#ILoveYouBro CHAPTER 20 “Bakit ikaw lang mag-isa? Bakit hindi mo kasama si Jones?” tanong ni Russel kay Jack. Magkatabing nakaupo sila Russel at Yohan sa kabilang side habang mag-isa namang nakaupo sa kabila si Jack. Nasa bandang dulo ang lamesa nila na nasa loob ng isang coffee shop kung saan dito nila napag-usapan na magkita-kita. Pare-parehas na walang klase ang tatlo ngayong araw. “Oo nga, bakit hindi mo kasama si Jones eh di kaya kayo mapaghiwalay,” nagtatakang sabi naman ni Yohan. Tipid lamang na napangiti si Jack. Humigop ito ng kape na nasa tasa. “Mukhang may tampuhan kayo,” sabi ni Russel. ‘Yun ang napansin niya. Napabuntong-hininga si Jack. “Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan, para kaming mga estranghero sa isa’t-isa kahit na sa iisa