EXODUS MAIN HOUSE
Tahimik na pinagmamasdan ni Laxus ang tagapagmana. Nakasuot ito ng itim na long sleeves at pencil cut skirt at pinarisan ng itim na pumps. Nakaupo ito malapit sa labi ng kanilang yumaong pinuno. Isang oras mula ngayon ay ihahatid na nila ito sa kanyang huling hantungan.
"Higit na mas nasasaktan ang ating young lady." Napatingin si Laxus kay Joan, isa sa mga myembro ng Exodus, kilala sa paggamit ng long range fire arms.
Napabuntong hininga si Laxus. Napakaaga talaga kasi ang pagkawala ng kanilang pinuno. Higit sa lahat pinatay ito ng kanilang kalaban.
"Masyado pang bata para maranasan ng young lady ang ganitong pangyayari." Sabi niya.
Dama ang kalungkutan sa malaking mansyon na ito. Hindi lamang pinuno ang nawala sa kanila. Nawala din ang kanilang kinikilalang ama, kaibigan at kasangga.
Timothy Grayson, ang pinuno ng Exodus. Isang ulirang ama para sa lahat, mabuting kaibigan, taga protekta sa kanila, kasangga nila.
Para kay Empress Jade Grayson, si Timothy ay isang mapagmahal na ama. Si Empress ang tagapagmana ng buong Exodus group.
"Young lady, halika ka na." Akay ni Laxus kay
Empress. Tumango na lamang siya sa kanya.
Binuhat na ng ilang myembro ang labi ni Gray at isinakay na sa carosa. Nagkanya kanya na silang sakay sa mga kotse paptunta sa isang pribadong sementeryo.
Pagdating doon ay napuno ng iyakan at hagulhol ang lugar. Hindi matanggap ang biglaang pagkawala ng kanilang pinuno.
"Ipapangako ko Ama, magbabayad sila. Walang kapatawaran ang kanilang ginawa nila sayo. Iisa- isahin ko ang bawat kasapi nila. Uubusin ko sila at walang lugar ang kanilang magmamakaawa. Ako ang iyong tagapagmana. Tungkulin ko na ipaghiganti ka mahal kong ama. Magbabayad ng mahal ang buong Excalibur. They want war? We will give war. They will experience the wrath of the Empress. Maghintay lang sila."
--
Isang gabi, naabutan ni Laxus si Empress na nakaupo sa bar counter ng mansyon habang sumisimsim ng Jack Daniels.
"Magandang gabi young lady." Bati niya sa tagapagmana.
"Ikaw pala Laxus. Kamusta ang Exodus? May balita na ba tungkol sa ating kalaban?" Sunod-sunod na tanong ni Empress.
Umupo sa tabi ng dalaga si Laxus at nagsalin din sa baso ng alak. Inisang lagok niya ito bago sinagot ang babae.
"Maayos naman kahit papaano. Sa ngayon ni anino ng isang Excalibur ay wala kaming makita. Mukhang naghihintay lamang sila."
"Kailan ko mahahawakan ang grupo?"
"Kapag handa ka na young lady." Tanging sagot ng binata.
"Handa? Walang tamang oras ang paghahanda Laxus!"
"Mayroon young lady. Huwag kang mainip may tamang panahon ang lahat. Sa ngayon, ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang pagsasanay mo."
"Kating kati na ko bawian ang mga hayop na iyon!" Sabi ni Empress saka tinungga ang laman ng baso.
"Kung nandito lang si Gray ay malamang kanina ka pa sinesermunan. Nakalahati mo na iyang bote eh." Ngumiti lamangtng mapait ang dalaga.
"Sad to say wala na si ama. Iniwan na niya tayo."
"Hindi niya tayo iniwan young lady." Napatingin bigla si Empress sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"Si Gray ay nasa puso natin. Kailan man hindi niya tayo iniwan. Nandito pa rin siya sa mga puso natin."
"Tama ka Laxus. Tama ka."
Ilang sandali naghari ang katahimikan.
"Alam ko nasaktan ka din sa pagkawala ni ama. Isa ka sa malalapit na tao ni ama sa grupo,"
"Tama ka young lady. Malaki ang utang na loob ko kay Gray. Kung hindi dahil sa kanya matagal na kong patay. 7 taon lang ako noon ng makilala ko siya. Iniligtas niya ako sa pagmamalupit ng aking nanay. Simula noon, pinangako ko sa sarili ko na magiging tapat ako sa kanya. Lalo na ng ipinakilala niya ako sa Exodus."
"Ang tagal na kitang nakikita pero wala akong alam sayo. Minsan lang din tayo mag-usap. Ilang taon ka na ba? Mukhang hindi naman tayo nagkakalayo ng edad."
"Nasa 23 na ako young lady. " sagot niya.
"Not bad. Type ko ang mga katulad mo." Pagbibiro ng babae na siyang ikinalaki ng mata ni Laxus.
--
Exodus main house
"Young lady." Napatingin si Empress sa kadarating lamang na si Laxus na may kasamang dalawang lalaki na sina Frield at Brixton.
"Kayo pala. Hindi ba't masyado pang maaga para umuwi dito? Sino naiwan sa main office?" Tanong niya agad.
"Wag kang mag-alala, nandoon naman si Joan." Sagot nito. Tumango na lang si Empress.
"May natanggap kaming balita, na nagpalit na ng pinuno ang Excalibur. Pero ang problema, hindi namin ito makilala. Hindi namin ito alam kung ito ba ay babae o lalake. Ayon sa mga pinadala kong tao, nakataklob ito ng itim na tela ng gabing ipinasa na sa kanya ang Excalibur."
"Anong silbi niyan Laxus? Hindi niyo naman kilala ang pinuno?!"
"Isa lang ang sigurado, kaedad mo siya at nag-aaral sa Brighton University."
Brighton University huh? Humanda ka kung sino ka man.
"Paano malalaman kung siya na ang pinuno ng Excalibur?" Tanong niya.
"May tattoo siya ng insignia ng grupo nila sa may balikat niya. Isang espada na nakabaon sa bato." Sagot naman ni Frield.
King Arthur lang? Sword in the stone?
Ngumiti ng kakaiba ang dalaga.
"Ayusin mo Laxus ang mga kailangan para makapasok ako sa Brighton University." Utos niya kay Laxus. Nagtaka naman ang tatlo sa sinabi ng tagapagmana.
"Ano ang binabalak mo young lady?" Tanong ni Laxus.
"Papasok ako sa Brighton University. Ako mismo ang hahanap sa pinuno ng Excalibur. Ako mismo ang papatay sa pinuno nila. At sisiguraduhin kong mabubura sa underground society ang buong angkan ng Excalibur."
--
Maaga pa lang ay nakagayak na ang si Empress. Ngayon ang unang araw niya sa Brighton university. Nagsuot lamang siya ng simpleng puting long sleeve na itinupi hanggang siko, nakabukas ang unang dalawang butones nito kaya bahagyang sumisilip ang kanyang dibdib. Pinarisan niya ito ng itim na pencil cut skirt at itim na high heels.
Pagbaba niya ay ipignahain na siya ng mga katulong ng agahan. Pagkatapos nun ay sumakay na sa kanyang paboritong itim na BMW at tinahak na ang daan papuntang eskwelahan.
Sa loob lamang ng dalawang araw ay naisaayos na lahat ni Laxus ang mga kailangan sa pagpasok sa Brighton.
Ang Brighton University ay isang elite school. Karamihan ng mag-aaral dito ay galing sa mayayaman at prominenteng pamilya. Ang iba ay anak ng senador, kongresista, gobernador at ilang kilalang negosyante.
Sa ngayon ay magtatago ang dalaga sa katauhan ng isang Elloisa Samonte, anak ng isang negosyante na mula sa Italya, kasalukuyang kumukuha ng kursong BSBA (bachelor of science in business administration).
Pagdating doon ni Empress ay agad bumungad sa kanya ang matayog na tarangkahan ng unibersidad. Pagpasok niya dito ay isang malawak na daan ang kanyang dinadaanan. Pinark na niya ang kanyang kotse at nagsimula siyang hanapin ang kanyang building department.
Maraming estudyante ang nagkalat dahil hindi pa nagsisimula ang klase. Ramdam niya ang mga malalagkit na tingin ng mga kalalakihan sa kanya. Inikot niya ang paningin sa buong paligid.
Isa sa kanila ang bagong pinuno ng Excalibur.
Di rin nagtagal ay nakita na niya ang building department at ang classroom. Pagpasok niya ay napailing siya sa naabutan.
Tss. Bitches and jerks. Typical students.
May nagmumusic jamming, sluts are everywhere, making out sessions.
Pumasok na siya at umupo sa upuan malapit sa bintana. Napansin niya ang pagtahimik ng paligid.
Ilang sandali pa ay may dumating na grupo ng mga kalalakihan. 5 lalaki. Nagulat na lang siya ng huminto ang isa sa harapan niya.
Masasabi niyang gwapo ito. Matangkad, makinis at maputi ito, itim at bagsak ang buhok at katamtaman ang laki ng katawan. Bagay na bagay dito ang suot na itim na v-neck shirt at skinny jeans.
"Move." Puno ng authority ang pagkakabanggit nito. Napataas ang kilay ng babae. Hindi niya ito pinansin at tinitigan lamang ang lalaki.
"I said move." Pag-uulit nito.
"And why will I do that?" Mapanuya niyang tanong sa lalaki na siyang ikinainit ng ulo nito.