Chapter Nineteen

1707 Words

“TAPOS n’yo na po bang basahin ang contract, Ma’am?” tanong ng sekretarya ni Crisostomo kay Anne pagkalipas ng halos tatlumpung minuto na ibinigay nito sa kaniya para basahin at intindihin daw ang nilalaman ng contract bago niya pirmahan. Tinatamad na ibinalik lang iyon ni Anne sa babae. Bakit naman niya babasahin at iintindihin ang ganoon kahabang dokumento? Kaya nga mabababa ang mga grade niya noon sa college dahil sa tamad niyang magbasa ng libro, eh. Tapos ngayon, dahil lang sa kapiranggot na sahod, papahirapan niya ang sarili na umintindi sa mga bagay na wala naman talaga siyang pake kung hindi lang dahil sa ama niya? “Naintindihan n’yo naman po ba?” usisa uli ni Mary Rose pagkatanggap nito ng kontrata kahit hindi naman niya ito sinagot kanina. Awtomatikong tumaas ang isang kilay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD