Chapter 1

3399 Words
The nerve of this guy trying to fit in this messy family. Mommy has been calling me for dinner but I’m still in the middle of talking with my new toy. “I promise you Blanca that I will never leave you. Napakaganda mo talaga. I will love you... always.” Nakakarinding sabi ni Iñigo Villanueva. Schoolmate namin siya noong year 7 to 9 but he transferred to a different school. Ngayon, boyfriend ko na. He’s enrolling to UST as well. He’ll be taking Mechanical Engineering. Chaebol. Means, mayaman. “This is still day one, In. Promises are meant to be broken. H’wag ka munang mangako diyan.” Dahil isang linggo lang tayo magtatagal, I want to continue. Iniikot ko pakulot ang konting hibla ng buhok at umiirap. Me and my reputation. Alam kong alam niya ang image ko sa school way back. Hindi ako naniniwalang wala siyang naririnig tungkol sa akin. Alam niya rin na papalit-palit ako ng boyfriend sa school. “I don’t care of what people say about you. I swear, I’m in love with you. Masaya akong akin ka na ngayon. I love you... Blanca Nemesis.” Ma-ala Mr. Romantiko niyang sabi. I rolled my eyes for a hundred times. This guy is already clingy. Ayaw ko ng gano’n. What am I supposed to say now? I love you too? Ew! “I...” Suddenly my door opened. I literally jump on my bed. Nang makita kung sino ang pumasok ay tumaas na naman ang blood pressure  ko. “Stop being rude, your mother has been calling you for dinner.” Malamig niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay. The guts of this guy. Did he just scold me? Who are you? This is your day one in this freaking house. Akala mo kung sino ka makapagsalita d’yan! “In, I’ll just call you back later.” Sabi ko sa kausap sa phone. “Alright, I love you...” Pang-ilang I love you na ba ‘yon? Nakakasura! Binaba ko ang phone at tinabi. Amp... Now, Levi raised his eyebrow. Oops, I shouldn’t leave the ‘kuya’. But he doesn’t know so... “It’s also rude to enter my room without knocking and asking my permission. You’re just new here.” Ngumisi ako habang tinataasan siya ng kilay. “Who the f**k are you to tell me what to do?” “B, stop acting like a child.” Malamig niyang sabi. “Then stop acting like you and I were close.” Bumaba ako sa kama. I’m wearing a dress, umangat ito hanggang sa beywang ko dahil sa pagkakahiga. Wala naman akong pakialam dahil walang pumapasok sa kwarto ko na walang kumakatok o nagtatanong. Kitang-kita ang black kong underwear. Napatingin ako sa kaniya, nakakunot noo siyang nakatitig doon. I raised my eyebrow, you’re liking the view? Asshole. Wala kayong pinagkaiba mga lalaki. You all are the same. Walang breeding! Akala ko ba’y abogado na! Binaba ko ang dress. I have a short hair, I flip and walk towards him. “Hindi ka pa rin nagbabago, kuya Levi.” Sabi ko at nilagpasan siya. I can’t believe that from now on, or in a month before I move out, I’m going to share a table with him. Mabigat na sa akin kahit isang meal lang ito sa isang araw. In our big long dining table. I have here my parents at ang kinukuyang ampon nila. Aren’t we a happy family here? And look, they’re celebrating as well, maraming pinaluto si mom na mga putahi. He’s really that special, huh? Special pa sa sariling anak nila. Gusto kong matawa. I can’t believe this right now. Dito na talaga siya titira. Calm down, B. Isang buwan lang ‘to! If you can’t take it anymore, you can move out as fast as you can. Kakayanin mo ang isang buwan. Try to swallow your food now and act that you’re grateful. “So, Levi... I heard from my darling na siya ang nagpaaral sa ‘yo bago ka nagsarili?” Tanong ni daddy, he really did stress the word ‘darling’ and look at how my mother flirt with my father. Kadiri. “Yes, Tito. I’m very grateful to Tita. After my mother died, kinupkop niya ako. Nakapagtapos ako ng highschool at nakapagtapos sa college.” Buo at baritonong boses na sagot ng halimaw kong kuya. Calling him ‘kuya’ wants me to throw up. Yet, it comes naturally from my mouth. It’s like how you say ‘kuya’ to someone older than you. Si kuya guard man o kuya konduktor ng jeep. Tumigil naman si mommy sa paglalandian kay daddy at seryosong sumagot sa sinabi ni kuya Levi. “Nakita ko ang pagpupursige niya sa pag-aaral at willing siyang alagaan si Blanca noon. Hindi ako nagdalawang isip na ipagpatuloy ang pag-aaral niya. I’m most grateful, Levi.” Binaba ni mommy ang fork and knife niya at ngumiti kay kuya Levi. “You’re still humble until now... I’m proud of what you have become.” Are they playing ‘sugarcoating compliments’? My mom is really soft for him. Paborito niya talaga ito simula pa lang. No wonder why she brought him to our condo before. Pinag-aral at binihisan. He’s just an orphan. Ngunit manggagamit pa rin ang tingin ko sa kaniya at walang magbabago doon. He’s now a lawyer, huh? After his graduation in college, nawala na lang siya bigla. Five years ang agwat naming dalawa. Hindi naabutan ni kuya Levi ang changes ng SHS kaya after fourth year high school niya, college na siya agad. Siguro, ‘di ko maabutan ang SHS kung nag-aral ako ng maaga. I’m turning 21, my best friends are still 16 or turning 17 or turning 18 like Winona. Lumipas na talaga ang panahon, I’d be 25 when I graduate. Ang mga kaedad ko siguro ay may mga anak na or probably nakapagproceed ng law or PhD. I’m too left behind but I don’t give a damn care. I’ll do whatever I want. They start talking about the campaign. I continue eating as if I’m a ghost. I’m not into Politics like what my father wants me to take. Gusto kong mag-business. They can’t say no. If they do that I’d be glad stop studying and I’d be busy ruining their lives. The only responsibility I have in this family is joining them to church or attend to events to show that we’re a f*****g happy family. My crazy parents had a crazy arrangement before they got back together. We become as one every Sunday. I had no choice. People think my family is very modest but no one knows that my parents separated for years. Sumama si daddy sa kaniyang mistress at si mommy naman ay nagkaroon ng ka-relasyon pagkatapos nilang magkahiwalay. Dahil sa mga trabaho nilang nagpapataas ng rank sa sangay ng gobyerno, they have a set-up. Magulo ang buhay namin. Now, bumalik at dumagdag pa si Kuya Levi. How insane will we get here? I’m thrilled. What’s next for Santiago family? The next day is very boring. Rafaela left the city for good. Win’s busy. Xylie went abroad. Ayessa is late in our meet-up. Nasa mall na ako. Naubos ko na rin ang isang order na frappe sa isang sikat na coffee shop. Jusko ba naman Ayessa! When will you change? Tinaguriang anak ka pa namang anak ng isang abogado. Nga pala, Ayessa’s dad is a lawyer. I wonder if I can ask him... about... f*****g s**t, Blanca. Shut up! “OMG! I’m late,” she was breathing hard when she arrived. “You are very late.” I sipped on my second order. “B naman. It’s so traffic. Nag-taxi lang ako.” I shrugged. Whatever, Aye. Hinihingal pa siya habang kinikwento kung gaano kalayo ang tinakbo niya para makarating dito. She whined about how hot the weather is, how she thinks her armpits were sweating, and how she wants to order a very cold drink. She’s cute. Why is she so cute? I hate cute like her, I want to keep them. Kakagigil. “Excited na ako sa bago nating titirhan. Basta, a! Wala nang atrasan ‘to.” Ani Ayessa. “Duh! Ito nga ‘yong gusto ko, e. Sobrang desperada na akong umalis sa amin. Hindi ko na kaya ang nakikita ang magulang ko araw-araw.” Sagot ko naman. “I’m sure excited na rin si Win. Baka kasi dahil sa stress hindi pa rin nakakabuo ang ate at ng bayaw niya. She’s always worried about her existence there.” Anito. Tama nga naman. It’s been ages. I’m sure they are trying but to no avail? I don’t know. Hindi naman ako pakialamera masyado kapag pamilya na ng mga kaibigan ang pinag-uusapan, hindi ko lang lubos maisip na sa tagal na rin ng panahon, wala pa ring pamangkin si Winona. Mag-aalas singko na nang maghiwalay kami ni Ayessa. May dinner daw siya kasama ng family niya. Ako naman ay nasa mall pa rin para sa next meet-up ko. Iñigo V invited me for movie and dinner. More likely, MOMOL lang ang gagawin sa movie theater. I don’t mind. BF naman ang turing niya sa sarili niya. Dumating siya exactly five in the afternoon. “Hey...” Ngumiti ako sa kaniya. Magaling talagang pumorma itong si Iñigo. Since Year 7 pa kami. Hindi rin ‘to nagsusuot ng local brands lang. Burberry, Balenciaga, Off-White and all other expensive brands ang sinusuot niya. Tonight, he’s wearing a Gucci shirt. Sinisigaw niya talaga na mayaman siya. Look at the Balenciaga shoes and his pants. Kaya naman ako, pinakamahal na dress ang suot. Bili ko pa ‘to sa Japan last year. Ayaw kong magmukhang cheap sa mga lalaki ko. I’m not really high-maintenance but I make sure that I look good, clean and presentable. “Let’s go?” “Want to dine first? We still have an hour.” Pag-aaya niya. “Ayaw kong manood na busog. After the movie na lang. Let’s just buy popcorn and drinks.” Sagot ko. He agreed. What we did in the movie was the thing I have always predicted. MOMOL was too much. People were looking at us. Hindi man punuan ang sinehan pero sa banda namin may mga kasama kaming nanonood. They should be thankful for a free-view of our MOMOL. They got extra from the movie they really paid for. After the movie that we never watched, In and I went for a dinner around Taguig. From QC, we really drove to BGC to eat. Ang sabihin niya gusto niya lang magtagal kami at maka-score. That’s not going to happen boy. Alas dose na nang maihatid ako ni Iñigo sa bahay. For the sake of old friendship, okay naman siyang kasama. He’s not that bad but it doesn’t mean I can extend our relationship for another week. “My kiss?” He demanded. I’m tired. Why is he so addicted to kisses? Wala yatang lugar na pinagbigyan niya. Humahalik lang siya na walang dahilan. May dahilan ba dapat, B? He kisses you everywhere. Just let him be aroused. I almost rolled my eyes. Whatever, Blanca. You want kisses too. Why not? He unbuckled his seat belt. He advanced to me and his lips landed to mine. Mariin niya akong hinalikan. Like he’s always hungry for one more. I eventually parted my lips to give him access. I kiss him back. “Hmm...” mahinang ungol niya habang nilalaliman pa ang mga halik niya. He slowly inserted his tongue. Pinulupot ko ang braso sa kaniyang leeg giving him more access to my body. He sucked my tongue then my lips, savoring every area of my mouth. Ngumisi ako, he’s damn good. Nakakalasing ang mga halik niya. Mas ginaganahan ako sa bawat atake niyang mapanukso. Ang dalawa niyang kamay na nasa beywang ko ay bumababa sa pwetan ko. As if he’s assisting my body to move forward to him. I let him. The kisses were going torrid and very wild. He was never getting enough. He suddenly left my mouth and hungrily went down to my jaw and frustratingly to my neck. Masakit na ba, Inigo? You want to go all in? Hinayaan ko siya. Sinusubukan niyang itaas ang dress ko pero mariin kong inipit ito para hindi niya magawa. He’s getting angry but he couldn’t let it out. He went back to my lips and that’s when I knew it’s already enough. Mamamaga na ang labi ko. Give me a break Inigo. Lumayo ako. Marahan ko siyang nilayo sa akin kahit na gusto pa niyang makaisa talaga. “We should stop. Baka makita tayo ng parents ko. Ayaw mo naman sigurong ikasal tayo bigla. My parents are very old style.” I lied. They don’t care at all. “Damn! You’re freaking hot, baby.” Lasing na lasing niyang utas. “G-” my voice croaked. I immediately cleared my throat and smile. “Good night Inigo.” Inayos ko ang suot ko. I opened the door and immediately went out. I heard him scream the three words but I didn’t look back. because I’m sleepy already. I’m done with him tonight. Pumasok ako ng bahay. Our yaya doesn’t go to bed until I get home. Kaya may nagbukas agad ng pinto pagkarating ko. “Good night yaya.” Sabi ko at dumiretso na sa taas. I was just calmly walking going to my room. I am actually tired. Boring ang trip, gusto ko na lang magsaya sa BGC buong gabi. Kung sana sina Win at Ayessa ang kasama ko. We’re probably already checked in to a hotel, kaya lang hindi. I have to keep my sanity before Inigo can take advantage of me. Never pa akong nagkamali sa lahat ng naging boyfriend ko. You will never score Inigo. Count on your last days with me. I will leave you a very deep wound. You will be a wounded soldier, without a war,. Tulog na yata ang magulang ko at ang kanilang adopted. Ayoko nang mag-isip ng anu-ano. I want to have a good bath and dress up to bed. “Old habit doesn’t die hard huh?” Isang baritonong boses ang narinig ko sa harap mismo ng pintuan ng kwarto ko. God! Here we go again. He’s pissing me off all the time. Simula nang umapak siya rito sa pamamahay namin, akala niya close kami at tinatanggap ko na siya. Nanghihimasok na siya ng buhay. “Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko!” “Dis oras na ng gabi. Who goes home at this hour? Babae ka pa naman—” “Someone like me can go home at this hour. I am fully responsible of my own action.” Putol ko sa kaniya. “Responsible.” He just sound mocking. “You think kissing some other guy is responsible?” He hissed. He advanced to me. Some other guy? Goodness, boyfriend ko ‘yon! What’s his point? “Who are you to tell me what responsibility is, huh?” Taas noo kong sabi sa kaniya. Ngumisi lang siya at umiling na para dismayado sa sinasagot ko sa kaniya. I’m fully aware of what I’m doing. I’m fully responsible of my own action. Wala siyang karapatang manghimasok dahil hindi ko siya kaanu-ano. He just used me to stay alive. Niloko niya ako at ano ang purpose niya sa pagbabalik? Manloloko ulit siya? Hindi na ako ang gagamitin niya kung hindi ang parents ko? Mag gamitan sila! Doon naman sila magaling! “You’re not getting younger Blanca. Stop playing with boys. Walang sumiseryoso sa ‘yo!” Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. I’ve never been insulted in my whole life. “Who the f**k are you to tell me what to do? Walang say sina mommy at daddy sa akin—” “Because you’ve gone wild and they don’t know how to tame you.” Anito parang hayop ang kinakausap. Naging gitgitan ang pagtitigan naming dalawa sa isa’t isa. How dare he treat me like an animal who’ve gone wild and couldn’t be tamed? Sino ba sa siya sa tingin niya? Get this thing straight Blanca Nemesis. Isampal mo sa mukha niya kung ano siya rito sa pamamahay namin at saang lugar dapat siya lumulugar. He can’t just say these to me and act like he knows me from head to toe. If my parents can’t tame me, so does he. Hindi ikaw ang magiging kahinaan ko, Leviticus Juan Reynolds. Hindi ikaw! You are nobody in this house. You don’t have a say on what I do and what should I do So what if they don’t take me seriously? Simula nang dumating ka rito parang makaasta ka! You have no say on what boys think of me! “You are nothing but a mere boarder here in my house. You have no say on anything or everything that I do.” Nilakihan ko ang mata para mas matakot siya. Nanggigil ako sa kaniya! He’s getting on my nerves. I think my glucose level is dropping while my high blood pressure is rising. He thinks he’s that successful? Cause he’s now a lawyer and I’m just a starting college student? H’wag niya akong mamaliitin! “Yes, I don’t have a say, probably I actually don’t really care but I just don’t want you to disgrace your parents. Nagtatrabaho sila nang—” “You don’t have a say and care but you’re saying something about disgrace and—” “You should stop acting like a child and a brat. You’re an adult now,” madilim niyang sabi. Umigting ang panga niya. Ang mga mata niya’y binabasa ang ekspresyon ko. Tila minamaliit niya talaga ako. He never changed ever since. Hindi pa rin ako magpapatalo sa ‘yo, kuya Levi. I crossed my arms, cooly smiled, and raised my eyebrow. Hindi ako masisindak sa mga pagmamaliit mo. “What will you do, Kuya Levi?” Diniin ko pa ang pagkakasabi ng ‘kuya’. What will you do? He suddenly took a step forward. Given the already small space from where I am standing, halos magkadikit na kami. When my defense mechanism started to kick in that he was too close, I stepped back. Itinulak ko siya. Huwag na huwag niyang dinidikit ang katawan niya sa akin dahil pinandidirihan ko siya. Ngunit alam kung nagulat ako sa ginawa niya. He was too proud and confident. “Magpapanggap ka ulit na bakla? Ha?” Mabilisan kong bawi sa pagkakagulat. Natigilan siya. That’s when I knew I got him. What do you want from me, Leviticus Juan Reynolds? Nanigas siya sa kinatatayuan at hindi na nakapagsalita. “Ano? Magpapakabakla ka ulit gaya ng panloloko ninyo noon sa akin?” I smirked. “Those days were over, kuya Levi. I’m not the kid that you used to trick. Go away, asshole!” Tinulak ko siya ng napakalakas. Nagpatianod siya sa tulak ko kahit na alam ko na kasing tigas siya ng bakal. I walked out with a smug smile on my face. He was stunned. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD