Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin lang sa kaniya. Seryoso lang ang kaniyang mukha na para bang wala siyang pakialam sa mga babae na iniiritan na siya ngayon. Hindi ko akalain na uso pa rin pala sa college ang mga ganitong klase ng babae. Na kapag nakakita ng gwapo ay iirit na at akala mo ay nakakita ng artista. Pero hindi ko sila masisisi, lalo na at isang bilyonaryo at may-ari ng malaking unibersidad ang kanilang iniiritan ngayon. Pero hindi ko naman akalain na isa pa ring estudyante si Apollo! Akala ko ay tapos na siyang mag-aral o kung ano man lalo na at siya na ang CEO ng isang kumpaniya. Pakiramdam ko naman ay hindi niya ako papansinin dito. Kaya naman ay luminga ako sa paligid upang malaman ko kung saan ako dapat na dumaan. Mukhang doon ang daan papunta sa aking classroom. Bi