"Ahm...'y-yong nanay at tatay ko...namatay sa isang car accident. Nabangga ng isang malaking truck 'yong tricycle na sinasakyan nila ni tatay," pagsisimula kong magkwento kay Nick tungkol sa buhay ko at bigla namang natigilan si Nick at napamura nang mahina. "I'm sorry, baby. Huwag mo na lang ituloy. I didn't know that was the case with your parents." Mababakas ang pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin. "Okay lang. Matagal naman na iyon at saka willing naman akong ikwento sa iyo ang lahat." "But if we look back on the past and know that it hurts you a lot, it's all right that you never tell me your life." "Okay nga lang sa akin," sabi ko habang hindi ko napapansin na pinaglalaruan na ng aking kamay ang manggas ng kanyang white t-shirt. Ganun pa rin ang aming pwesto. Ha