Lagi akong pinapagalitan ni Mom dahil hindi daw matigil ang paglalaro ko noong bata ako. Laman ako ng kalye sa subdivision namin hanggang gumabi. Kahit naman may kaya kami sa buhay, alam ko kung paano laruin ang larong kalye. Nakakapagod man pero enjoy ako. Tumungtong ako ng high school at nag-college pero hindi pa rin nawawala ang bisyo ko, mas nag-level up pa kumbaga. Pagtapos ng klase, diretso agad kami ng mga tropa ko sa sikat na computer shop malapit sa school. At para mas ganahan kami sa paglalaro, lalagyan namin ng kaunting pusta. Minsan talo pero bonus na lang kapag nananalo kami. Naglalaro man ako kapag free time pero hinding-hindi ko pinababayaan ang pag-aaral. Kahit naman maloko ako at pasaway ay nakakakiha pa rin ako ng awards, once in a blue moon nga lang. Ang mahalaga ay ma