FLASHBACK~~ Nang magising ako ay nagulat ako nang makita kong may braso at binti pa rin ako. Anong nangyari? Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?! Pero nasa puting silid pa rin ako! Isang buwan ang kinakailangan para daw patuyuin at pagalingin ang sugat ng aking balikat at sugat sa aking hita na malapit sa aking singit ayon sa mga Doctor na malaki kong ipinagtataka. Dahil wala naman akong makitang sugat sa aking hita at braso pero hindi ko pa rin ito maigalaw at wala rin akong maramdaman. Ipinaliwanag din ng matandang lalaki sa amin ni Lola ang lahat ng mga nangyari. Dahil sa nangyaring session ay talagang naputol daw at nabasag ang mga buto sa parte ng aking braso at hita at hindi na daw makakaya pang operahan kaya tuluyan na nila itong pinutol. At ang nakikita daw naming braso at hita