"Sir! Sir! Sir!" tawag na sigaw ni Raine habang tumatakbo pasunod kay Yuan ng matapos na ang lecture nito. Lumingon naman si Yuan pero hindi huminto sa pag lalakad dahil hindi malaking problema ang nakikita n'ya kaya inintertain n'ya ang pinsan ni Summer na malakas ang toyo sa utak. Hindi n'ya alam kung dahil ba sa bata pa ito o sadyang nasa lahi ng mga ito ang loka-loka. Kung loka-loka si Summer mukhang triple ito.
"Sir?" malakas pang sigaw ni Raine na ikinalingon na ng lahat ng studyante nakatambay sa hallway, nagulat at napatakbo pa si Yuan pabalik ng makitang na dapa si Raine sa pag habol sa kanya. Kaya naman nag mamadaling binalikan n'ya ito at inalalayan na makatayo.
"Are you okay? Do you need something?" tanong ni Yuan habang nakatingin sa dalagita na inaayos ang palda nitong hanggang tuhod.
"I need your number." maang naman na natameme si Yuan sa sinabi ni Raine dahilan para umugong ang tawanan at kinikilig na tili ng mga estudyante.
"You are really good at messing up someone's life." iling ni Yuan sabay talikod pero agad naman na sumunod si Raine na sinabihan ang mga kaibigan na wag na munang sumunod.
"May girlfriend ka na ba?"
"Meron?"
"Good."
"Anong good dun?" tanong ni Yuan na saglit na nilingon si Raine habang nag lalakad sila patungo na sa parking lot.
"Good kasi bata pa ako at matanda ka na, may mga bagay na hindi ko pa kayang ibigay sa'yo kaya dun mo na lang kunin sa jowa mo." kumunot naman ang noo ni Yuan.
"Seryoso ka ba?" tanong ni Yuan ng makarating na s'ya sa kotse at napamura na lang ng makita ang yuping part ng hood ng kotse na
"Hindi ka ba na niniwala sa tadhan? Sa dami-dami ng tao sa mundo biruin mo itinadhana na makilala natin ang isa't-isa. Ganun ka misteryoso ang pag-ibig dumadating sa di inaasahang pagkakataon." ngiti ni Raine na parang kinikilig pa sa sariling sinabi na ikinangiti ni Yuan sabay iling na lang na binuiksan ang pinto ng kotse.
"Ilang taon ka na?" tanong ni Yuan na nanatili lang naka tayo sa bukas ng pinto ng kotse.
"16."
"Bata ka papala? Wala bang nanliligaw sa'yo?"
"Marami. Marami din akong crush at gusto pero sa'yo pinag sama-sama ko na ang crush, gusto at love kaya tandaan mo ang mukhang ito." idinikit pa ni Raine ang dalawang kamay sa pisngi.
"Ito ang mukhang ng babaeng mag mamahal sa'yo ng habang buhay." natawa naman si Yuan sa banat ng dalagita na malakas ang kaltok sa pag-iisip kung iba-iba lang siguro itong babae baka patulan at sakyan n'ya ang pagiging flirt nito, ngunit dahil pinsan ito ni Summer off limits ito dahil bukod sa bata pa ito ayaw n'yang makulong nanaman sa kasong child abuse.
"Sorry! hindi ako napatol sa minor. Mag aral ka na lang mabuti para matuwa sa'yo ang pamilya mo at bawasan mo yang pagiging flirty dahil pangit sa babae ang malandi."
"Flirty agad hindi ba puwedeng masaya lang akong ipakita ang love na meron ako sa'yo."
"Your just 16 and I'm 13 years older than you and It's not love maybe it's infatuation."
"You think so?" tanong pa ni Raine.
"Yes kahit mag pustahan pa tayo na time goes by malilimutan mo din ako at makakakilala ka ng kasing edad mo na mas bagay sa'yo."
"Paano kung hindi at ikaw talaga ang gusto ko."
"Then sorry there is no way na magugustuhan kita. Have a nice day Ms. Razon." wika pa ni Yuan sabay ngiti na pumasok na sa loob ng kotse. Napa atras naman si Raine para padaanin ang kotse nito paalis na binusinanhan pa s'ya.
"Anong nangyari?" tanong ng dalawang kaibigan na tumakbo palapit sa kanya.
"Nakuha mo ba ang number?"
"Hindi eh! Pakipot." parehas naman sumahod ang kamay ng dalawang kaibigan na kapustahan n'ya kanina na kailangan n'yang mag bigay ng tig 200 ang dalawa kapag hindi n'ya nakuha ang number ni Yuan.
"One of this day mapapasaakin din si Bebeboy." kumpiyansang turan ni Raine na kinakapa ang wallet sa bulsa pero hindi n'ya makapa sa bulsa kaya sa bag naman n'ya sinilip pero wala din.
"Naku! Nawala ang wallet ko." na alarma na turan ni Raine.
"Saan mo nahulog?"
"Di ko alam samahan n'yo ako sa security department baka may naka pulot nandun lahat ng card ko." ani Raine.
-
-
-
-
-
-
-
-
"Sir, nakuha ko po sa damit na hinubad n'yo kanina.' wika ng katulong na ipinatong sa table n'ya ang isang hello kitty na wallet. Napatingin naman si Yuan sa naturang wallet na napulot kanina sa campus kaya binitawan muna s'ya ang ballpen na hawak saka uminat muna sandali bago inabot ang wallet. Nalimutan na pala n'yang ibalik iyon sa pinsan ni Summer kanina na wala na sa loob n'ya. Binuksan n'ya ang wallet ng dalagita at talaga naman tumaas ang kilay n'ya dahil ang dami nitong credit card kahit bata pa lang ito. May ilang lilibuhin din sa wallet nito, iba na talaga ang kabataan ngayon, hindi s'ya pabor sa lifestyle na meron ito at tingin din n'ya hindi tama ang pag papalaki rito ng mga magulang nito kahit sabihin pang mayaman ang mga ito, mali pa rin na imulat mo sa anak mo at sanayin ito sa marangyang pa mumuhay dapat yung normal lang muna sa edad nito. Kapag 18 na saka na lang bigyan ng laya. Kinuha n'ya ang ID na nakuha dun at binasa ang pangalan at tiningnan ang ID picture na tinawanan pa n'ya.
Maganda ang dalagita sa personal kahit wala itong make-up pero sa picture mukha itong katulong na hindi pina susuweldo. Na aalala n'ya ang sinabi nito kanina tingnan daw n'ya ang mukha nito, iyon daw ang mukhang mag mamahal sa kanya ng habang buhay. Napangiti naman s'ya na dinukot ang ID at tiningnan kung may contact number ba na puwede n'yang tawagan tiyak na hinahanap na ng dalagita ang wallet nito. Nakita n'ya ang number ng ama nito sa likod ng ID na puwede n'yang tawagan kaya naman inabot na n'ya ang cellphone para tawagan sana ang number sa likod ng ID ng biglang mag ring ang phone n'ya at makita ang unregister na number na ikinakunot ng noo n'ya.
Personal phone n'ya iyon at iilan lang ang nakaka-alam ng number n'yang iyon. Nag tataka na sinagot na lang n'ya para alamin kung sino pero napangiwi na napahawak si Yuan sa tenga na nailayo ang phone dahil sa malakas na tili sa kabilang linya.
"Hello! Who's this?" parang may idea na s'ya kung sino ang tumili sa kabilang linya pero gusto muna n'yang makatiyak.
"Bebeboy." tumarak ang mata n'ya ng marinig ang boses ng dalagita ng ma confirm na ang boses ng dalagita.
"It's me the future mother of your kids." natawa naman si Yuan sa banat nanaman ni Raine na nakakainis man pero ewan n'ya pero na aaliw naman s'ya sa pag ka kikay nito.
"Wrong number ka yata Miss. May asawa na ako,"
"Okay lang ipapanalangin ko na lang na sana mabiyudo ka ng maaga." Natawa naman si Yuan na napasandal sa swivel chair n'ya habang iniikot-ikot ang upuan.
"Alam ba ng parents mo na nilalandi mo ako."
"Hindi."
"Gusto mo isumbong kita."
"Wag naman ganun, pangit mo naman ka bonding!"
"Mas pangit yang ganyan attitude na kabata-bata mo nakikipag flirt ka sa matanda sa'yo na halos tito mo na."
"Tito agad hindi ba puwedeng Kuya lang muna." natawa naman si Yuan ng bahagya sabay buga ng hangin.
"Ginawa mo na ba ito dati?"
"Ang alin?" tanong ni Raine.
"Ang lumandi sa mas matanda sa'yo?"
"Hindi no! Nagyon lang kasi tumibok ng ganito sa puso ko."
"Isusumbong na kita kay Summer."
"Alam sa totoo lang gusto na kitang awayin." ani Raine na ikinakunot ng noo ni Yuan.
"Bakit naman?"
"Para patulan mo na ako." napa pikit naman si Yuan na napa kagat labi sabay iling habang na ririnig ang hagikgik ni Raine na parang ito pa ang kinilig sa sinabi.
"Wala ka bang assignment, try mo kayang mag-aral para naman maging makabuluhan ang buhay mo kesa yung nakikipag landian ka over the phone.' sita pa ni Yuan sa dalagita na narinig pa n'ya na bumuntong hininga. Bigla para naman s'yang na konsensya at napabuga na lang din ng hangin na sasabihin na sana n'ya ang tungkol sa wallet nito ng muli itong mag salita.
"Hindi ka ba na bo-bored sa buhay mo, ako kasi na boboring ako.. mahalin mo kaya ako kahit napipilitan ka lang." wika pa ni raine na ikinangiti naman ni Yuan. Mukhang maraming bala ang dalagitang itong kalokahan, ano kaya ang sitwasyon ng puso ng pagulang nito healthy pa kaya.
"Gusto mo bang kiligin ka?" natatawang tanong ni Yuan.
"Bakit bebeboy, handa ka na bang palitan ang jowa mo?" natawa naman muli si Yuan.
"Mas kikiligin ka sa i susuggest ko, hawakan mo ang kuryente n'yo yung live wire. Kilig na kilig ka na patay na patay ka pa." ani yuan habang natatawa.
"Alam mo pag chance ka naman sa akin e, kaya umamin ka na lang."
"Hahahahaha! Ang ganda po sa picture dito sa ID mo.' ani Yuan na malakas na ikinatili ni Raine na akala mo serena ng bumbero kaya napatayo bigla si Yuan at inilayo ang phone sa tenga. Maya-maya lang dial tone na lang ang narinig n'ya kaya natatawa na lang si Yuan na isinave ang number ng dalagita na alam na n'ya kung anong pang babasag n'ya sa trip nito. Nag text na lang s'ya rito na mag kita sila bukas para wallet nitong napulot n'ya. Nag reply naman si Raine pero emojies na naiyak kaya natuwa naman s'yang mag reply ng emojies na kulay green na nag susuka.
"Ang sama moooooooooooo!" natawa na lang si Yuan ng mabasa ang text ni Raine na puro o na lang ang marami.