Kumain nga kami ng sabay habang magkatabi sa upuan pero hindi ko naman halos malasahan ang pagkain samantalang siya ay mukhang ganado naman. "You're good at cooking," sambit niya at dire-diretso sa pagsubo. Tilapya lang naman iyan na sinigang sa miso ang niluto ko. I'm not even sure if he will like it 'cause I know his favorite food is beefsteak. Wala din naman akong nakitang stock na beef sa refrigerator niya. "T-thanks," I answered while still suppressing the trembling of my hands holding the spoon. Bakit ba kasi ako ganito?! Nakakainis! Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbaling niya ng tingin sa akin kaya naman mas lalo pa akong nangatal. Ibinaba ko na lang talaga ang aking kamay sa ilalim ng mesa at hindi ko na kaya pang ubusin ang pagkain na ito. "Why are you shaking?