CHAPTER 3

1354 Words
#ILoveYouBro CHAPTER 3     Mabilis na lumipas ang panahon, nagtapos sila ng elementary ng sabay. Si Jack, may honor, 3rd honor habang si Jones naman ay wala, palibhasa, mas matalino ang una kaysa sa pangalawa. Matalino rin naman si Jones pero mas lang sa kanya si Jack.     Sa pagpasok nila ng high school, maraming pagbabago, lalo na sa kanilang mga sarili.     “Naks naman! Lakas maka-Jose Rizal ng buhok mo ah, pulidong-pulido ang ayos,” nang-aasar na sabi Jones kay Jack. As usual, magkasama sila ngayon sa garden ng school na pinapasukan nila ngayong high school.     Sinamaan ni Jack nang tingin ang kaibigan. Natawa lamang sa kanya si Jones.     Paano naman kasi, halos isang sachet yata ng gel ang naubos ni Jack para sa buhok niya, gupit school ang buhok nito na nakahati sa gilid at straight na straight pa, kung titingnan, pormal na pormal ang ayos at parang buhok nga ni Jose Rizal.     “Lakas mong mang-asar ah!” naiinis na sabi ni Jack.     “Eh kasi naman, anong nakain mo at ganyan ang ayos ng buhok mo? Lakas maka-unang panahon eh,” sabi ni Jones. Ang ayos naman kasi ng buhok ni Jones ay nakataas at may wax. Gupit school din ang buhok nito pero hindi naman katulad ng kay Jack ang ayos, kumbaga, nakasunod sa uso.     “Eh sa ito ang gusto kong ayos,” sabi ni Jack.     “Kunsabagay, kanya-kanya namang trip ‘yan,” napatango-tango na lamang ni Jones.     Sa paglipas rin ng panahon, kasabay ng mga pagbabago sa buhay nila bilang binata ay ang pagbabago rin sa kanilang mga katawan, parehas silang medyo lumalaki na ang mga katawan at ang boses, lumalaki at lumalalim na rin. Ang hindi lang nagbabago sa kanila, ay ang malalim nilang pagkakaibigan.     “Napapansin ko lang sayo Jack, masyado ka ng nagiging conscious pagdating sa itsura mo.”     “Syempre mga binata na tayo kaya dapat lang hindi natin pabayaan ang kagwapuhan. Kung ikaw nga, conscious ka din eh,” sabi ni Jack.     Napangiti si Jones.     “Hindi magtatagal at mas marami pang magbabago sa mga itsura natin. Magkakaroon tayo ng mga buhok hindi lang sa katawan kundi pati na rin sa mukha… magkakaroon na tayo ng bigote at balbas.”     Napatango si Jack sa sinabi ni Jones.     “Gusto mo ba ‘yun?” tanong nito.     “Oo naman! Lakas kaya makabinata kapag may ganun. Ikaw ba?” tanong ni Jones.     Nagkibit-balikat si Jack.     “Depende, kung malinis akong tingnan kung may bigote at balbas… edi maganda,” sagot nito.     Sa kanilang dalawa na magkaibigan, si Jack ang pinaka-oc o ang iba ay tinatawag itong vein. Masyado itong malinis hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa katawan. Si Jones naman, sakto lang.     “Oo nga pala, sasali ako sa basketball team. Alam mo naman na mahilig akong magbasketball di ba?” tanong ni Jones. Sa kanila namang dalawa, si Jones ang athletic, si Jack kasi, more on academics at hindi into sports.     “Edi sumali ka. Hindi mo naman kailangan ipaalam sa akin,” sabi ni Jack.     “Sinasabi ko lang naman para alam mo. Baka mamaya, hanapin mo ako maya’t-maya,” nangingiting sabi ni Jones.     “At bakit naman kita hahanapin maya’t-maya?” tanong ni Jack.     Napangiti si Jones.     “Eh kasi alam ko namang mamimiss mo ako,” sabi nito. “Kaya ipinapaalam ko sayo na sasali ako sa basketball team nitong school para alam mo kung ano ang pinagkaka-busyhan ko. Alam mo naman siguro na kapag kasali ka sa sport team sa school, hindi maiiwasan na maging busy dahil sa mga practice,” dugtong pa nito.     Napatango na lamang si Jack.     “Ikaw ba? May sasalihan ka na bang org dito sa school?” tanong ni Jones.     Napailing si Jack.     “Wala pa.”     Napatango na lamang si Jones.   ------------------------------------------     Hindi maiwasang hindi humanga ni Jack habang nakatingin kay Jones na ngayon ay sumasalang sa basketball practice nito. Nakaupo siya sa may bleachers, sa pangatlong row at siya lamang mag-isa.     Sa bawat dribble, lay up at shoot nito, aminado siyang nagagalingan sa kaibigan. Naalala niya, nung mga bata pa sila, tinuturuan rin siya nito mag-basketball pero mukhang hindi niya gusto ang sport na ito at hindi rin siya nito gusto dahil hindi siya matuto-tuto.     Napangiti siya nang tumingin sa kanya si Jones na ngumiti rin sa kanya. Hindi niya alam kung niyayabangan siya ng kaibigan o ano pero masasabi niyang may ipagmamayabang naman talaga ito dahil sa magaling talaga.     Hindi niya namalayan na may naupo sa kanyang tabi. Isang lalaki na kasing-edad lang nila at mukhang ka-taon rin.     “Kaibigan mo ba siya?” tanong ng lalaki na tiningnan naman ni Jack dahil bigla siyang tinanong nito.     “Ha?” hindi naman nabingi si Jack. Nagulat lamang siya na kinausap siya nito.     Napangiti ang lalaki, infairness naman, gwapo ang lalaking estudyante na kumakausap kay Jack ngayon.     “Sabi ko kung kaibigan mo ba ‘yung nagbabasketball,” pag-uulit nito.     “Ah… EH… Oo,” nag-aalangang sagot ni Jack.     Napatango ang lalaki.     “Magaling siya… pwedeng-pwede sa basketball team,” sabi nito. Napangiti na lalong nagpagwapo dito dahil lumabas ang magkabilang dimples nito.     Kung ide-describe ni Jack ang lalaki, gwapo ito, mukha ring matangkad kahit na nakaupo ito ngayon, may kalakihan ang katawan kahit na mukhang bata pa ito, makinis ang balat at mestiso. May pagkabilugan ang mga mata, matangos ang ilong at may kakapalan ng konti ang labi na natural ang pagkapula.     “Oo nga eh. Magaling talaga ‘yang kaibigan ko pagdating sa basketball kaya nga hanga ako sa kanya,” sabi ni Jack.     Napatango ang lalaki sa sinabi niya.     “Gusto mo ba na mapasali siya sa team?” tanong ng lalaki.     “Oo naman! Pangarap rin niya ‘yan e at bilang kaibigan niya, gusto kong matupad rin ‘yon,” sabi ni Jack.     “Hayaan mo, akong bahala,” sabi nito na medyo ikinagulat ni Jack.     “Ha? Ikaw ang bahala?” tanong ni Jack. May himig ng pagtataka.     Napatango ang lalaki. “I’m the team captain,” sabi nito saka ngumiti. “May potential siya at nakikita ko iyon, malaki ang maitutulong niya sa team.”     Nanlaki ang mga mata ni Jack.     “Talaga? Ikaw ang team captain ng basketball team?” tanong ni Jack. Literal na nagulat siya sa sinabi nito.     Napatango ang lalaki saka ngumiti.     Kaya pala malaki na ang katawan nito kahit bata pa lamang, team captain pala ito ng basketball kung saan pwedeng nahubog ang maganda nitong pangangatawan.     “I’m Christian by the way, 3rd year,” pagpapakilala nito sa sarili.     “Ah… ako naman si Jack, 1st  year,” pagpapakilala rin ni Jack sa sarili saka tipid na ngumiti. Mali pala siya ng hinala na magkataon lang sila.     “Ah,” napangiti si Christian.       Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa, ang hindi nila alam, nakatingin sa kanila ngayon si Jones na nakaupo sa isang monoblock chair at nagpapahinga. Walang mababanaag na ekspresyon sa mukha nito kaya hindi alam kung naiinis ba ito o natutuwa.   - - - - - - - - - - - - - - -     “Mukhang close na kayo ni Team Captain ah,” sabi ni Jones kay Jack. Sabay silang naglalakad ngayon pauwi dahil tapos na ang maghapon nilang klase at mga agenda sa school.     “Hindi naman masyado. Nag-usap lang kami,” sabi ni Jack. “Oo nga pala, sabi niya sa akin na siya ang bahala para makapasok ka sa team kasi may potential ka raw at nakikita niya iyon sayo, malaki daw ang maitutulong mo sa team.”     “Hindi lang ako may potential… magaling lang talaga ako. Baka nga palitan ko pa siya sa pagiging team captain dahil sa sobra kong galing.” may himig ng kayabangan na sabi ni Jones.     “Minsan talaga ang yabang mo,” napapailing na sabi ni Jack. “Ay mali, madalas pala,” dugtong pa nito.     Napangisi si Jones.     “Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng totoo.”     “Edi wow!” sabi na lamang ni Jack.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD