Kabanata 20 : Ang Katotohanan

1315 Words
NAKAKUNOT ang kaniyang noo at halos lamukusin niya ang ladlaran ng kaniyang puting traje de boda. Punong-puno na siya ng galit at hindi niya napigilan ang pagsungaw ng kaniyang luha nang oras ding iyon. “Ang taong mahal mo ay ang taong dahilan ng pagkasunog ng kamalig,” may pangiti-ngiti pa ito habang nakatingin sa kaniya. Siya si Emma Huerto, isa sa mga babae ni Rainer na pinsan ni Leandro. “A-At bakit naman ako maniniwala sa iyo?” Hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya ng ibinalita ni Emma. “Then, sikmurain mong magpakasal sa isang bastardo at dahilan ng pagkamatay ng parents mo. Araw-araw makikita mo siya at magpapaalala sa iyong dahil sa kaniya kung bakit ka ulila ngayon. Isa ang ama ko sa nakasama sa kamalig at kailan ko lang din nalaman. Rainer told me this,” ani ni Emma. “Paanong siya ang dahilan? Hindi siya ang nagpasimula ng sunog?” may pagtataka niyang tanong. Umupo sa harap niya si Emma. “He came that noon asking around about her mother’s name Leanna. May nagsalita about rumors about her na ginahasa ng Alkalde. Kaya tinipon ng mga guwardiya ang mga naroon at kinulong sa kamalig,” kuwento ni Emma. “Alam niya ba ito?” “Probably, Yes! He kept this secret just to keep you. Ang sweet ng soon-to-be-husband mo,” sabi ni Emma habang kinukuha ang simpatya ni Glenda. Tinapik niya si Glenda sa balikat. “Hindi nalalayo si Leandro sa dating Alkalde. Malihim siya at hindi mo pa lubusang kilala,” pagpapaalala ni Emma bago lumabas ng fitting room. --- “Wow, ang ganda-ganda naman po ninyo. Halika na po kayo para makita na po ni Sir kung bagay po sa kaniyang paningin?” Halos tumigil ang mundo niya sa narinig kay Emma. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng isang babae. Nasa isang bridal boutique sila ni Leandro nang umagang iyon para sa fitting ng bridal gown niya. Hindi niya inaasahang sa mahikling oras na iyon ay may malalaman siya tungkol sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kaniyang mga paa na animo’y mabigat at gayundin ang kaniyang nararamdaman ng oras din iyon. “Ngumiti naman po kayo Maam ang ganda-ganda po ninyo sa gown na iyan. Nakakainggit nga po eh,” sabi ng babae. Mapait siyang ngumiti habang ramdam niyang unti-unti siyang pinapatay sa loob. Napatayo si Leandro habang lumalakad patungo sa kaniya si Glenda. Ngumiti siya rito ngunit hindi ito sinuklian ni Glenda. Umikot si Glenda ngunit wala ang sigla nito tulad nitong umaga nang ayain niya papunta dito. “Hey, masama ba ang pakiramdam mo? We can still do this tomorrow, right?” pagaalala ni Leandro. “O-Oo masama ang pakiramdam ko.” Saad niya. Tumango si Leandro at pumasok na ulit si Glenda sa loob para magpalit. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito, dire-diretso nang hindi manlang nililingon si Leandro. Dali-dali siyang sinundan patungo sa labas ng boutique. “Glenda… Glenda! Hey! Wait!” sigaw ni Leandro. “M-Maaari ba akong mapag-isa muna, Please!” Namaywang si Leandro. May pagkainis itong nagtanong, “May nangyari ba’t bigla ka nalang naging ganiyan? Hindi ako papayag na magisa ka!” “P-Please… gusto ko lang pumunta sa puntod nila inay at itay… Babalik din ako mamaya. Magkita nalang tayo sa bahay.” Matapos niyang sabihin iyon ay nilampasan na niya si Leandro at patuloy na naglakad. Hindi na niya muling nilingon ang lalaki dahil nag-unahan na ang kaniyang luha sa pagagos. Hindi narin siya pinilit ni Leandro dahil sa nakita niyang biglaang pagbabago ni Glenda. Dumeretso si Leandro sa isang bar na pagmamay-ari nang isang kakilala. Hindi ito sikat sa San Simon at ngayon lamang siya ulit napadpad dito. Sa counter siya umupo at agad naman siyang napansin ng bartendress na siya rin mismong nag-serve sa kaniya noon. “As usual, Miss Reya, right?” paninigurado ni Leandro kung ito ang pangalan ng female bartender na nameet niya 6 years ago. “There you are,” walang pasubaling ibinigay ni Reya ang order ni Leandro. Si Reya ay isang lesbian, makikita sa ayos ng buhok at ilang earings sa labi at dila. Dagdag pa dito ang galaw niya na parang lalaki. Astig din itong magsalita. “Wala man lang in-improve ang bar na ito. Madilim, kaunti ang tao at napaka-solemn ng music,” pangungutya ni Leandro. “Arogante ka parin, may nagbago dito dahil ako na ang may-ari. Last year inatake sa puso si Papa.” “I’m sorry.” Natahimik si Leandro at pinagmasdan ang alak sa kaniyang harapan. “Okay na ako. Siya naman ang may gusto ng ayos ng bar na ito from its entrance hanggang dito sa counter. Wala akong binago baka hilahin pa ang paa ko tuwing gabi.” Parehas silang napangiti. Muling napatingin sa kaniya si Reya. “Ikaw? May pagbabago ba sa problema mo, naaalala ko about sa isang married woman ang problema mo noon. Kamusta na siya?” “Actually, ikakasal na ako sa Sunday. And about that woman okay na sila ng husband niya. Nakalimutan ko na iyon. This time is just about chilling myself up before the wedding,” “Congratulations,” mahinang sabi ni Reya. “Ganito pala ang pakiramdam bago ikasal…” “Can’t relate, sorry.” Aroganteng sagot ni Reya. Hindi na sila muling nag-usap dahil may mga dumating na customer si Reya. Noon lang na-realize ni Leandro na maraming customer ang bar na iyon at halos lahat ng mga pumupunta ‘ron ay nais din mapag-isa kaya naalala niya si Glenda na baka nasa bahay na. Halos tatlong oras siya sa bar na iyon at hindi narin siya tinalaban ng pagkalasing dahil sa pagiisip niya ng mga bagay-bagay. Mabilis siyang nakarating sa Mansyon ngunit halos manlamig naman ang kaniyang katawan ng makita ang maliit na maleta ni Glenda. Umupo siya sa tabi ni Glenda. “Isang tanong, isang sagot Leandro…” napansin niyang magang-maga ang mga mata ni Glenda dahil sa labis na pag-iyak. “Umiyak ka ba? Sabi ko naman sa iyo, you can tell me anything?” hahawakan niya sana ang kamay ni Glenda ngunit iniwas nito. “May alam ka ba sa pagkasunog ng kamalig?” Natahimik si Leandro dahil alam niyang ganito ang mangyayari sa oras na malaman ni Glenda ang lahat. Siya parin ang sisisihin nito sa nangyari. Tumango si Leandro habang pinagdadaop ang palad. “Dapat lang masunog ang tatay mo sa impyern*,” bakas ang galit ni Glenda. “Kailan lang naging malinaw sa akin ang lahat at kung nais mo akong magbayad sa nangyari then go…” “Let’s call-off this wedding,” sa narinig ni Leandro ay napaluhod siya sa harap ni Glenda. Umiling at pilit na kinuha ang kamay ni Glenda. “Please! Glenda! Kaya kong ibigay ang ibang bagay o kapalit huwag mo lang akong iwan. Sasabihin ko naman sa iyo ang lahat pagkatapos ng kasal,” pagmamakaawa ni Leandro. “H-Hindi ko kayang magpakasal sa anak ng taong pumatay sa mga magulang ko. Hindi ko rin kayang sikmurain na makasama ka,” nanginginig na sabi ni Glenda. “G-Glenda! Please don’t do this to me… pagbabayaran ko ang nangyari sa mga magulang mo…” “Sige sunugin mo ang sarili mo…” utos ni Glenda. “Kung iyan ang gusto mo gagawin ko… halika!” hinila niya si Glenda sa may garahe at inilabas ang isang galon. Humahagulgol na sa iyak si Glenda dahil sa gagawin ni Leandro. Ibinuhos niya sa sarili ang laman ng galon at ibinigay niya kay Glenda ang lighter. “Now, do it. If that’s what you wanted…” sabi ni Leandro. Initsa ni Glenda ang lighter sa garden. “I’m sorry, hindi kita kayang pakasalan Mr. Claveria hayaan mo nalang akong umalis,” sabi ni Glenda. Muling lumuhod si Leandro kay Glenda ngunit buo na ang desisyon ni Glenda na iwanan siya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD