Chapter 20

2265 Words
Malalim na ang gabi ngunit wala pa ring balak umuwi ng bahay si Atasha. Mula ng dumating siya sa lugar na iyon ay umiyak na lang siya nang umiyak. "Mommy, daddy, kuya," aniya habang pinupunasan ang mga luha sa mata. Mula noong bata pa siya hindi man lang niya naramdaman na magkaroon ng mga magulang. Hanggang sa nagmahal siya at nagkamali ay wala man lang umalo sa kanya para sabihing magiging maayos din ang lahat. Wala man lang yumakap sa kanya sa pamilya niya para sabihing, narito lang kami para sa iyo anak. Puro pangarap lang niya ang lahat. Noong araw na nalaman niyang nagdadalangtao siya; ay inaasahan na niyang mula sa ospital hanggang sa makarating ng bahay, ay mararamdaman niya ang disappointment ng mga magulang. Ngunit hindi niya akalaing aabot sa pagpapalaglag ng kanyang anak ang galit ng mga ito. At dahil hindi siya sumunod ay umabot pa sa puntong pinalayas siya ng mga magulang. Noon akala niya ay hahanapin siya ng mommy at daddy niya, habang nagpapalipas ng tampo. Ngunit dumaan ang mga araw, linggo at buwan, nalaman na lang niyang blacklisted na sa mga kompanya ang pangalan niya. Kahit ibang apelyedo ang ginagamit niya ay hindi pa rin nakaligtas sa mga magulang. Hanggang sa lumipas ang mga taon at hindi na nga siya nakapagtrabaho sa mga kompanya. Malaki o maliit man ang mga ito. "Ganoon po ba talaga kalaki ang galit ninyo? Ha! Mommy, daddy. Alam ko sa sarili kong hinahanap ako ni kuya. Pero alam ko ding kayo ang gumagawa ng paraan para hindi niya ako makita. Itinapon ninyo akong parang basura. Anak ba talaga ninyo ako?" naitanong na lang niya. Kahit alam ni Atasha na walang sasagot. Masakit na masakit ang nararamdaman ng puso niya sa mga oras na iyon. Kung noon ay para itong hinihiwa ng kutsilyo. Sa mga oras na iyon ay parang gusto ng alis ang puso niya bilang parte ng katawan niya. "Talagang masayang-masaya po ba kayong maghirap ako. Gustong-gusto ba ninyong nakikitang namamalimos ako? Pulubi na po ako sa pagmamahal sa magulang. Pati ang mabuhay ay gusto pa ninyong ipagkait sa akin?" Halos pangapusan ng hininga si Atasha sa mga hinanakit na noon lang niya nailabas. Naninikip na ang kanyang dibdib dahil sa labis na pag-iyak. Gusto na niyang sumuko noon pa lang. Ngunit inaalala niya ang kanyang anak. Tapos ngayon---. Saglit na natigilan si Atasha. At ang kamay niya ay ipinatong niya sa kanyang sinapupunan na parang yakap ito. "Sorry anak," nasambit na lang niya at lalong bumuhos ang kanyang mga luha. Noon hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na yakapin man lang ng mommy at daddy niya tuwing kailangan niya iyon. Nabuhay siyang mag-isa kahit maraming kasama. Nabuhay siyang sarili lang ang kakampi niya. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Juaquim. Ang anak niya ang yumayakap sa kanya tuwing gusto na niyang sumuko. Ang mga yakap ni Juaquim ang nagbibigay lakas sa kanya tuwing nanghihina siya. Ang maliliit nitong mga kamay ang nakaalalay sa kanya para patuloy na lumaban sa buhay. Halos wala ng makita si Atasha. Bukod sa madilim na kalangitan ay malamlam lang na ilaw ang nagbibigay liwanag sa kanya sa lugar kung saan man siya naroroon. At ang mga luha niya sa mga mata ang humaharang para hindi niya makita ang paligid. Nagsimula lang ang tampo at sama ng loob niya sa pagsigaw sa kanya ni William. Ngunit nang dahil lang doon. Muling bumalik ang sakit at sama ng loob na kanyang kinimkim. Mula pa noong bata pa siya hanggang sa mga oras na iyon. Samantala, hindi malaman ni William kung saan hahanapin si Atasha. Wala siyang ibang alam sa dalaga. Maliban sa basic information na nabasa niya sa impormasyong ibinigay sa kanya ni Jacobo. At sa mga panahong nakasama niya si Atasha. "Saan kita hahanapin Atasha?" tanong ni William na hindi malaman ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang paborito ni Atasha maliban sa burger na palaging request nito. Wala siyang alam tungkol sa kung saan ba ito malimit pumunta. Kung ano ang gusto nito? O kung may piling lugar ba itong nais tambayan. Iyong mga simpleng bagay na iyon. Wala siyang alam tungkol kay Atasha. Hanggang sa maisipan niyang tawagan si Jacobo. "Hey what's up pare. What about this time? Wala kang balak matulog? Oh come on! Magpatulog ka naman." Bungad kaagad sa kanya ni Jacobo. Wala naman siyang magagawa sa naging sagot nito. Lalo na at malapit ng magpalit ang petsa sa kalendaryo ay nang-aabala pa siya. "May problema ba? Kung emergency ang itinawag mo ay matatanggap ko ang pang-aabala mo. Pero kung aabalahin mo lang ako dahil sa cravings ni buntis? Sorry wala akong kaibigan sa mga oras na ito. Matutulog na ako." "Nawawala si Atasha." "What?" "You heard me, right." "Kailan pa? Anong nangyari? Anong pinag-awayan ninyo? Langya naman Del Vechio. Baka mapahamak ang inaanak ko. Anong oras na at ngayon mo lang ako tinawagan? Sh*t!" Dinig ni William na parang nagpanic ang kaibigan. Higit sa lahat ay biglang lumikha ng malakas na tunog ang pagbagsak ng isang bagay. Hindi na siya nakapagsalita. Lalo na at pakiramdam niya ay mas taranta pa sa kanya si Jacobo. "I'm sorry nabitawan ko ang cellphone ko. Matutulog na kasi ako. Kaya naman dahil sa sinabi mo nagbihis ulit ako. Nasaan ka ba Del Vechio?" "Sa daan. Paikot-ikot lang. Wala akong alam kung saan ko pwedeng hanapin si Atasha. Kanina pa siya umalis sa bahay. Kasama si Juaquim. Kaya pumunta ako sa kanila. Hanggang sa naroon nga si Juaquim. Ngunit wala si Atasha." "Saan naman pupunta ang buntis na iyon? Gabing-gabi na William. Open your GPS. Para malocate ko kung nasaan ka na. Tutulungan kitang maghanap kay Atasha. Hindi pa naman ito tatanggapin ng pulisya. Isa pa, hindi siya missing kasi nawala na may kumuha. Nawala siya kasi umalis siya. Ito ang pinakamahirap hanapin. Ang taong ayaw magpahanap," ani Jacobo at nagpaalam na rin kay William. Hindi malaman ni William kung saan hahanapin ang dalaga hanggang sa bigla na lang tumirik ang sasakyan niya sa isang park. Hindi niya malaman kung bakit doon siya napadpad sa gitna ng kanyang paghahanap. Inis na bumaba ng sasakyan si William at sinipa pa niya ang gulong ng sasakyan niya sa labis na inis. Ngunit bigla na lang siyang natigilan ng makarinig ng iyak ng isang babae. Pinakinggan pa niyang mabuti iyon, para siguraduhing hindi siya binibiro lang, ng kanyang pandinig. "Hindi ba ako kamahal-mahal? Wala ba talaga akong silbi? Pabigat at walang kwenta?" tanong ni Atasha sa kawalan habang palakas nang palakas ang kanyang pag-iyak. Alam niyang walang makakarinig sa kanya sa mga oras na iyon. Kaya ibinuhos niya sa pag-iyak ang kanyang nararamdaman. Naghahabol na ng paghinga si Atasha at parang batang nag-iinis na dahil sa labis na pag-iyak. "K-kuya," halos pabulong na lang na saad ni Atasha ng maramdaman ang mainit mga bisig na yumakap sa kanya. "A-Atasha," nag-aalalang tawag ni William sa pangalan ng dalaga. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Atasha at mabilis na itinulak si William. Kaya naman nabitawan siya ng binata. Napatayo naman si William dahil sa lakas ng pagtulak ni Atasha. "Atasha," mahinahong saad ni William. "Galit ka di ba? Galit ka sa akin. Galit kayong lahat sa akin! Ayaw ninyo sa akin? Bakit? Dahil hindi ako malinis? Dahil nabuntis ako ng kung sino lang? Bakit? Kasalanan ko bang niloko lang ako? Hindi ko naman sinasadya ang nagawa ko. Pero ko naman deserve na lokohin at paglaruan. Humihiling lang akong mahalin ako ng mga magulang ko. Pero ano? Pinagtabuyan nila ako. Pinalayas kahit walang alam na pupuntahan. Masaya pa yata sila kung namatay na lang ako. Sana nga namatay na lang ako!" sigaw ni Atasha na ikinatameme ni William. Hindi niya alam kung bakit umabot sa ganoon si Atasha. Nasigawan lang naman niya ang dalaga dahil pagod talaga siya kanina. Ngunit saan nanggagaling ang mga sinasabi nito? Patuloy pa rin sa pag-iyak si Atasha. Habang nakatingin si William sa dalaga. Bigla ay pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Jacobo na hindi si Nanay Rosing ang nagpalaki kay Atasha. Na isang araw ay bigla na lang may isang Atasha na sumulpot sa buhay ni Nanay Rosing. Isa pa ay sa kilos nitong alam niyang hindi lumaki sa lugar na tinitirahan nito ngayon. Ngunit marunong makibagay. Lalo lang siyang nagkaroon ng malaking katanungan tungkol sa katauhan ni Atasha. Alam niyang may malaki itong lihim. At iyon ang kailangan niyang alamin. "Atasha," ani William ng akmang lalapitan si Atasha ng tumayo itong bigla mula sa pagkakaupo. Muntik pa itong nawalan ng balanse. Mabuti na lang at nakahawak ito sa poste ng ilaw sa tabi ng kinauupuan nito. "Iwan mo na ako. Iwan na ninyo akong lahat! Wala naman akong kwentang ina. Kahit si Juaquim noong nagkasakit siya ay wala man lang akong nagawa. Hindi ko man lang siya nagawang ipagamot ng hindi humihingi ng tulong sa iba. Wala akong silbi. Kaya bakit kailangan ko pang makita ang bukas? Bakit kailangan ko pang sikatan ng araw?" "Atasha! Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Lasing ka ba? Bakit daig mo pang nakainom?" "Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko! Wala kayong alam sa buhay ko! Walang nagmamahal sa akin! Walang may gustong makita pa ako!" Napalupagi na naman si Atasha sa semento dahil sa hilong nararamdaman. Pagod na pagod na ang puso at isipan niya. Gusto na niyang sumuko. Ayaw na niya. "Atasha." Hindi na nagdalawang isip si William at dinaluhan na ang dalaga. Niyakap niya ito ng mahigpit. Kahit nagpupumiglas si Atasha ay hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na makawala sa bisig niya. Hanggang sa tuluyan na itong mapagod sa pagpupumiglas at hinayaan na lang ang sariling makulong sa mga bisig niya. "I'm sorry Atasha kung nasigawan kita kanina. Sorry dahil dapat inintindi kita sa halip na sigawan. Pakiusap kumalma ka. Marami ang nagmamahal sa iyo nariyan ang anak mo at si Nanay Rosing." "Pero ipapamigay ko ang anak ko sa iyo. Pagkatapos kong makapanganak, hindi ko na siya makikita pa, habang-buhay." "A-Atasha," napahugot na lang siya ng hangin. Kung hindi niya kakalmahin si Atasha ay baka may masamang mangyari sa pa mag-ina. "Atasha, tahan na makakasama iyan sa iyo at sa anak ko. Isa pa alam mo ba kung anong oras na. Hindi ka dapat naglalagi dito sa labas. Makakakuha ka ng sakit dito eh. Nakakatakot ka na tuloy magtampo. Bigla ka na lang umaalis ng alanganing oras. Pinag-alala mo ako." Pagbabago na lang ni William sa usapan. "Concern ka lang dahil sa anak mong anak ko. Pero pagod na ako." "Hindi lang dahil sa anak ko Atasha. Kahit sa iyo at kay Juaquim nag-aalala ako. Kaya huwag kang ganyan. Magpakatatag ka. Magtiwala ka sa akin na magiging maayos rin ang lahat. Aalagaan kita kita, kayo ni Juaquim. Hindi ko kayo pababayaan. Pangako." "Don't make promises. Because promises is made to be broken." "Okay sige hindi na. Gagawin ko na lang." "Pero aalis pa rin ako sa poder mo at paaalisin mo rin naman ako. Di ba matapos kong ibigay sa iyo ang nais mo babalik na sa normal ang lahat. Babalik na ako sa dati kong buhay. Ako, si Juaquim at Nanay Rosing lang ang magkakasama. Ikaw kasama ang sanggol na isisilang ako. At ang kontrata ay kontrata lang. No feelings attached. Sinabi mo yan." "But there was a breaching of contract Atasha," ani William na ikinatingala dito ni Atasha. "Anong sinasabi mo?" "Here I am in front of you is not me, five years ago. After that day, when my ex-fiancèe commit suicide, hindi ko na siya nagawang tingnan pa o hawakan pa. Hanggang sa inihatid ko siya sa huling hantungan. Hindi ko nagawang tingnan ang itsura niya sa loob ng kahong iyon. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa kayang magpaalam sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan sa ganoong kalagayan. Ang huli ko lang nakita ay ang dugo na umaagos sa kanyang pulso. At ang katawan niyang natatakpan ng puting tela sa morgue. Habang ang alaala niya noong masaya pa kaming dalawa ang pilit kong itinatanim sa aking puso at isipan. Hanggang noong huling araw niya nakagawa pa ako ng kasalanan sa kanya. At iyon ang hindi ko lalo matanggap sa sarili ko. Kaya pilit kong kinalimutan ang gabing iyon. Kaya nakulong lalo ako sa alaala ni Teresa. Tapos nito ko lang nalaman na hindi paninira ang pagkakaroon niya ng iba, gayong ikakasal na kami. Dahil totong niloko lang niya ako. Pinaikot dahil sa pera. Pero bago pa magdalawang isip ka na naman. Bago ang araw na nalaman ko ang katotohanan ay naghahanap na talaga ako ng magiging ina ng aking anak. At nakita kita, na sa kabila ng maladragona mong ugali, nakikita kong kakaiba ka." Hindi malaman ni Atasha kung ano ang isasagot sa mga sinabi ni William. "B-bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na iyan? Anong kinalaman ko sa kwento mo? Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin ang lahat ng iyan?" "Because of, the breaching of contract Atasha," ani William at hindi na hinayaan pang makapagsalita ang dalaga at kaagad na tinawid ang ilang pulgada na pagitan ng labi nilang dalawa. Marahan ang halik na iginawad ni William sa labi ni Atasha. Halik na nanunudyo at nangtatakam. Hanggang sa tuluyan ng bumigay si Atasha at sinagot ng sing init na halik ang halik na iyon. Mapusok at mapaghanap na halik ang pinagsaluhan nila. Literal mang sila lang ang tao sa parkeng iyon. Mas lalo pang pinagtibay ng halik na iyon na wala na talaga silang pakialam sa paligid kahit may dumaan pa doon. "W-William." "A-Atasha." Tawag nila sa pangalan ni isa't isa. Habang hindi bumibitaw sa halik na pinagsasaluhan nila.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD