Episode 17 ARAW ng Linggo, kaya naman buong araw ay pahinga ni Judie. Hindi niya nakalimutan na magsimba sa umaga, at ilaan ang buong hapon at tanghali sa paglilinis at paglalaba ng damit. Bata pa lang siya ay natuto na siyang maging independent na tao. Ten years old pa lang siya nang mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Dapat ay may honeymoon lang sila sa Maldives, ngunit na aksidente sila roon at hindi na nakaligtas. Naulila siya sa napakaagang oras. Nanirahan sa tita niya at sa huli ay naiwang nag-isa sa Pilipinas. "Sa wakas, natapos din," sabi niya habang inaayos na ang natupi niyang damit at inilagay na sa kabinet. Naisipan niya munang mag-shower bago matulog. Ibo-blower na lang niya ang kanyang buhok upang mabilis itong matuyo. Pumasok na siya sa shower room at matapos ang