Kabanata 1 : Sa Mansyon ni Leandro

1022 Words
Glenda POV  HINDI parin ako makapaniwala, narito na ako sa enterada ng mansyon ni Seniorito Leandro. Dala ko lamang ay ang ilan sa mga damit na bigay mismo ni Ate Xyrine. Pinili kong manilbihan kay Seniorito Leandro dahil kapag nalaman ni Ate Xyrine na nakipagtulungan ako kay Seniorita Annabeth, tiyak hinding-hindi niya ako mapapatawad. Isa pa matagal ko ng gusto si Seniorito, isang oportunidad na sa akin ang manilbihan sa kanya. Bata palang ay pangarap ko ng mapansin niya. Isa lang naman akong anak ng isang Barok at katulong ng mga Claveria. (Barok- utusang taga-saka). Saka ni hindi ako napapansin ni Seniorito may pagka-antipako kasi siya lalo na ‘nong nakikita ko siya kasama ng alkalde. Palibhasa mga magaganda at sexy na taga-syudad ang mga nakakaulayaw niya, sino ba naman ako para bigyan ng pansin? Isang patpatin na babae na may maputlang kulay. Napangiti ako sa aking sarili ng bigla ko lang maalala ang isang tagpo ng minsang magkasalubong kami sa hardin. Binati ko siya at inismiran lamang niya ako pero masaya na akong kahit papaano ay napansin niya ako. Unti-unting nagbago ang Seniorito naging seryoso ito dahil sa responsibilidad na binigay sa kanya ng Alkalde, kaya lalo lamang itong naging masungit o mas maigi ng sabihing supládo. Pero wala ng mas sasaya pa ng bigla niya akong alukin ng trabaho. Kahit papaano ay makikita ko siya sa at mamahalin kahit sa malayuan tulad ng dati. “O, tatayo ka na lang ba diyan? Halika na dito sa loob,” sabi ni Seniorito. Dahil sa paglipad ng aking isip hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya. Sumunod ako sa kanya sa pagpasok sa loob. Dire-diretso sa loob ng kanyang opisina. Malaki ang mansyon ni Leandro mas malaki sa Ancestral House ng mga Saavedra. “Please have a seat, Ms. Rivas,” sabi ni Leandro. Tumatambol ang kanyang dibdib sa kaba habang tinititigan ang bagong amo. Kakaiba ang itsura nito ngayon halatang nakainom at namumungay ang mga mata. Maari namang pagod lang din dahil sa dami ng inaasikaso sa Rancho ng mga Claveria. “Ahhm. Kinuha kita bilang my personal maid dito sa bahay. Optional nalang kung may oras ka pang tumulong sa gawaing bahay basta ang priority mo ay ang pangangailangan ko!” diretsahang sabi ni Leandro. Nanlaki naman ang mata ni Glenda sa narinig mula kay Leandro. “Pa-nga-nga-ilangan!” paguulit niya. “My needs like coffee, helping me with paperwork and some duties like doing an errands,” paglilinaw ni Leandro. Napahinga siya ng maluwag ng marinig ang sinasabi ni Leandro. “Ahh, akala ko po kasi kung anong pangangailangan?” napangiwi siya sa naisip. Umarko naman ang kilay ni Leandro ng marinig ito kay Glenda. “Ano bang nasa isip mong pangangailangan?” sabi ni Leandro. Agad namang umiling at napangiti si Glenda. “Wala ho,” maang-maangan niya “O-Okay..so now, maliwanag na ang mga dapat mong gawin. You can start tomorrow, pero dahil wala pa si Manang Lucinda, ikaw muna ang magluluto dito. By next week darating na rin siya,” sabi ni Leandro bago tuluyang tumayo. “Wa-Wala pong problema?” sabi ni Glenda. “Ah sya nga pala..hindi ba nagtanong o pinigilan ka man lang ni Xyrine?” tanong ni Leandro. Umiling si Glenda. Napangiti naman si Leandro. “Hi-Hindi po. Hindi ko naman po sinabing tatanggap po ako ng trabaho galing sa inyo,” sagot ni Glenda. “Much better. Wala na akong masabi sa kabaitan ni Xyrine. I wish her all the best in life,” sabi ni Leandro. Ramdam parin ni Glenda ang pagtingin ni Leandro para kay Xyrine. Mabait naman talaga si Xyrine ngunit may asawa na ito. “Tama po kayo, Seniorito,” sabi ni Glenda. “Okay, come on, I'll show you to your room,” sabi ni Leandro. Inihatid siya nito sa magiging kwarto niya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang nasabing kuwarto. “Seniorito? Hindi po ba kayo nagbibiro? Ganito po ba ang kuwarto ng mga maids ninyo dito?” sabi ni Glenda. Napatingin siya kay Leandro. “Actually, I was doing all this because you save Xyrine and her daughter. Hindi ko na kailangan pang itago sa iyong matagal kong ng gusto si Xyrine. You heard everything,” sabi ni Leandro. Naging seryoso na si Leandro matapos niyang banggitin ang tungkol kay Xyrine. Kaya pinili nalang ni Glenda ang i-comfort ang amo. “Salamat Seniorito sa oportunidad. Saka hindi ko naman po talaga makakayang gawin ang ganong bagay. Nais ko lang ‘din pong linawin na iyon ang dahilan ko wala narin pong iba,” sabi ni Glenda. “As you said it. Sa kabila naman ang k’warto ni Manang Lucinda. So, gusto mo bang magpahinga muna?” sabi ni Leandro. Mahinahon itong nagpaliwanag sa dalaga at tumalikod narin kay Glenda. “Sandali lang po?” muling pagsasalita ni Glenda. “May kailangan ka pa ba?” sabi ni Leandro. “Ah wala naman po. Nais ko lang po tanungin kung kayo po ba may iba pang kailangan?” sabi ni Glenda. “I’m okay. Pagod lang at madaming iniisip.. I’m sorry,” sabi ni Leandro. Minasdan lamang ito ni Glenda hanggang makababa ng hagdan. Bumalik siya sa kanyang kwarto at inayos ang sariling higaan. Napahiga siya sa napakalambot na kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dinama ang lambot ng kama. ‘He still thinking about her. Tinatamasa ko ang sarap ng buhay dahil niligtas ko ang buhay ng babaeng mahal niya. Halos mag-iisang taon lang akong nagsilbi sa mga Saavedra at madalang ko siyang makita roon, paano naman siya nagkagusto kay Ate Xyrine? Hays kumplikado dahil may asawa na si Ate. Isa pa dahil sa insidenteng iyon naging maayos ang relasyon ni ate at kuya. Nagsisimula tuloy akong ma-curious sa pag-aasawa,’ kaisip-isip niya. Natutop niya ang kanyang bibig. Bahagyang namula tungkol sa pagaasawa. Naalala ‘din niya ang sinabi ni Xyrine tungkol sa pagpili ng lalaki. Huwag na huwag iibig sa mga katulad nila Seniorito at kuya. Pinawi niya ang kanyang iniisip. Nakaramdam siya ng lungkot ngunit nais naman niyang maging masaya dahil napansin na siya ng kanyang hinahangaang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD