil sa ginawang pag-inom kagabi, idagdag pa ang malakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. “Rose! Gumising ka at lumabas diyan!” I lazily got up from my bed. I did not pay attention to the scream of my mother. I took my time cleaning myself. Nang matapos ako ay saka ko lamang binuksan ang pinto, wala na roon si Mommy. Naglakad ako papunta sa kusina para kumain pero nagulat ako dahil nandoon sina Lolo at Lola. My eyes widened and my lips formed a smile. “Oh, my goodness, my pretty apo!” Sinalubong ko ng yakap si Lola, ang nanay ni Daddy. I embrace her tightly. Natawa ito sa higpit ng yakap ko, ayaw ko na rin bumitaw. Pakiramdam ko ligtas ako sa yakap niya sa akin. Sunod kong yinakap si Lolo. Of all of the people I know, they are the best for me. They always look for me and ask if I am okay. Of course, I would lie every time they ask me if I am okay—I don’t want them worrying about me. “How are you, princess?” malambing na tanong ni Lola. “We have presents for you…” “Really?!” excited kong tanong. Nawala ang sakit ng ulo ko dahil nandito sila. I can sense the glare of my mother who is on the other sofa. My father may be at work right now. “Yes, it is in the car. Your Lolo will get it later, we have a lot to talk about.” Hindi ko maalis ang ngiti ko sa labi lalo na at masama ang timpla ni Mommy. Wala siyang magagawa dahil in-laws niya ang mga ito at magulang ni Daddy. Tignan ko lang kung maipakita niya ang tunay niyang ugali sa mga ito. Isa pa, wala pa sa kalingkingan ang kapangyarihan namin kumpara sa yaman at kapangyarihan ng grandparents ko. My Lolo was a kind and sympathetic mayor of this city in his days. People would always know him, even those who are my age. They idolize him for having good governance. He also ran for the position of president of this country, but unfortunately, someone got a higher vote than him. On the other hand, my Lola has a lot of business, until now. She is the only heiress of her family, and now handling one of the many successful companies in the country. Walang kahit sino ang gustong kumalaban sa kanila kahit pa matanda na sila. Nagkwentuhan lang kami sa sala habang hinihintay ang dalawa kong kapatid na sa tingin ko ay tulog pa. Duda ako na pati sila ay ginising sa malakas na sigaw ni Mommy. “How are you? What happened to your arms?!” Nag-aalalang sigaw ni Lola. Marahan niyang hinawakan ang braso ko para tignan ang sugat. “Gina! Have you seen her wounds?! Oh, my Lord! Her beautiful skin is tarnished!” “Hindi ko po nakita, Mama—” “Bakit hindi mo nakita? What are you doing? Hindi mo tinignan ng mabuti ang bunso mong anak?!” galit na sigaw ni Lola. “Go get the medical kit, I will dress the wound of your daughter. It seems like a big task for you.” Walang nagawa si Mommy kung hindi sundin ang utos ni Lola. Alam ko na gigisahin na naman ako nito kapag umuwi na ang dalawa. Pero habang nandito pa sila, mag-enjoy na muna ako na parang aso ito na walang magawa kung hindi ang sumunod. Nilagyan ng gamot ni Lola ang sugat ko. Si Lolo naman ay lumabas para kunina ng mga pasalubong para sa akin. My eyes twinkle when I read from the paper bag all the luxurious brands. Binibuksan ko isa-isa ang mga regalo nila nang bumaba na ang dalawa. Nakapantulog pa si Kuya at Ate. Nagmano sila sa dalawang matanda at naupo sa tabi ni Mommy na ngayon ay nakakangiti na dahil sa kapatid ko. Kinamusta lang din sila ni Lola at Lolo pero nasa akin talaga ang buong atensiyon nila. They would smile big whenever I thanked them for giving the expensive gift to me. Habang ang tatlo sa gilid ay nakasimangot, umaga na umaga. “How about us, Lola?” nakasimangot na tanong ni Ate. “You two have work already, you can buy it for yourself.” Muntik na akong matawa sa reaksiyon ni Ate pero sinamaan niya ako ng tingin. Si Kuya naman ay umalis na dahil may gagawin pa itong trabaho. Si Ate ay sumunod na rin dahil may duty pa ito sa hospital. Naiwan na naman si Mommy na walang ibang magawa kung hindi ang manuod. Tulad ng inaasahan ko ay sinalubong ako ng sampal ni Mommy nang umalis na si Lola at Lolo. Sobrang saya ko para magalit pa sa sampal na iginawad niya sa akin. I guess, vitamins ko na naman 'to? Isinama ko na ang masasakit na salita at sampal niya sa daily routine ko. “This is the last time that you will act like that in front of them.” Dinuro niya ako. Kumunot ang noo ko. “Why? Galit ka kasi mas magulang pa sila kaysa sa ‘yo?” “Anong sabi mo?! You are in this world because of me! Wala kang utang na loob! You are living in this luxury life because of us but you are wasting it! Wala kang kwenta! Mabuti pa ang—” “Ang mga kapatid ko? Tama ka, mabuti pa sila ang mahal mo at inaalagaan mo! But don’t worry, kung ako rin ay disappointed din ako sa sarili ko. Kung may kakayahan lang akong nagdesisyon kung mabubuhay ba ako o hindi—I would choose the latter!” “Bastos—” “Oo, alam ko rin na bastos ako, Mommy. This is how you treat me, right? Saka, huwag mong isumbat sa akin na nabubuhay ako ngayon sa mundo na ‘to dahil sa inyo dahil kung ako lang din ang tatanungin, ayaw ko rin na mabuhay!” Before she could hit me, I ran away outside our house. Wala na akong pakialam kung ano man ang itsura ko. Sobrang dami kong iniisip ay hindi ko nalamalayan na may kotse na lumabas galing sa kabilang kanto. My eyes widened with shock but when the car was so close to me, I closed my eyes and hoped to die in an instant.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook