bc

Mafia War

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
dominant
bxg
kicking
campus
highschool
enimies to lovers
surrender
like
intro-logo
Blurb

Sa mundong aming ginagalawan, bawal ang mahihina. Kapag mahina ka mamamatay ka. Walang lugar ang awa sa lugar na ito. Para sa kapangyarihan gagawin namin ang lahat makamtan lang namin ito.

Walang lugar ang mga mababait na tulad mo dito. Walang lugar ang salitang 'pagmamahal' sa mundong ito.

For the sake of power, money and fame we will do everything just to get it. Even if it takes our life.

They started this, we will end this. If they want war, we will give them war.

Let the mafia war begins.

EXODUS VS. EXCALIBUR

chap-preview
Free preview
PROLOGUE + CHAPTER 1
Sa mundong aming ginagalawan, bawal ang mahihina. Kapag mahina ka mamamatay ka. Walang lugar ang awa sa lugar na ito. Para sa kapangyarihan, gagawin namin ang lahat makamtan lang namin ito. Walang lugar ang mga mababait na tulad mo dito. Walang lugar ang salitang 'pagmamahal' sa mundong ito. For the sake of power, money and fame we will do everything just to get it. Even if it takes our life. They started this, we will end this. If they want war, we will give them war. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Hindi kami papayag na basta na lang nila papatayin ang aming pinuno, ang aking ama. Magbabayad sila. Let the mafia war begin. EXODUS VS. EXCALIBUR CHAPTER 1 "Please, maawa na po kayo!" Pagmamakaawa ng lalaking nakabulagta sa simento. Puno ito ng sugat sa buong katawan, naliligo sa sariling dugo. Halata sa mukha nito ang sakit na dinadanas. Bugbog sarado ang buong katawan nito. Duguan ang ulo at putok ang kilay at labi. Makikita din na natanggal ang dalawang ngipin sa harapan nito. Wala ng damit pang-itaas ang lalaki at puro sugat na mula sa hiwa ng kutsilyo ang torso nito. Makikita din ang mga paso ng sigarilyo sa balikat at batok ng lalaki na sariwang-sariwa pa. Nakagapos ang mga kamay nito gamit ang cable wire. Talagang pinahirapan ng husto ang lalaki. "Pasensya na, wala sa bokubularyo ko ang awa. Kaya kung ako sayo sabihin mo na ang totoo. Sino ang nagpapatay kay Timothy Grayson!? Sino?!" Sigaw ng isang lalaki. Kita ang pangigigil nito, nag-iigting ang panga nito dahil sa galit. "Hindi ko talaga alam! Wala ako sa pinangyarihan ng gabing iyon!" Sagot ng niya. Umiling-iling pa siya. Pagod na siya at malakas ang rigodon ng kanyang puso. Hangga't kaya niyang magmakaawa para sa buhay niya ay gagawin niya. "Anong wala?! Ako pa ang niloloko mo?! Alam kong nandoon ka! Kaya sabihin mo na!" Pagpupumilit ng lalaki. "Hindi ko talaga alam!" ulit niya. "Ubos na ang pasensya ko sayong hapyop ka." Bumunot ng isang pistol ang lalaki at itinutok ito sa ulo niya. Mas lalong bumilis ang takbo ng puso niya dahil alam niyang kapag kinalabit ang gantilyo ay tapausan na ng buhay niya. Hindi pa siya puwedeng mamatay. Ayaw pa niyang mamatay. Kitang kita niya sa mata ng lalaking may baril ang poot at galit na nararamdaman nito. Takot na takot na siya. "Paalam na kaibigan. May pahkakataon ka pa sanang mabuhay kung sasabihin mo lang ang totoo," sabi nito sa kanya. Pagkakataon mabuhay? Dito na siya nabuhayan ng loob. "Magsasalita na ako!" sigaw niya. "May alam ako pero wala ako nang mangyari iyon!" sabi niya. Ibinaba ng lalaki ang hawak na pistol at nilapitan siya. Napapikit na lang siya sa sakit nang hablutin nito ang kanyang may kahabaang buhok. "Tell me. Ano ang nalalaman mo sa nangyari?" "Hindi ko siya kilala pero alam ko kung anong grupo siya. Wala ako nang gabing iyon pero nang mamatay si Gray, usap-usapan sa paligid ang pumatay sa kanya. Sinasabi nila na miyembro ng Excalibur ang pumatay kay Timothy. " Mas lalong humigpit ang hawak ng lalaki sa buhok niya. "Ginagago mo ba ako? Papaano ko naman malalaman kung sino 'yang tinutukoy mo? May pangalan ka ba? Sabihin mo kung sino?" Pinilit niyang umiling kahit masakit na ang buong katawan niya. "Hindi ko alam ang pangalan niya pero sinasabi ng mga nakakita ay may tattoo siya ng insignia ng Excalibur sa leeg. Siya lang naman ang may ganoong tattoo sa leeg," sagot niya. Tumango ang lalaki at binitawan na siya. "Sigurado ka?" Tumango naman siya bilang sagot. "Oo. Sigurado ako," paninigurado niya. Tinapik pa ng lalaki ang kanyang balikat. "Kung ganoon maraming salamat kaibigan." Inayos ng lalaki ang suot nitong damit. Ang puting polo nito ay may bahid na ng dugo pero hindi ito alintana ng lalaki. "Taga Beccio ka hindi ba? At ang Beccio ay kaanib ng Excalibur?" tanong nito sa kanya. "O-oo." "Makakaalis ka na. Ipapahatid kita. Maraming salamat sa impormasyon. Frield! Brixton!" sigaw ng lalaki. Tila ba nakahinga na siya ng maluwag. Nagawa niyang iligtas ang kanyang buhay. Nakabuo agad siya ng plano na magpapakalayo-layo na. Ayaw na niyang maipit sa away ng dalawang grupo. May pumasok na dalawang lalaki. Ang isa ay may mahabang buhok at may dalang katana samantalang ang isa ay nakamaskara, natatakpan nito ang kanyang mata at tanging ilong at bibig ang makikita. Hindi niya alam pero mas nakaramdam siya ng takot nang makita ang dalawa kaysa sa lalaki kanina. "Ibalik niyo na ang ating kaibigan. Baka hinahanap na siya sa kanila," utos ng lalaki. Nakita niya ang pagkatango ng dalawa. Sa wakas ang makakaalis na siya sa impyernong ito. "Copy, Laxus." sabi ng lalaking may mahabang buhok. Lumapit ito sa kanya at naramdaman niyang binuhat siya sa braso. Ramdam niya ang sakit pero hindi na siya nagreklamo pa. Ang mahalaga sa kanya ay makaalis na siya sa lugar na ito. Habang buhat siya at tanaw na niya ang labas. Nakikita na niya ang liwanag sa dulo ng pasilyo. Pero ang hindi niya alam ay hindi na siya masisinagan pa ng araw. May naramdaman na lang siyang may humiwa sa leeg niya at wala na siyang naramdaaman pa. Ang huling ala-ala niya ay ang liwanag sa dulo ng pasilyo. Pagkalabas ng tatlo ay agad niyang naitaob ang lamesang naroon. Hindi niya matanggap, na ang Excalibur ang pumatay sa kanilang mahal na pinuno na si Timothy Grayson o mas kilala sa tawag na Gray. Galit na galit siya dahil sa nangyari. Dahil sa kanila nawalan ng pinuno ang grupong Exodus. Ang Exodus ang pinakamalakas na grupo sa mundo ng mafia. Sila ang nasa top pyramid ng underground, pero ngayon ang kinikilalang pinakamalakas na grupo ay dahan dahang nanghihina dahil sa pagkawala ng kanilang boss. "Humanda ang Excalibur, pagbabayaran nila ang ginawa sa atin. Hindi nila mahahawakan ni dulo ng buhok ng tagapagmana ng Exodus. Pangako Gray, proprotekhan ko ang tagapagmana." Kinalma niya ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim ng ilang beses. Kailangan niyang kumalma dahil kailangan niyang protektahan ang anak ni Gray-ang kanilang boss. Laxus Del Gado, ang kanang kamay ng namayapang pinuno at pansamantalang pinuno ng Exodus. Siya muna ang mamamahala habang hindi pa handa ang tagapagmana ni Grey. Nangako siya naa gagawin niya ang lahat para protektahan ang kanilang tagapagmana. Sa ngayon ay siya muna ang magpapalakad ng grupo habang inihahanda pa ang kanilang bagong boss. Hindi niya puwedeng pabayaan ang Exodus dahil alam niyang maraming mangangahas na burahin sila sa mundo ng mafia. Hindi niya hahayaang mangyari iyon. "Boss, ako na ang bahala. Magbabayad ang mga taong tumapos sa buhay mo. Matitikman nila ang galit ng Exodus. Makikita nila." Maya-maya ay bumalik na ang dalawa niyang tauhan. Nakita niya pang pinupunasan ni Frield ang katana na ginamit nito kanina lang. "Magbabayad ang Excalubur. Matitikman nila ang galit ng buong Exodus."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
178.4K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

Dangerous Spy

read
310.2K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook