Pang-apat na pasilip

1388 Words
"Bakit parang ang tahimik mo?" Napapangiting tanong ni Yuan ng makita sila sa mall ni Raine para isauli n'ya rito ang wallet nito. Ito na ang nag sabi kung saan lugar sila magkikita at sa isang cafe' sila nagkita. Napangiti pa s'ya ng mapansin na mukhang nag polbo pa ito at nag lipstick pati pabango nito parang na lalasahan na n'ya ang tamis mukhang ipinaligo na ni Raine ang pabango. "Asan yung wallet ko?" tanong pa nito na parang hiyang-hiya na tumingin sa kanya. Napapangiti naman na inilabas ni Yuan ang wallet at pinatong sa mesa na agad naman na kinuha ni Raine na binuksan naman agad at tiningnan bago muling napalabi ng makita ang ID nito malamang. "Bakit mo kasi tiningnan." reklamo pa ni Raine, napangiti si Yuan. "Kung 'di ko tiningnan paano ko malalaman kung kanino?" "Ako lang naman ang taong nandun natural akin ito." "Bakit ba nagagalit ka, buti nga ako ang nakapulot ang dami mo pa naman card at cash. Halatang richkid ka na kahit di ka mag work hindi ka magugutom." napalabi naman si Raine. "Hindi naman matipid lang ako talaga kaya nakakaipon ako." "So, hindi ka bumibili ng mga pang paganda tulad ng ibang girls na kasing edad mo na mahilig na sa cosmetic." "Hindi! Bakit naman ako bibili nun, kung maganda naman na ako.' biglang banat ni Raine na ngumiti na sabay sapo nanaman ng kamay sa dalawang pisngi nito na sinabayan pa nito ng pag pretty eyes na parang bata. Na ikinangiti naman ni Yuan na saktong isinerve ng waiter ang cake at drinks na inorder n'ya kanina. "Hindi ko ito hiniling kusang ibinigay ng diyos sa akin.' dugtong pa ni Raine. "Kaya pala mukha kang basahan na hindi hinugasan sa picture sa ID mo." "hala!" malakas na sigaw pa ni Raine na may kasama pang pag padyak na ikinalingon ng ibang customer na sinaway naman ni Yuan. "Nakaka inis ka bakit ikaw guwapo ka ba sa picture?" "Natural! In born ang kaguwapuhan ko.' ngisi ni Yuan. "Patingin." "Ayoko nga.' "Patingin ako ng voters ID mo." natawa naman si Yuan at talagang voters ID pa ang hiningi nitong ID. "Wala akong voter's ID, hindi ako na boto. Driver's license meron.' ngisi ni Yuan. "Hindi ako na niniwala ang mga senior citizen na tulad n'yo lahat kayo may voter's id." malakas naman na tumawa si Yuan. 'Lakas mong maka senior citizen, baka pag hinalikan kita ipakilala mo ako bigla sa parents mo." bigla abot tenga ang ngiti ni Raine. "kinakabahan ako sa mga ngitian mong yan, tapusin mo na yang cake at drinks mo, I need to go." ani Yuan. "Alam mo bebeboy." ani Raine na sumubo ng cake sabay inom ng drinks. "Ililigaw ka muna ni kupido kung kani-kanino bago ka mapunta sa akin.' muntik ng masamid si Yuan sa pabanat nanaman ni Raine habang na sipsip s'ya ng ice coffee na inorder n'ya. "Babe." napataas naman bigla ang tingin ni Raine ng marinig ang boses ng bagong dating na babae na lumapit kay Yuan na ito pa mismo ang nag abot ng tissue sa binata na ikinataas ng kilay ni Raine. "Zarina." usal naman ni Yuan napasimangot naman si Raine ng mag halikan ang dalawa sa harapan n'ya. "I thought may meeting ka kaya ka nag cancel ng date natin ngayon." "I do pero mamaya pa ng konti." sagot naman ni Yuan na tumingin sa wrist watch. "Who is she? Your cousin." "Excuse me no! Hindi kaya." tumaas naman ang kilay ng babae na hinawakan naman ni Yuan sa braso na parang sinasabi na wag na s'ya patulan. "Kapag ayaw mo na sa jowa mo puwede naman maging tayo.' wika naman ni Raine na ikinatameme naman ni Yuan na napatingin sa nobya na halatang napikon sa attitude ni Raine. Selosa pa naman si Zarina kaya madalas silang mag-away pinag papasensyahan na lang n'ya kasi mabait naman ito ayaw lang talaga nito sa mga babaeng malalandi na lantaran ang pakikipag flirt sa kanya na tulad ni Raine ang kaibahan nga lang si Raine ang pinaka batang babaeng lumandi sa kanya. "Hindi ako eskandalosa at hindi rin kita papatulan neng, pero kung ayaw mo ng gulo matuto kang mangilala. Ako ang girlfriend ni Yuan maganda pero hindi ako mabait sa mga batang babae na tulad mo." mariin na wika nito na halos hindi na mag hiwalay ang ngipin. "That's enough Zarina, let's go." galit naman na turan ni Yuan na tumayo na na hinawakan ang braso ng nobya para umalis pero tumayo din si Raine. "Teka lang," pigil n'ya sa dalawa na napalingon na huminto sa pag-alis. "Mag papakilala din ako. Ako nga pala si Raine mas maganda at ang babaeng papalit sa puwesto mo." ani Raine sabay labas ng isang bote na may pink na likido sabay spray sa mukha ni Yuan na nagulat ng mabasa ng tubig na mabango. Pero bago pa s'ya maka react bigla n'yang nasapo ang mukha at napa-ungol na dumaing ng malakas. - - - - - - - - "Alam mo ba ang ginawa mo ha!" galit na sigaw na Railey na pabalik-balik sa harapan ng anak na panay na ang sinok sa pag-iyak. Nasa hallway sila ng isang hospital kung saan dinala si Yuan dahil sa severe allergic reaction sa mukha nito after n'yang sprayan ng ginawa n'yang gayuma na napanood n'ya sa youtube. Puro bulaklak lang naman yung niluto n'ya at wala naman s'yang inihalong iba pero grabe ang naging reaction nun sa mukha ni Yuan, namaga iyon at puro rashes na parang pimple na maliliit. Ayaw s'yang papasukin ni Zarina sa hospital room ni Yuan after nitong maliit sa private room. 'Di tuloy nya alam kung galit ba sa kanya si Yuan, napilitan na s'yang tawagan ang ama para mag patulong na bayaran ang hospital bills ni Yuan para dun man lang makahingi s'ya ng sorry sa ginawa n'ya kay Yuan. Akala talaga n'ya effective na gayuma ang ginawa n'ya mukhang naloko s'ya ng video uploader na yun sa youtube. "Paano kung na bulag si Yuan ha! Ipapalit mo ba yan mga mata mo?" wika ng ama n'ya na sinagot pa n'ya ng tango. "At talagang sumagot ka pa, at paano ka edi ikaw ang nabulag." "Diba ganun naman po talaga kapag mahal mo ang isang tao, ibibigay mo ang lahat." "Lintik ka!" bulalas ni Railey na ngali-ngali ng sabunutan ang anak. "Mani." tawag naman ni Megan na bagong dating. "Mommy.' malakas naman na tawag ng dalagita sa ina na mabilis na tumakbo at yumakap sa ina na amoy eroplano pa. "Ano naman ba ginawa mo?" tanong naman ni megan sa anak. "Ayan, muntik ng makabulag dahil sa kabaliwan." "Kumusta na si Yuan." "nandun sa kuwarto, tingnan mo resulta ng ginawa ng anak mo na baliw." wika ni Railey. Agad naman silang pinapasok ng girlfriend ni Yuan ng makita ang parents n'ya pero nakasimangot ito sa kanya umiwas na lang s'ya ng tingin. Daig pa ni Raine ang bakang umiiyak ng makita na ng tuluyan ang mukha ni Yuan na parang nag ibang tao sa hitsura, mukha itong lobo na puputok sa sobrang pamamaga ng mukha na maraming maliliit na pimples na may nana, may takip ng gauze ang mata nito at hindi masyadong makapag salita si Yuan dahil sa labi nitong halos bumaliktad na. "I'm really sorry hija for what my daughter did, ano bang sabi ng doctor." "Severe allergic reaction po Tita, meron pong klase ng bulaklak na isinama ang anak n'yo sa gayuma daw po na ginawa n'ya na delikado na magkaroon ng contact sa tao.' nasapo ni Megan ang noo na napapikit. "will he be alright? May kailangan ba kaming gawin para naman makatulong kay Yuan." "Wala naman po Sir, gagaling din po si Yuan sabi ng doctor kailangan lang po n'yang mag stay dito sa hospital for a week." "Ganun ba, but here is my card call me anytime hija pag may kailangan ka or si Yuan. Don't hesitate to call me." wika ni railey na napalingon sa mag-ina n'ya na hila-hila si Raine na inilabas ng kuwarto dahil ang lakas ng iyak nito na tutulog pa naman si Yuan. "May isa lang po pala sana akong hihilingin, pakilayo na lang po ng anak n'yo sa boyfriend ko baka po kasi next time painumin na n'ya ng lason si Yuan.' tumango naman Railey saka nag paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD