--------------------------------------- Mag-isang naglalakad ngayon si Jack sa gilid ng kalsada. Papunta siya ngayon sa sakayan ng jeep at hindi niya kasama ngayong uwian si Jones na pagkatapos ng klase nila ay hindi na niya mahagilap kung nasaan. Napabuntong-hininga siya. Bigla niyang naisip, ilang araw na rin silang hindi nagpapansinan. Sinubukan niya na kausapin si Jones pero laging umiiwas sa kanya ang huli. “May kasalanan na naman ba ako? Bakit ganito ang nangyayari sa amin ni Jones?” tanong ni Jack sa kanyang sarili. Sa kanyang pakiwari, parang naulit na naman ‘yung dating hindi nila pagkakaunawaan, akala niya, natuto na si Jones sa pangyayaring iyon pero hindi pa pala. “Ano bang masama kung kumausap ako ng ibang tao? Gusto ba niya siya lang ang kakausap