"Sigurado ka ba sa binabalak mo?" "Mababaliw ako Iñigo kung magtatagal pa ako sa lugar na ito. Hindi ako nararapat na nandito. Kailangan kong makita ang anak ko. Ilang buwan na akong nahihirapan, nagtitiis, naiinip. Hindi ko na kaya. Aalis ako." "Kilala mo si Mister Z, Cyrus. Delikado kung basta ka na lang lalabas ng mansyon ng hindi niya nalalaman. Alam mo ang kaya niyang gawin." "Hindi ako maaaring tumunganga lang dito. May buhay akong naghihintay sa labas." Inilapag niya ang dalang tray na may lamang pagkain sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya sa tabi ko at sabay naming hinarap ang malawak na garden. Maraming iba't ibang halaman sa paligid ngunit bihira ang mga bulaklak. Ilang buwan ko ng kasama si Iñigo sa mansyon. Siya lang ang lagi kong kausap. At sa loob ng ilang buwan na iyon, sa