Episode 15: New Beginning

2378 Words
Dahil sa pagtitiyaga at determinasyon sa pagtupad ng pangarap, hindi binigo ni Buboy si Mrs. Tanaka na tapusin ang pag-aaral sa isang prestigious culinary school. Nakuha niya ang certificate for culinary arts pagkatapos ng anim na buwan. Pagkatapos ay ikinuha naman siya ni Rose ng private tutor upang mag-aral ng nihongo. Pansamantala munang ipinasok ng biyuda ang binata sa Oishi Tanaka-san bilang isang cook at tignan ang kakayanan nito sa pamamalakad ng restaurant. 5:00 PM ang tapos ng duty ni Buboy, pag-uwi niya sa bahay ay may klase naman sa nihongo ng 7:00 PM. Tiwala sa kanya si Rose dahil minsan nang pinatunayan ng binata ang kanyang katapatan sa pagpapaunlad ng kanyang kasanayan. Dumating si Buboy sa mansion ng alas sais ng gabi, inireport niya kay Rose ang lahat ng nangyari sa restaurant buong maghapon. “Magpahinga ka na muna at mamaya darating na ang tutor mo sa nihongo.” Sabi ng ginang. Tumango lamang si Buboy at pumanik na sa kanyang kwarto. Hindi pa man nakapagpalit ng kanyang damit ay nahiga na ito sa kama at nakatulog. Pagkalipas ng ilang minuto ay may kumatok sa kanyang pintuan. Pagkabukas niya ay nakita niyang nakatayo si Leah sa labas. Hinila niya ito papasok sa kwarto at nagsimulang halikan sa labi ang dalaga habang nakahawak sa isang s**o nito. At maya-maya pa ay isang malakas na sampal ang gumising kay Buboy. “Bastos! Anong ginagawa mo sa akin?” Galit na sabi ng dalaga. “Sino ka at anong ginagawa mo sa kwarto ko?” Nagtatakang tanong ni Buboy. “Sorry, akala ko kasi… Sorry talaga.” Humingi ng paumanhin si Buboy sa dalaga sa pag-aakalang totoo ang mga nangyayari. “Mag-ayos ka muna at hihintayin na lang kita sa ibaba.” Sabi naman ng dalaga at agad lumabas ng kwarto. Nagpalit naman ng pambahay si Buboy atsaka bumaba sa sala. “Mabuti at nagising ka na. Hindi na kita inistorbo dahil alam kong pagod na pagod ka sa trabaho.” Sabi ni Rose. Napatingin naman si Buboy sa malaking orasan na nakasabit sa dingding nang makita niya pasado alas nueve na ng gabi. “Kumain na po ba kayo tita?” Tanong ni Buboy. “Tapos na kami kumain. Sabayan mo na lang si Ms. Tsujikawa.” Sabi ni Rose kay Buboy. Niyaya ng binata ang kanyang tutor sa dining area para maghapunan at sumunod naman sa kanya ang dalaga. Habang kumakain ang dalawa patuloy pa rin ang pagso-sorry ni Buboy sa nangyari. “Sorry talaga kanina. Nanaginip kasi ako sa sobrang pagod. Medyo iba nga lang.” Paliwanag niya sa tutor. “ Okay lang yun, nangyari na e. Huwag na lang sanang mauulit.” Sagot ni Ms. Tsujikawa. “Ako nga pala si Tony. Ikaw, how do you want me to address you?” Intro ni Buboy. “I’m Christine Tsujikawa. Filipino-Japanese. You can call me Chris.” Pakilala naman ng dalaga. “Matagal ka na bang nagtuturo ng nihongo?” Usisa pa ni Buboy. “Hindi naman. Actually, 1 year pa lang ako sa work ko. Gusto ko lang talaga i-share ang knowledge ko sa pagsasalita ng nihongo.” Tugon ni Chris. Nagpatuloy pa ang kanilang usapan hanggang sa makatapos ng pagkain. Marami-rami din ang nakuhang impormasyon ni Buboy tungkol sa dalaga. “Saan mo mas prefer gawin ang tutorial lessons natin?” Tanong ng binata. “Ikaw, kung saan ka comfortable.” Sagot ni Chris. “Pwede bang sa room ko na lang? I mean, nandun kasi ang study table ko.” Sabi ni Buboy. “Okay lang basta komportable ka.” Sagot ng dalaga. Pumanik sila sa kwarto ni Buboy at pinatuloy niya si Ms. Tsujikawa sa loob. “Here, have a seat.” Sabi ng binata. Namangha si Chris sa linis ng silid ni Buboy. “Bakit? May problema ba sa kwarto ko?” Tanong ni Buboy sa tutor. “Wala naman. Sanay lang ako kasi na magulo ang kwarto ng mga boys.” Nangingiting sabi ni Chris. “Judgmental ka naman masyado.” Sabi ng binata. Dahil sa late na sila nagsimula ng session ay tinuruan na lang muna ni Chris ng mga simple words and pronunciation si Buboy. Noong una ay nahihirapan ang binata ngunit nakakasabay naman sa lecture. Makaraan ang dalawang linggo, kinausap ni Rose ang binata tungkol sa status ng Oishi Tanaka-san. “What do you think of the resto?” Tanong ng ginang kay Buboy. “Based on what I have observed, the resto is table in terms of profitability and it continues to increase everyday.” Opinion ng binata. “Do you have anything in mind to maintain or to increase our sales further?” Muling tanong ni Rose. “Actually, I have an idea to reach the low and middle class consumers. Ano kaya kung magtayo tayo ng fastfood kung saan magiging at home ang mga estudyante? Yung affordable ang prices ng mga pagkain but with the same standards, and also the amenities like free wifi access para they can study during their stay.” Suggest ni Buboy. “Maganda yan. Anlaki na talaga ng pinag-bago mo simula ng ipa-handle ko sa’yo ang resto. Isa pa I admire your goals on reaching out with other types of customer. I’m going to discuss it with the boards later. Thanks Tony!” Pagsang-ayon ni Mrs. Tanaka. “Siya nga pala. Gusto kong gumawa ka ng presentation about our plan at dalhin mo mamaya sa T.G.C.” Dagdag pa ni Rose. Masaya namang tumango si Buboy. Pumanik siya sa kanyang kwarto at inumpisahang gumawa ng powerpoint presentation na gagamitin sa board meeting. Nang matapos siya, naghanda naman siya para sa pagpasok sa trabaho. Pagkatapos ay nagpahatid siya sa driver papunta sa restaurant. “Pakidaanan na lang po ako ng 5:30 PM mamaya.” Sabi ni Buboy sa driver bago bumaba ng sasakyan. Pagpasok sa loob ay dumiretso na agad siya sa locker room at nagpalit ng damit pangtrabaho, naghugas ng kanyang kamay at agad na sumalang sa kusina. Tuwang-tuwa ang manager habang pinagmamasda ang kanyang ginagawa. Makalipas ang ilang minuto ay inabutan siya nito ng red tea. “Sir pahinga po tea po muna kayo.” Sabi ng magandang manager. “Ano ng ba ang name mo?” Tanong naman ni Buboy. “Meg po.” Sagot ng nakangiting manager. Napatingin si Buboy sa katawan ng babae. “Meg? Short for Megalodon?” Pabirong tanong ng binata at natawa lamang ang manager sa sinabi ni Buboy. Lumipas ang mahapon sa restaurant at tapos na ang shift ni Buboy. “Meg, iwan ko na kayo ha. Ikaw na muna ang bahala dito.” Bilin ng binata. “Yes sir. Ingat po kayo.” Paalam naman ni Meg. Naglinis muna ng kamay ang binata bago magpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas ng resto at sumakay sa naghihintay sa kanyang sasakyan sa labas. “Manong sa T.G.C. po tayo.” Sabi ni Buboy sa matandang driver. Ilang minuto pa ay narating na nila ang head office ng T.G.C. Pagpasok ay dumiretso siya sa elevator at pumanik sa penthouse kung saan ginagawa ang board meetings. Sakto ang dating ni Buboy at kakaunti pa lang ang tao doon. “Good evening po.” Bati ni Buboy sa mga board members. “Hi Tony. I’ve heard your accomplishments in Oishi Tanaka-san lately. You’re doing great!” Pagbati ng isa sa mga kasama. Maya-maya pa ay pumasok na ang prsidente ng kumpanya, si Mrs. Tanaka. “Good evening ladies and gents! I call your attention to discuss this very important matter. The innovation of our business with a school-like set up restaurant in able for us to reach the low and middle class customers.” Intro ni Rose. “This was an idea from our young colleague, Tony. The floor is all yours.” Dugtong ng presidente. Tumayo si Buboy sa harap ng mga board members dala ang isang USB. Iniabot niya ito sa secretary para sa kanyang gagawing presentation. Tinalakay ni Buboy kung ano ang layunin niya sa proposal na kanyang ginawa. Ang mga pros at cons ng proposed expansion, at ang magiging epekto nito sa market trend. Nagpalakpakan ang mga board members nang matapos ang presentation ni Buboy. “Thank you! I am looking forward that you will consider this proposal. Good night.” Pagtatapos ng binata. “Tita, may I go now? May nihongo class pa po kasi ako.” Paalam ni Buboy kay Rose. “Sure, magpahatid ka na lang sa driver. I’ll be home pagtapos ng meeting.” Sagot naman ng biyuda. Nagmamadali ang binata sa paglabas ng building dahil baka mahuli siya sa kanyang klase. Pagsakay niya ng kotse ay pinakiusapan niyang magmadali ang driver. Tatlong kanto mula sa head office ang kanilang nalampasan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nang nakahinto sila sa stop light ay napansin nilang padami nang padami ang mga sasakyan sa kalsada at nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko. Dalawang oras na silang stranded sa kalsada, nag-aalala na si Buboy at baka naghihintay na si Chris sa kanya. Unti-unting lumuwag ang daloy ng mga sasakyan at nakarating sila sa mansion. Pagpasok ay nagmamadaling umakyat si Buboy sa kwarto upang makapagpalit ng damit ngunit nasorpresa siya nang makita si Ms. Tsujikawa na nakahiga sa kanyang kama. Naka-sando lamang ito at parang lalabas na ang kalahati ng mga s**o. Bakas din ang mala-rosas niyang n*****s mula sa manipis niyang bra. Dahan-dahang pumasok si Buboy para hindi makaistorbo sa natutulog na dalaga. Nakasampay pa ang basa nitong blusa sa tapat ng aircon. Habang natutulog si Chris, si Buboy naman ay abala sa pag-aaral sa kanyang study table. Nang mapagod na ay tumabi siya sa natutlog na dalaga. “Okiro (gising na).” Sabi ng binata habang nakahiga. “Atode, watashi wa mada nemuidesu (mamaya na, inaantok pa ako).” Pabulong na sagot ni Chris. Natatawa lamang si Buboy dahil sa pagsagot ng dalaga habang natutulog. Hinayaan lamang ni Buboy na magpahinga si Chris nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. “Congratulation! The board have spoken. Na-aprubahan na ang proposal mo. Mag-celebrate tayo this weekend.” Masayang ibinalita ni Rose ang naging outcome ng proposal kay Buboy. “Yes!” Napasigaw ang binata sa magandang balita at napayakap kay Chris. Hinalikan niya ito nang biglang nagising ang dalaga. “Did you just kissed me?” Tanong ni Chris kay Buboy. “Sorry I just carried away. Na-approved kasi ng board yung proposal ko.” Explain ni Buboy. “Punta ka dito sa weekend ha. May celebration daw sabi ni tita.” Dugtong pa niya. “Well, that’s a great news. Congrats!” Bati ni Chris sa kanya. Dumating ang araw ng sabado. Abala ang lahat Mosa paglilinis at pag-aayos ng mansion dahil dito gaganapin ang celebration para sa unang success ni Buboy. Kinatok ni Rose si Buboy sa kanyang kwarto at ilang sandali pa ay lumabas na ang binata. “Good morning po tita.” Bati ni Buboy. “Maligo ka na at aalis tayo.” Utos ni Rose sa binata. “Akala ko po ba ngayon tayo magsi-celebrate? Saan po tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Buboy. “Siyempre, ibibili kita ng damit na gagamitin mo mamaya tsaka may surprise gift ako sa’yo.” Tugon naman ng ginang. Sobrang saya ni Buboy noong araw na yun dahil sa wakas nagbunga na ang kanyang pagsisikap. Makalipas ang ilang oras, ipinahanda na ni Rose ang dalawang kotse na kanilang gagamitin. “Huh, bakit po dalawang kotse ang gagamitin natin?” Pagtataka ni Buboy. “Pumunta ka sa mall at bilhin mo ang gusto mong damit.” Sabi naman ni Rose habang iniaabot ang ten thousand pesos sa binata. “Ako naman ay may pupuntahan muna. Dito na lang tayo magkita ulit sa bahay, dapat before 8:00 PM ay nandito ka na.” Paliwanag ng biyuda. Pagsakay ng kotse ay agad na nagtungo sila Buboy sa mall upang mamili ng gagamitin niyang damit. Samantalang si Rose naman ay nagtungo sa ibang direksiyon ng kalye. Mga 7:00 PM nang makabalik sila Buboy sa mansion. Nandoon na at nahihintay si Ms. Tsujikawa sa sala. “Kanina ka pa ba?” Tanong ng binata sa kanyang bisita. “Hindi naman masyado.” Sagot ng dalaga. “Pwede mo ba akong tulungan?” Pakiusap ni Buboy. “Tulungan saan?” Tanong naman ni Chris. “Medyo kinakabahan kasi ako. Baka pwede mo ko saluhan uminom?” Sagot ng binata. “Sige ba. Pero konti lang ha, para makainom oa tayo mamaya. Haha.” Sang-ayon naman ng tutor. Ilang shot pa ng vodka ay pumanik na si Buboy sa kanyang kwarto upang maligo at maghanda sa party. Nang bumaba si Buboy ay isa-isa nang nagsisidatingan ang mga board members ng T.G.C. Ang tanging hinihintay na lamang nila ay ang company president, si Mrs. Tanaka. Ilang sandali pa ay dumating na ang pinakakamahal ng lahat. Hindi na nagpahinga si Rose at agad na kinuha ang mikropono. “Good evening ladies and gentlemen, may I have your attention please… Tonight is a very special one for our young colleague. This is to celebrate Tony’s first accomplishment and I am wishing for more to come.” Sabi ni Mrs. Tanaka. “I hope na sana kung paano niyo ako sinusuportahan ay ganun din naman sa kanya. Now let’s start the party!” Dugtong pa ni Rose. At nagsimula na nga ang kainan, sayawan at inuman. Nag-uusap sila Buboy at Chris nang muling magsalita sa mic si Rose. “As the new general manager of our new Fast food chain, Tony, I would like to welcome you with a special gift. Now let’s go outside to witness the ribbon cutting.” Lumabas ang lahat sa bandang garahe, nakabalot pa ang regalo kay Buboy. Inabutan siya ng gunting ng isa sa mga katulong at ginupit ang mga ribbon nito. Nang hilahin ni Buboy ang nakabalot na tela, hindi matawaran ang saya sa mukha ng binata dahil sa GMC Hummer na tumambad sa kanyang harapan. Niyakap agad ni Buboy si Mrs. Tanaka at nagpasalamat. “Thank you so much po sa lahat ng ibinibigay niyo sa akin. Umasa po kayong hindi ko kayo bibiguin.” Naiiyak na sabi ng binata. Nang matapos na ang pagbubukas ng regalo ay nagtuloy-tuloy pa ang party. Medyo lasing na sila Buboy at Chris habang nagsasayaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD