#ILoveYouBro CHAPTER 10 “Ho? Nauna na siyang pumasok?” tanong ni Jack kay Thea. Nasa bahay siya ngayon nila Jones para sabay silang pumasok ng kaibigan pero nauna na pala itong pumasok sa kanya sa school. “Oo Jack. Ang aga nga niya pumasok eh. Tinanong ko naman kung bakit pero ang sagot sa akin ay may kailangan lang daw siyang puntahan bago pumasok,” sagot ni Thea. “Ganun ho ba,” sabi ni Jack. Napatango naman ang ina ni Jones. Laglag ang magkabilang balikat ni Jack ng lumabas sa bahay nila Jones. Nakapagtataka lamang sa kanya ang naging aktong ito ng huli. “Kung maaga siyang papasok, sana ipinaalam man lang niya sa akin,” sabi ni Jack. Napabuntong-hininga. Bigla niyang naisip ang nangyari kahapon. “Hindi kaya… galit nga siya sa a