#ILoveYouBro CHAPTER 11 Napangiti si Jack nang makita si Jones na naglalakad palabas ng gym. Huminga muna siya nang malalim bago tinawag ito. “Jones!” pagtawag niya rito. Napatigil sa paglalakad at napatingin sa kanya ang kaibigang wala man lang ekspresyon ang mukha. Lalapit na sana si Jack kay Jones ngunit biglang umiwas nang tingin ang huli saka nagpatuloy sa paglalakad. Sandaling napatigil si Jack, pagkatapos ay hinabol niya ito. Muling napahinto sa paglalakad si Jones, napatingin siya sa kanang braso na ngayon ay hawak ni Jack na dahilan rin para mapatigil siya. “Lalayo ka na naman ba? Iiwas ka na naman ba sa akin? Hanggang sa graduation ba natin, ganito tayong dalawa?” magkakasunod na tanong ni Jack. Nasaktan si Jack sa ginawa ni Jon