PROLOGUE —MOTHER'S LOVE

1381 Words
LYKA "NANAY, saan po tayo pupunta?" inosenteng tanong sa'kin ng aking limang taong gulang na anak na si Pablo nang huminto ang sinasakyan naming taxi sa tapat ng isang malaking bahay sa mamahaling subdivision sa Maynila. Pag-alis pa lang namin sa Albay kanina ay panay na ang tanong niya sa'kin. "At kaninong bahay po iyan?" puno ng kuryosidad na sumilip pa siya sa bintana. "Ang laki-laki naman po! Parang mansiyon!" Nginitian ko lang ang aking anak bago nag-abot ng bayad sa driver. "Maraming salamat po, Manong." Pagkatapos ko siyang ngitian ay nauna na akong bumaba ng taxi, at saka ko kinuha si Pablo. Wala naman kaming ibang dala maliban sa maliit na backpack na may mga laman ng gamit niya. Pagkasara ko sa pinto ng taxi ay umalis na rin ito. Binuhat ko at kinarga ang aking anak habang nakasukbit naman sa kabilang balikat ko ang backpack. Lumapit kami sa tapat ng isang wooden gate. "Huwag mo na po akong kargahin, Nanay. Para po hindi kayo mapagod," magalang na sabi sa'kin ni Pablo. "'Di ba po big boy na po ako?" Masaya akong napangiti sa pagiging thoughtful ng aking anak. "Oo nga po, big boy ka na. Pero ikaw ang mas bawal na mapagod, 'di ba? Kaya hayaan mo nang kargahin ka ni Nanay." "Pero kanina n'yo pa po ako kinakarga, eh. Ayaw kong mapagod po kayo, Nanay." Napapikit ako nang sumapo sa aking pisngi ang maliit at malambot niyang palad. Pakiramdam ko, pati puso ko ay hinaplos niyon. Pablo is just five years old. Pero daig pa niya ang isang matanda na kung mag-isip at magsalita. Hindi ko kasi siya bini-baby masiyado kahit alagang-alaga ko siya. Para lumaki siyang strong at independent. Sinapo ko rin ang mukha ng aking anak at pinanggigilan siya. "Thank you so much, my little prince. But you're still too young to take care of Nanay. Basta ingatan mo lang palagi ang sarili mo, happy na si Nanay. Gets po?" Puno pa rin ng kainosentehan na tumango si Pablo. "Opo, Nanay. Magpapagaling po ako para sa inyo." Ipinilig niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin. "Kaya po ba tayo nandito sa Maynila para magpagamot?" "Opo, anak." Masuyong niyakap ko ang aking anak. Hindi ko inilihim sa kaniya ang sakit niya simula nang magkaisip siya. Gusto ko kasi na maging aware siya at siya mismo ang mag-ingat para sa kaniyang sarili. "Basta magtiwala ka lang kay Nanay at kay Papa Jesus, ha?" Magiliw na tumango lang si Pablo. Kung titingnan, para lang siyang normal na bata. Sobrang bibo. Na para bang walang iniindang malalang sakit. "I love you." Hinalik-halikan ko ang kaniyang ulo at noo. "Gagawin lahat ni Nanay para sa'yo." Muntik nang mabasag ang boses ko habang tinitingnan siya nang buong pagmamahal sa mga mata. "Mahal na mahal ko rin po kayo." Gumanti nang yakap sa'kin ang maliliit niyang braso na muling humaplos sa puso ko. Pinapak ko pa siya ng halik sa pisngi bago sumilip sa maliliit na awang ng gate. Gusto kong makasiguro na dito pa rin nakatira ang taong gusto kong makausap. Anim na taon na rin nang palayasin ako rito. At sa loob ng mga panahong iyon ay wala akong balita sa mga taong nakatira dito. Kung hindi lang talaga para sa aking anak, nunca na babalik pa ako sa lugar na ito. I bit my lower lip nang maramdaman kong parang may kumurot sa puso ko. Feeling ko ay bumalik ang lahat ng sakit na dinanas ko rito. "Ay, kabayo!" gulat na bulalas ko nang biglang bumukas ang gate. Hindi ko napansin na may tao na palang nakalapit doon. "Sino po sila at ano ang kailangan?" magalang pero nanunuri ang tingin na tanong sa akin ng naka-unipormeng maid. Hindi ito isa sa mga katulong sa bahay na ito nang umalis ako. "Nandiyan po ba si Dok Verex? Pakisabi naman na gusto ko siyang makausap," walang ligoy na sagot ko sa kaniya. "Lyka Vargas ka'mo." Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi man mamahalin ang suot namin ng anak ko, malinis at maayos naman. Nakalimutan ko lang palang suklayin ang mahabang buhok ko na medyo nagulo dahil sa mahabang biyahe. Pero hindi naman siguro iyon basehan para pagdudahan ako ng maid. "Pasensiya na ho kayo, Ma'am. Pero bilin po sa'min ng mga amo namin na bawal kaming makipag-usap o lalong magpapasok ng mga taong hindi namin kilala. Maliban na lang po kung may ibinilin sila sa amin." "Sige na, Ate. Kailangang-kailangan ko lang talaga siyang makausap," pagmamakaawa ko sa kaniya. "Malayo pa ang binyahe namin nitong anak ko." Binalingan ko si Pablo. "Importante kasi ang sadya ko sa kaniya, eh." Muli akong sinipat ng tingin ng maid. Makikita sa mukha niya na wala talaga siyang balak na papasukin kami. "Pumayag na po ikaw, ate Ganda. Hindi naman po kami bad guys, eh." Ang aking anak na ang nagsumamo bago ko pa man siya mapigilan. Napatitig kay Pablo ang katulong. Nadala siguro sa kainosentehan ng anak ko kaya sa wakas ay pumayag din siya. "Pero dito lang po kayo maghintay sa garden, Ma'am, ha?" Medyo may pag-aalangan pa rin na nilakihan niya ang pagbukas sa gate. "Tatawagin ko lang ho si Dok Verex." I smiled at her genuinely. "Thank you so much." Nakangiti rin na tumango lang ito at umalis na. "Nanay, ibaba n'yo na po ako. Baka po nabibigatan na ikaw sa'kin," wika sa akin ni Pablo. Nararamdaman niya siguro na medyo nanginginig na ang mga braso ko. Pero hindi naman iyon dahil doon. Kundi sa nerbiyos na bigla ko na lang naramdaman habang hinihintay na dumating ang taong sadya ko rito. Dahil mapilit si Pablo kaya dahan-dahan ko siyang ibinaba at pinaupo sa ibabaw ng isang outdoor table. Kinuha ko ang face towel sa loob ng backpack at pinunasan ang pisngi niya na pinagpawisan nang kaunti. Kumuha uli ako ng isa pa nang makapang basa na rin ang nasa likod niya at saka ko ito pinalitan. Hindi nagtagal ay bumalik ang maid. Pero sa halip na si Dok Verex ay isang batang babae na nasa tatlo o apat na taong gulang yata ang kasama nito. Agad na tumaas ang kilay niya nang makita kami. Pero nginitian ko lang siya. "Pasensiya na po kayo, Ma'am. Pero marami pong ginagawa sa office niya si Dok Verex," imporma sa'kin ng maid. "Hindi raw po siya puwedeng umalis kaya sabihin n'yo na lang daw po sa'kin ang gusto n'yong sabihin para masabi ko rin sa kaniya." Nalungkot ako sa narinig. "Pero medyo confidential kasi, eh. Kung okay lang, ako na lang ang pupunta sa office niya. Alam ko naman kung saan iyon banda, eh." Napansin ko na parang wala naman gaanong pinagbago ang paligid sa labas. Kaya posibleng ganoon din sa loob. "H-ho?" Nagtataka na tiningnan ako ng maid nang marinig ang huling sinabi ko. "Yaya Lyn! Stop talking to stranger, will you?" mataray na sita sa kaniya ng batang kasama niya. Humalukipkip pa siya at saka tumingin nang masama sa'min ni Pablo bago tumingin uli sa maid. "Isusumbong kita kay Mommy!" At saka siya padabog na umalis. Parang ngayon pa lang ay may ideya na ako kung kaninong anak ang batang iyon. Sa stepsister ko na si Stella! "Naku, Ma'am. Pasensiya na po kayo, ha?" hingi ng paumanhin na wika sa'kin ng maid. "Medyo may pagkamaldita po kasi talaga ang batang iyon, eh." "It's okay." Nginitian ko lang ang katulong. "Anak ba siya ni Stel—" "Sino nga uli ang sinasabi mo kanina na naghahanap sa'kin, Lyn?" anang pamilyar na boses na bigla na lang sumulpot sa likuran ko, dahilan para matigil ako sa pagsasalita. I felt my world stopped spinning when I heard that voice. Kahit ang puso ko ay parang tumigil din sandali sa pagtibok. Pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa aking pakay. Naipikit ko muna nang mariin ang aking mga mata. Inihanda ko ang pilit na ngiti sa aking mga labi bago dahan-dahan na humarap sa kaniya. Ngunit nang magtama ang mga mata namin ng lalaking kaharap ko ngayon, feeling ko ay biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. He is Verex Montecillo—he is my uncle, my ex-husband, and the father of my child. At ako naman si Lyka Vargas. Abangan n'yo ang aking natatanging kuwentong pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD