Dahil sa sobrang kahihiyan, agad na akong nagtalukbong ng kumot. Yumuko ako sa kama ko habang nakatakip ng kumot. Alam ko naman na hindi ako malalamon ng kama ko ngayon, kaya magtatago na lang ako gamit ang kumot. Hindi na ako nagsalita pa. Mas lalaki lang kung sasagutin ko pa siya. Tutal naman ay wala rin akong masasabi sa kaniya, dahil sobrang hiyang-hiya na ako ngayon! Kung bakit ba naman sumigaw ako?! Akala ko naman ay soundproof din pati ang mga kwarto rito. Kaya ang lakas ng loob ko na isigaw ang inis na nararamdaman ko. Tsaka ang alam ko rin ay nakaalis na siya! Kaya bakit nasa baba pa rin pala siya kanina? Kainis! Gusto kong isigaw sa kaniya ang lahat ng mga nasa isipan ko ngayon. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang inis sa kaniya at dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko nga