LYKA HUMUGOT ako ng malalim na hininga bago pinakalma ang aking sarili. Masiyado nang matagal ang mga nangyaring iyon. At kahit may parte pa rin ng puso ko ang nasasaktan hanggang ngayon, ayoko na iyong balikan. Mas lalong ayaw kong masaksihan pa iyon ni Pablo. “Hindi ako pumunta rito para balikan ang past at makipag-away, Margaux,” kaswal na sagot ko sa kaniya. Simula nang maging mag-asawa kami noon ni Verex ay itinigil ko na rin ang pagtawag sa kaniya ng ‘auntie’. Ganoon din ang pagtawag ko na ‘uncle’ sa aking dating asawa. “It's been a long time… May kaniya-kaniya na tayong buhay.” “At nakapag-move on ka na?” puno ng sarkasmo na sagot niya sa akin. “Well, ako hindi. Kami hindi. Dahil hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin kami sa kasalanan na ikaw ang may gawa, Lyka.” Nagtataka man sa