Episode 14: Twist of Fate

1843 Words
Muling narinig ni Buboy ang malakas na kalembang mula sa ibaba ng bahay. Hudyat para bumangon at mag-almusal. Na-CR muna ang binata upang maghilamos atsaka ito bumaba sa kusina. Umupo siya sa unang upuan sa gawing kanan ng lamesa at hinintay si Rose bago kumain. Ilang minuto ang lumipas at bumaba na ang biyuda mula sa kanyang silid. “Good morning po tita.” Pagbati ni Buboy. Umupo si Rose sa kanyang upuan sa dulo at kumuha ng tinapay at hamon. “Ano nga pala ang kurso mo bago ka tumigil sa pag-aaral?” Tanong niya kay Buboy. “Hospitality management po tita.” Tugon ng binata. “Mahilig po kasi talaga akong magluto.” Dugtong pa niya. “Saan mo naman natutunan magluto?” Tanong ng ginang. “Tinuruan po ako ng aking ina noong ako’y siyam na taon pa lang.” Sagot ni Buboy. “Mabuti naman kung ganun. Kailangan mo kasing matutunan ang pagluluto ng lahat ng klase ng pagkain bago kita pagsanayin sa isa sa mga restaurants ng kumpanya.” Paliwanag ni Mrs. Tanaka. “Bilisan mong kumain at pagtapos ay maghanda ka na sa lakad natin.” Paalala ni Rose. “Opo tita.” Sagot naman ni Buboy. Pagkatapos mag-almusal ay muling pumanik si Buboy sa kanyang silid upang maligo. Ginamit niya ang shower para mabilis siyang matapos. Humarap siya sa salamin at nag-ahit ng bigote atsaka lumabas ng banyo. Kinuha niya ang long-sleeve at slacks na nakasabit sa kanyang closet. Habang nagbibihis ay nakaharap pa si Buboy sa malaking salamin para makita niya ang kanyang porma. Brown ang sapatos na itinerno ng binata sa magara niyang kasuotan. Ilang sandali pa ay bumaba na si Buboy at naghintay kay Rose sa sala. Napanganga siya nang makitang bumababa na ang biyuda suot ang jumpsuit na animo’y isang dalaga. “Parang nakakita ka ng multo ah.” Puna ni Rose kay Buboy. “Hindi naman po. Parang dalaga po kasi ang ayos niyo ngayon.” Sagot ng binata. “Hindi ba ako dalaga?” Tanong ni Rose kay Buboy. “Sorry po. Oo nga pala, dalaga na kayo ulit. Hehe.” Natatawang sagot ng binata. Bago sila lumabas ng pinto, inabutan ni Rose si Buboy ng leather wallet na may lamang five thousand pesos. “Para saan po ito tita?” Pagtataka ng binata. “Panggastos mo, baka kasi may mga gusto kang bilhin na hindi ko alam.” Sagot niya. “Kapag naubos mo na ang pera ay huwag kang mahihiyang magsabi sa akin. Kapag nagsimula ka na sa klase ay ipagbubukas kita ng bank account para may access ka na.” Dagdag pa ni Rose. “Maraming salamat po.” Tugon ni Buboy. Sumakay sila ng kotse papunta sa isang culinary school. Pagdating sa eskwelahan ay nagtungo agad sila sa admission office. “Good day! How may I help you?” Tanong ng enrolling officer. “I would like to enroll my nephew for the coming school year.” Sabi ni Rose. “May I have his credentials?” Sabi ng officer. “Sure. Here it is.” Tugon ng biyuda habang iniaabot ang mga dokumento ni Buboy. “I think he’s ready to go. You may now proceed to the cashier’s office.” Sabi ng officer. Lumabas sila sa admission office at nagpunta sa cashier para magbayad. Pagkatapos ay muling bumalik sa admission officer para kunin naman ang registration certificate at mga class cards. Matapos makapag-enroll, isinama ni Mrs. Tanaka si Buboy sa isa sa kanyang mga restaurants. Excited ang binata dahil sa unang pagkakataon ay makakatikim din siya ng mga pakaing hindi niya pa natitikman sa buong buhay niya. Nang makarating sila sa restaurant, napansin niya agad ang kakaibang pangalan nito. “Tita ano ang meaning ng Oishi Tanaka-san?” Tanong ni Buboy kay Rose. “Yummy Mrs. Tanaka.” Nangingiting sabi ni Rose. Natawa naman ang binata at napatingin sa magandang hubog ng katawan ng biyuda. Sinalubong sila ng manager ng restaurant at pinaupo sa lamesa na may couch na upuan. “Good afternoon ma’am. Napadalaw po kayo?” Pagbati ng manager kay Rose. “Gusto ko lang ipasyal si Tony at ipakita sa kanya ang ating ikinabubuhay.” Sagot ni Rose. “Ito ang kauna-unahang restaurant na itinayo ko dito sa Pilinas. Ito rin ang bread and butter ng T.G.C. dahil sa mataas nitong sales.” Kwento ng biyuda. Niyaya niya si Buboy sa loob ng kusina para ipakita ang karaniwang ginagawa ng mga empleyado sa restaurant. Namangha ang binata sa kaayusan at linis ng kitchen area. Kahit abala ang lahat sa paghahanda ng mga orders, ay nakukuha pa rin nilang mapanatili ang linis sa pinagtatrabahuhan. Ipinakilala ni Rose si Buboy sa iba pang team leaders. “Dapat familiar ka sa mga kasama mo at mga ugali nila para maiwasan ang misunderstanding sa trabaho.” Payo ni Rose sa binata. Pagkatapos ng maikling introduction, bumalik sila sa kanilang table. Inabot ng ginang ang menu kay Buboy. “Anong gusto mong kainin?” Tanong niya sa kasama. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakapili na ng kakainin si Buboy. “Ito na lang pong ushi miso no (beef misono) at tsaka itong akai aisuti (red iced tea).” Sabi ng binata. Tinawag ni Rose ang isa sa mga waitress. “Ushi no miso o 1tsu, ebinotenpura o 1tsu, akai aisuti o 2tsu kudasai (bigyan mo nga kami ng isang beef miso, isang prawn tempura, at dalawang red iced tea).” Order ni Mrs. Tanaka. Habang naghihintay ng pagkain… “Tita, talaga po bang dapat nihongo ang salita ng mga empleyado dito?” Curious na tanong ni Buboy. “Not necessarily. But they have to learn just in case na maka-encounter sila ng Japanese customers.” Explain ni Rose sa binata. Pagdating ng kanilang pagkain ay yumuko muna si Buboy para manalangin. Pagkadilat niya, napansin niyang nangangalahati na ang pakain ni Mrs. Tanaka at siya’y ngumiti. “Pasensiya ka na Tony, sa Japan kasi, hindi pinagtatagal ang pagkain mas masarap kumain habang mainit pa ito.” Paliwanag sa kanya ng ginang. Tumango lamang si Buboy nang nakangiti. At hindi na nga pinagtagal ng binata ang kanya inorder na pagkain. Sarap na sarap siya dito at naubos sa loob lamang ng limang minuto. “Totemo yoi (very good)!” Sabi ni Rose na may kasamang palakpak. Matapos silang kumain ay nagsimula silang mag-usap tungkol sa kani-kanilang mga buhay. “Tita, may tanong po ako. Bakit po niyo ako tinutulungan?” Tanong ni Buboy. “Naikwento ka kasi sa akin ni Eric. Kung ano ang buhay mo dati at kung gaano ka kaporsigidong makapagtapos ng pag-aaral. Nabanggit niya din sa akin na napakabait mong bata sa lahat ng nakakasama mo.” Sagot ni Rose kay Buboy. “Alam mo kasi, halos pareho tayo ng pinanggalingan. Namasukan din ako dati bilang katulong hanggang sa nag-abroad ako at doon na nakapagtapos ng pag-aaral.” Dagdag pa niya. “Siya nga po pala, bakit nga pala hindi kayo nagkaanak?” Muling nagtanong ang binata. “Sandali lang naman kami nagsama ng asawa ko. Bukod sa busy siya palagi sa negosyo, hindi namin alam na may malala pala siyang sakit. Kaya dalawang taon pa lang kaming kasal nang mamatay siya.” Explain ng biyuda kay Buboy. “Ah, kaya pala hindi pa kayo ano…” Naudlot na pagsasalita ng binata. “Hindi pa laspag.” Pagtatapos naman ni Rose sa sinabi ni Buboy sabay halakhak. “Basta paghusayan mo sa pag-aaral kasi wala naman akong pag-iiwanan ng mga bagay na meron ako.” Bilin ni Rose kay Buboy. “Yes tita, pinky promise.” Pangako naman ng binata. Pagkatapos nilang mag-usap ay tumayo na si Rose at nagpaalam sa manager. Paglabas ng restaurant ay agad silang sumakay sa kotse. Sobrang saya ng binata nung araw na iyon. Hindi niya akalain na magbabago ang ikot ng kanyang kapalaran. Iba talaga ang pagpapala ng Dios sa mga taong mababait tulad ni Buboy. Pagdating nila sa mansion ay pinauna na ni Rose si Buboy sa pagpanik para makapagpahinga ang binata. Habang siya naman ay dumiretso sa bar at nagbukas ng paborito nitong alak. Talagang nakakapagod ang buhay ni Rose dahil hands-on siya sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo kung kaya’t madalas itong magpaantok sa kanyang island bar para maibsan ang pagod. Samantala, habang nagpapalit ng damit si Buboy ay biglang pumasok sa isip niya si Leah. Hindi na kasi siya nakabalita dito mula nang huli silang magkita. Kung anu-ano na ang naglalaro sa kanyang utak, di niya maiwasang maisip na baka nagkatuluyan na si Leah at Mark kaya ayaw na nitong makipag-communicate sa kanya. Humiga si Buboy sa kanyang kama at patuloy na iniisip ang dalaga hanggang sa siya ay tuluyang makatulog. Kinabukasan pagkagising niya ay madali siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na sa sala at inaabangan ang paggising ni Rose. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ang ginang mula sa kanyang kwarto. “Oh, ang aga mo naman atang bumangon at nakaporma ka pa?” Pagbati sa kanya ni Rose. “Good morning tita. Magpapaalam lang po sana ako kung pwede akong magpunta sa mga kaibigan ko?” Tanong ni Buboy. “Kailangan mo ba ng sasakyan?” Tanong naman ni Rose sa binata. “Hindi na po. Mamamasahe na lang po ako, baka po kasi gagmitin niyo ang kotse.” Tugon ni Buboy. Nang makuha ang permiso ng ginang ay gumayak na si Buboy papunta sa dorm nila Keisha. Dala ang pasalubong na cake para sa mga dalaga ay pumasok agad sa bakuran ng dorm si Buboy at kumatok sa pintuan. Pinagbuksan siya ni Keisha at pinatuloy sa loob. “Ate para sa inyo.” Sabi ni Buboy habang iniaabot ang cake sa dalaga. “Salamat sa pag-aabala. Bakit hindi ka na bumalik dito? Halos isang taon din ang lumipas a.” Tanong ni Keisha. “Pasensiya na. Ang dami kasing nangyari e. Ang hirap ipaliwanag pero maayos naman ako.” Sagot ni Buboy. “Si Leah nga pala? Nandiyan ba?” Tanong pa nito. “Umalis na si Leah, Boy. Hindi ba siya nagsabi sa’yo? Napili siya ng kumpanya para ipadala sa Italy para mag-manage ng mga event doon.” Sabi ni Keisha. “Ah, hindi niya nasabi e. Hindi nga niya sinasagot ang mga tawag at messages ko. Sino naman ang kasama niya sa Italy?” Usisa pa ng binata. “Si Mark, naalala mo yung manliligaw niya? Sila kasi ang magkapareha sa trabaho.” Paliwanag ni Keisha. Biglang natigilan si Buboy, tama nga ang hinala niya na magkasama na si Leah at Mark kaya wala na itong panahon sa kanya. Hindi na nagtagal pa ang binata sa dorm at nagpaalam na kay Keisha. “Paano ate, di na ko magtatagal. Madami pa kasing gagawin. Basta dadalawin ko kayo ulit kapag libre ako.” Paalam ni Buboy. At malungkot na umalis ang binata pabalik sa mansion ni Mrs. Tanaka. Habang nasa biyahe, iniisip niya na tama nga ang payo sa kanya ni Sir Eric na unahin niya munang tuparin ang mga pangarap niya at isantabi muna ang mga babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD