Chapter Eleven

2718 Words

"Boss..." Napakunot ang noo ni Ashteroh nang lumapit ako sa kanya. Pinigilan ko siya sa pag-aayos ng necktie n'ya. Napabuga ako ng hangin at ako na mismo ang nagsuot no'n sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang ako habang nakatitig sa 'kin. Papayag kaya si boss sa gusto ko? Alam ko namang palaging walang choice si boss sa kakulitan ko pero malakas ang pakiramdam ko na hindi siya papayag dito. "f**k! Nathalie, mali 'yan! Tangina nasasakal ako," reklamo ni boss at tinapik-tapik pa ang kamay ko. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at agad na binitiwan ang necktie n'ya. Agad namang niluwagan ni boss 'yon at tila nakahinga siya nang maluwag. Napahawak pa siya sa leeg n'ya at napangiwi. "Sorry boss, hehe. Hindi pala ako marunong n'yan. Akala ko madali lang," nakangusong sabi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD