Episode 21 Officially Unofficial Them HINDI alam ni Judie kung bakit, ngunit sinabayan na rin niya ang init ng ulo ni Pariston. Hindi niya kasi matanggap na pinagbibintangan na naman siya ng lalaking mahal niya. Wala naman siyang ginagawang masama, ngunit heto siya at pinag-iisipan siya ng masama. "Ano na naman po ito? Wala naman akong ginagawa na masama! Ano naman ngayon kung kasama ko si Theo? Bakit, bawal na ba akong makipagkaibigan ngayon? Lahat na lang ba ay pag-iisipan mo ng masama?" sumbat niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaki. Pariston sit on the bed, and looks lost on his own thoughts. "Takot akong maagawan. Yes, lahat ng bagay na gusto ko, nakukuha ko. Pero hindi ko nakukuha lagi 'yung mga tao na mahal ko." Hindi pa rin siya kumbinsido. "Bakit? Mahal mo na ba