[Ayane's pov] Isang buwan na ang lumipas nang dumating sa academy ang mga Richards. Hindi maiwasang magkaroon ng girian ang dalawang panig tuwing magkakasalubong. Pero sa mga giriang iyon, laging sina Ate Zy ang nagwawagi. Para bang sana'y sanay siya na makipag-trash talk. "Saan kaya natutunan ni Ate Zy iyon?" napapailing bulong ko at binalik ang atensyon sa aking binabasa Napaangat ako ng tingin ng may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at sumilip si Manager Reina. Pansin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata ni Manager Reina. Sa sobrang abala niya nitong nakaraang mga araw, mukhang nakalimutan na niya ang matulog. "Ayane, aalis na ako" tila pagod na pagod na paalam niya Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa. Narinig ko ang pagsara m