Six

1426 Words
"Nakakamiss yung mga araw na may yayakap sayo kapag malungkot ka or nagtatampo ka. Yun bang hindi ka namomroblema maging malungkot dahil alam mong mamaya lang eh hindi ka matitiis ng taong kinakasama mo. Alam mong may lalambing sayo. Alam mong may nagmamahal sayo." Napaangat ang tingin ni Zylven mula sa pagpipinta kay Tamara na nakaupo sa sofa habang malayo ang tingin nito. Kinaladkad lang sya ni Blaire dito sa condo unit nito para lang ipinta si Tamara. Nakukulitan na daw kasi ito sa pinsan kaya heto sya ngayon kahit ilang na ilang pilit pa ring ginagawa ang pagdi disguise nya sa dalaga. Dapat nextweek pang start nya bilang bodyguard nito pero napaaga dahil biglang nagka misyon si Blaire at walang kasa kasama si Tamara. "Nakakamiss yung mga away na kinaiinisan mo nung meron pang “kayo". Tapos marerealize mo na yung away pala na yun ang pinaka lambing dahil may gusto kayong ayusin at may pinaglalaban kayong dalawa." Ibinalik nyang atensyon sa pagguguhit ng katawan nito. Napapalatak sya ng lihim dahil sa kurba ng bewang ni Tamara sigurado syang 24 lang ang waistline nito dahil sa liit ng pagtantya nya. "Nakakamiss na may taong laging nandyan para masabihan ng problema. Yun taong sasabihing :"Kasama mo ako, huwag ka mag-alala. Makakaya mo yan. Dalawa tayo dito". Nakakamiss maglakad na may kahawak kamay at kapag nakita mo siya sa tabi mo eh nakangiti siya sayo. Yung mga araw na sobrang higpit ng hawak niya sa kamay mo. Para bang ayaw niyang mawala. Yung ayaw niyang may makakahawak pang iba. Yung hawak na sosolohin ka lang niya. Yung hawak na wala na siyang hahawakan pang iba. Nakakamiss tumawa ng may kasama. Nakakamiss gumising ng umaga na may lambing na mababasa o mararamdaman galing sa kanya." Di napigilan ni Zylven na lapitan ang dalaga at kunwari inayos nyang korona nitong suot. Hinawi hawi pa nyang mahaba nitong buhok na kaylambot. Napatingin tuloy sa kanya si Tamara. "Masyado bakong malikot Zylven? Sorry ha kung very emotional ako ngayon!" Biglang nilingon ni Tamara ang binata at yun ang pagkakamali nya dahil napakalapit pala ng mukha nito sa kanya. Di man nila sinasadya nagkalapat ang mga labi nila. Parehong di nakakilos ang dalawa. Napatuwid bigla ng tayo si Zylven. "S - sorry Tamara, diko sinasadya." "Ok lang yun, kasalanan ko kasi bigla akong lumingon.. Saka anukaba! Wala yun noh!" "Ok, sabi mo eh! Tuloy na natin." Isa pang hawi sa buhok ni Tamara ang ginawa nya bago ngumiti sa dalaga. "Sige, di na'ko maglililikot para dika mahirapan sa pagguhit sakin. Pasensya na ha, ang daldal ko haha." "No, ok lang, your doing great, saka sige lang magsalita ka lang, gusto mong mag kwento ok lang din yun sakin. Diba sabi ko naman sayo na kapag ako ang kasama mo gawin mong lahat ng makakapag pasaya sayo? Kaya ok lang yan hmm." Nahihiyang ngumiti naman ang dalaga. Bahagya pang namula ang pisngi nito. Na lalong ikinaganda nito sa paningin ni Zylven. "Oh sya balik nako sa pwesto ko ha! Para matapos ko ng pagpinta sayo." Bahagya pa nyang kinurot ang pisngi nito bago naglakad pabalik sa ipinipinta nya. "Tamara." "Hmmm" "Magsalita kana ulit para ganahan akong magpinta dito!" "Sure kaba? Diba nakakainis dahil madaldal ako?" Natatawang pinakatitigan nyang dalaga na mahaba ang nguso. "Sure ako, kaya sige na wag ka ng mahiya." Pangungumbinsi pa nya dito. Nakita nyang pag ngiti ni Tamara saka ang pagwisik wisik nito sa mga daliri bago nagsalita ulit. "Nakakamiss gumawa ng pangarap na pang dalawa. Nakakalungkot isipin na yung mga pangarap niyong binuo eh parang iniwan lang sa isang bodega at kahit kailan ay hindi na ito muling nabuksan. Para bang sariwa pa ang mga pangarap sayo pero sa kanya eh inaagiw na, At ang malungkot dun kaya pala hindi na napapansin eh gumagawa na ulit siya ng pangarap na ang kasama ay iba. " 'Hmmm tila brokenhearted itong si Princess Tamara ah! Bakit kaya, anong nangyari sa love life nito?' "Nakakamiss makaramdam na may isang taong hindi mo kilala dati na nagmamahal sayo. Yun bang, magugulat ka na out of nowhere eh pinagtagpo kayo. Kahit na hindi nag work eh natutuwa kang naranasan mo. Minsan mahirap tanggapin na mahirap. Naranasan mo kasing masarap eh. Kaya hahanap hanapin mo. Nakakamiss maging masaya ng sobrang tagal. Hindi yung saya dahil may birthday ang kaibigan mo, may bago kang gamit at marami pang pansamantalang kasiyahan. Kundi, nakakamiss maging masaya na siya ang dahilan. Nakakamiss ma inspired dahil lang sa sinabi niyang mahal ka niya. Yung mga salita niya na “Energizers mo". Dina napigilan ni Zylven ang mapatawa ng marinig ang Energizers. Pero si Tamara tuloy pa rin sa pagsasalita na sa huli ay natatawa na rin sa mga pinagsasabi nya. "Nakakamiss no? Nakakamiss mamroblema ng problema ng partner mo. Yun bang problema niya eh problema mo na rin. Nakakamiss may ka share sa buhay." "Lam mo, tingin ko sayo, ang sarap mo magmahal at mahalin, kasi kahit wala na kayo ng partner mo nakikita kong pinapahalagahan mo pa rin sya. Ang swerte nya nung kayo pa, pero ngayon, malas sya kasi pinakawalan ka nya." Naging seryoso bigla ang mukha ni Tamara ng sulyapan nya ito. Patay, baka na offend to sa mga sinabi nya ah. Kaya kaagad syang nagpaliwanag dito. "Wag mong mamasamain ang sinabi ko sayo ha! Ang sakin lang naman ay opinyon ko lang, walang malisya at wala akong masamang ba -." "Anukaba! Masyado ka namang defensive. Ok lang yung mga sinabi mo. Na appreciate ko ngang mga opinyon mo eh! Actually, parang mas naliwanagan pa nga ako. Salamat ha, gumaan ang pakiramdam ko kasi andyan ka. Pinakinggan mong kadramahan ko sa buhay hahaha. O, ano tapos ka na bang mag pinta?" "Malapit na. Korona mo na lang ang kulang." "Talaga! sige tapusin mo na. Excited nakong makita ang ipininta mo." "Mga 2 minutes pa siguro, ok lang ba sayo? Baka napapagod kana o di kaya nangangalay magsabi ka lang ha!" "Ok lang ako, take your time. Ahm.. Zylven pagkatapos natin dito may gagawin kapa ba?" "Wala naman, Date tayo Tamara, gusto mo ba?" Di tumitingin na sagot ng binata sa kanya. "Date? Ok sige, pasyal tayo!" "Hmmm..San mo ba gustong pumunta?" Nag isip muna si Tamara bago sumagot, inalala nya yung nadaanan nya dati nung manggaling sya sa airport. "Ahhh.. Gusto kong pumunta dun sa lugar na pwedeng mapanuod ang paglubog ng araw. Nadaanan ko na yun eh nung manggaling akong Airport. Saan nga ba yun?" "Baka sa Manila bay? Dun kasi ang pinaka magandang lugar kung gusto mong manuod ng sunset." "Tama dun nga!" Napapalakpak pa si Tamara na ikinatawa naman ni Zylven. "Tapos na! Tamara, halika tingnan mo'to kung pasado na sayo!" "Talaga! Tapos na? Yeheyyy..." Dali daling tumayo at lumapit si Tamara sa kanya. Inalalayan nya itong makatayo sa tabi nya . "Wowww.. Ganda ganda mong magpinta Zylven, pwede ng pang auction ito ah! Pwedeng sakin na lang to ha! Palalakihan ko't isasabit sa Palasyo pag uwi ko." Patay malisyang kunwari di nya narinig yung pagbanggit nito ng Palasyo. Tumango na lang sya sa dalaga, naaaliw lang syang tingnan ito na parang bata. Nagulat sya ng biglang niyakap at hinalikan sya ni Tamara. Ilang minuto ring nakayakap ito sa kanya at di nya namalayang napayakap na rin sya sa dalaga. "Thank you so much Zylven.. mwah." Parang wala lang dito ang ginawa nito pero para kay Zylven malaking bagay yung inasta ni Tamara. Lalo na't may lihim syang pagtatangi dito. Nakaalis at nakabalik na"t nakapag palit na rin ng damit si Tamara, pero si Zylven nakatulala pa rin, kung hindi pa sya hinila ni Tamara palabas ng condo ni Blaire dipa sya matatauhan. "Zylven, bilis bilisan mo namang maglakad! baka dina natin abutan ang sunset." Lakad takbo ng ginagawa ni Tamara marating lang ang parking lot para makasakay sa kotse ng binata. Malalaki naman ang hakbang ni Zylven habang sinusundan si Tamara na hyper na hyper ngayon. "Dahan dahan lang Tamara at baka madapa ka!" Pasakay na ito ng kotse nya ng biglang may humintong itim na Van sa likuran nito at sa isang iglap may nagbabaang apat na kalalakihang naka bonet. Tinangay ng mga ito si Tamara na panay ang pasag at sigaw sa pangalan nya. "Zylvennn.. help meee!' "Tamaraaaa.." Mabilis nyang tinakbo ang lalaking tumangay kay Tamara, pero bago pa nya mahawakan ito isang putok ang umalingawngaw sa paligid, kasunod nun ang pagbagsak nya sa semento. dugoan at unti unting nawawalan ng malay. At sa tuluyang pagpikit ng mga mata nya nasambit pa nya ulit ang pangalan ng dalaga. 'Tamara! ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD