BILLIONAIRE 1

1706 Words
“Vivian Ruth! You’re next, so be prepared!” “Yes, Sir!” Mabilis akong sumagot at mas sinaulo ang mga dapat kong isagot sa mga posibleng itanong sa akin sa job interview ko ngayong araw. Sobra-sobra na ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Harap-harapan na rin kasi kaming ire-reject kapag hindi kami nakapasa sa interview nila. Kanina pa ako may nakikita na mga umiiyak na babaeng lumalabas mula sa room for interview. Kaya mas nakakadagdag iyon sa kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Bakit ka pa ba kinakabahan, Viv? Hindi naman ito ang unang beses na may job interview ka. Hindi na nga ito ang unang beses na sumabak ako sa isang job interview. Pero sa lahat ng nasabakan kong interview ay hindi ako natatanggap. Wala ni isa sa mga trabaho na in-apply-an ko ang tinanggap ako. Pero kahit na gano’n ang nangyari sa akin ay hindi pa rin ako sumuko. Kung susuko ako, paano na lang ang pamilya na kailangan kong buhayin? Paano na lang ang sarili ko? Kahit ganito lang ang buhay ko, nangangarap pa rin ako na makamit ang lahat ng mga gusto ko sa buhay. Sa bawat linggo na lumilipas ay nag-aapply ako sa sampung trabaho. Basta may makita ako na hiring ay sinusubukan ko. Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi ako magaling sa ibang trabaho. Pero susubukan ko pa rin, baka sakali na matanggap ako. Kahit mababa lang ang sahod ay papatusin ko. Kaya ko rin namang magtrabaho nang higit pa sa isa o dalawang trabaho. Sabado at Linggo lang ang pahinga ko sa pag-apply sa mga trabaho. Pero naglilibot ako sa buong lugar namin upang maghanap ng mga hiring businesses. Pero ang hirap na maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Kapag hindi nakapagtapos sa pag-aaral, hindi na tanggap. Kapag naman working student, mahirap din tanggapin dahil sa schedule. Kapag naman lack of experiences ay hindi rin tatanggapin sa trabaho. Kaya nga magtatrabaho para magkaroon ng experience. Hindi ko na rin talaga maintindihan minsan sa bansa na tinitirahan ko. Kung sino pa ang mga may kaya ay sila pa ang binibigyan ng trabaho. Imbis na kaming mga mahihirap at mas nangangailangan ng trabaho upang mabuhay ay hindi binibigyan ng tiyansa. “Ginawa ko naman lahat! Pero sobrang hirap ng mga tanong nila sa akin!” umiiyak na sambit muli ng isang babae. Kalalabas niya lang mula sa room for interview at humahagulgol na agad siya. Inaalo naman siya ng kaniyang kasama habang papalabas sila ng building. Damn, ako na ang sunod. Ang dami tuloy na tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na ‘to. Mahihirap ang mga tanong nila sa interview? Dalawa pa lang ang nakikita ko na pumasa sa trabaho na ‘to at hindi lumabas na luhaan. Puro babae kami rito ngayon at nasa limangpu kaming aplikante kanina. “Ms. Vivian Ruth, proceed to the room for interview,” tawag sa akin ng isang babae. Huminga naman ako ng malalim saka pumasok na sa loob ng kwarto. May tatlong tao roon na nakaharap sa akin. Seryoso lang ang kanilang mga itsura habang nakatungtong ang kanilang mga braso sa lamesa. Tinatagan ko naman ang loob ko. Ito na ang ika-labingtatlo na trabaho na in-apply-an ko sa araw na ‘to. Kung sakali man na hindi pa rin ako matanggap dito, hindi na muna ako maghahanap ng trabaho ulit. Umupo ako sa gitna nila. “Good day, Ma’am and Sir. I’m Vivian Ruth,” pakilala ko sa sarili ko. “What’s good today?” seryosong tanong sa akin ng isang lalaki na nasa gitna. Miski ang boses niya ay nakakadagdag ng kaba sa akin. “It’s good today because I am now here in front of you and I think you will give me an opportunity to improve the status of my life right now. If you will give me a chance to work in your company,” lakas loob na sagot ko. Hindi ko ipinapakita sa kanila na kinakabahan ako. Lalo na at mukhang napaka-istrikto ng lalaki na nasa gitna. Kung titingnan ko siya ng mabuti, mukhang hindi siya basta-bastang empleyado lamang sa kumpaniya na ‘to. I’m already twenty-two years old and applying for the secretary position. Hanggang second year college lang ang natapos ko dahil hindi na kinaya ng mga magulang ko na pag-aralin pa ako. Mas inuna na nila ngayon na mapag-aral ang kapatid ko na sumunod sa akin. First year college na siya ngayon. Kaya naman nagpa-ubaya na lang ako at mas pinili na maghanap ng trabaho. Ramdam ko rin naman na si Via ang paborito ng mga magulang ko. Dalawa lang kami na magkapatid. “How many jobs did you already applied to before going here?” tanong naman sa akin ng isang may katandaan na babae na nasa gilid ng masungit na lalaki. Hindi ko inaasahan ang tanong na ‘yon. Required pa pala na tanungin ‘yon. Pero ayoko naman na magsinungaling at sabihin na ito ang unang in-apply-an ko ngayong araw. “This is my fourth application for today, Ma’am.” “So? Are you accepted in those three jobs or not?” “Unfortunately, they don’t want to accept me due to not graduated in any degree in college.” Sumasagot lang ako ng totoo sa bawat tanong ng may katandaan na babae. Wala naman akong dapat itago. Hindi dapat ako magsinungaling para lang matanggap ako sa trabaho na ‘to, kung sakali. “Hmm, then it’s not a good day for you. But let’s see what you’ve got. Let’s start with the real interview,” sagot ng isa pang lalaki sa kabilang dulo. Mas gusto ko ang awra niya kaysa sa isang lalaki na nasa gitna. “Why did you apply for this secretarial position?" unang tanong sa akin ng lalaki na nasa gilid. “I am aware that you are passionate about sustainability as a business and this was one of the first aspects that attracted me to your company. I know that I don’t have any experiences for this position, but I am confident enough that I can handle this job.” “What do you think are the most important skills a secretary should have?” “I believe that the role of a secretary is an integral part of any office environment and that you need to be an all-rounder with the ability to multitask and adapt where necessary. I have a proven track record of planning and organisational skills and pride myself on my reliability and dedication to the job at hand.” Tumango-tango naman sa akin ang lalaki na nasa gilid dahil sa kaniya nanggaling ang dalawang sagot ko. “What are your main motivations to succeed at work?” tanong naman sa akin ng may katandaan na babae. Mas nakakatakot siya magtanong kaysa rito sa isang lalaki. “I believe self-motivation is the key to being a good secretary and, as a self-disciplined individual, I am able to successfully inspire myself. That being said, I am also driven and want to be able to progress within a company, and I find that demonstrating high-quality work is the best way to achieve this.” Akala ko ba ay mahihirap ang mga tanungan nila rito? Pero para sa akin naman ay hindi gano’n kahirap. Lalo na at ‘yon naman ang mga expected questions sa isang job interview. “You are applying right now to a big company like this. I’m sure that you’re already aware that we do not hire employees, especially with this position, that didn’t graduated into a degree. Your answers are very basics. It’s like you already memorized what you will answer to us. We need a secretary with a good education background. A secretary shouldn’t make any mistakes. And you don’t have any experience about this job. We don’t have any time to tell you what you should do and to teach you to become a proper secretary,” sambit ng lalaki na nasa gitna. Napakalamig ng kaniyang boses. Pakiramdam ko ay natutunaw na ako sa kinauupuan ko ngayon dahil deretso lamang ang tingin niya sa akin habang sinasabi niya ang mga salita na ‘yon. Muli na naman akong nawalan ng pag-asa. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Mahirap talagang makapasok sa ganitong kumpaniya ang tulad ko na ‘di tapos sa pag-aaral. Dalawang taon na lang naman at makakapagtapos na ako. Pero hindi ko pa nagawa. “But her answers were good, Apollo. Among all the other applicants earlier, she has the best answer,” sabat naman ng lalaki na nasa gilid. Apollo? Apollo Cash?! Hindi ko pinahalata ang gulat ko at napatingin lang muli sa lalaki na nasa gitna. Sobrang tangos ng kaniyang ilong at maayos ang buhok. Ang kaniyang labi ay mapula-pula at may kalakihan ang katawan. Halata mo na napunta siya sa gym lagi. Samantalang ang kaniyang mga mata ay walang emosyon na makikita. Pero sa kabuuan naman ng kaniyang itsura, masasabi ko na ang gwapo niya. Siya ang anak ng may-ari ng kumpaniya na ‘to. Ang Cashland Company. Nakikita ko na siya sa mga article pero ‘di ko agad natandaan ang mukha niya. Alam ko lang ang pangalan niya. Kaya nagulat ako nang marinig ngayon ang tinawag sa kaniya ng isang lalaki. Kaya pala nasa awra rin niya kanina na hindi siya basta-bastang empleyado lang dito sa kumpaniya. Anak pala siya ng may-ari rito. “But she will going to be my secretary if we accept her. The two applicant earlier that we accepted was from other position.” Ibig sabihin ay natanggap sila pero ‘di bilang sekretarya? “I don’t want her. I want someone with a college degree,” dagdag pa ni Apollo. “Won’t you give me a chance, Sir? I know that I can do this job,” sabat ko sa usapan nila. Desperada na ako ngayon. Nawawalan na ako ng pag-asa na mag iba pang trabaho na tatanggap sa akin. “My decision is final. You’re out. Next applicant,” malamig na sagot sa akin ni Apollo. Bumagsak ang balikat ko dahil sa lungkot. Hindi na ako nagpumilit pa. I already expected this anyway. “Thank you.” May tatanggap din sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD