Seven

993 Words
Nagising ang diwa ni Zylven dahil sa ingay na naririnig nya sa kanyang paligid. Nakiramdam lang muna sya't nakikinig sa usapan. "Anuna Aeris na track mo na bang lugar?" Si Keros na palakad lakad sa tabi ng bed na kinahihigaan ni Zylven. "Yep! Nasa Thailand na si Princess Tamara." Ani Aeris na abala pa rin sa laptop nito. "Sinong kumuha sa kanya dito at nagdala sa Thailand?" Nagtatagis ang bagang na tanong ni Blaire. "Isang Count Vernon Silva." Sagot nito ng di man lang inaalis ang tingin sa screen ng laptop nito. "Hmmm Count Vernon Silva! Sa pagkakaalam ko fiance sya ni Princess Tamara. At ang usap usapan kaya hindi natuloy ang kasal nila dahil tinakasan sya ng Prinsesa." Kwento ni Saji sa mga kaibigan. Lahat napabaling ang tingin kay Saji, nasa mga mukha ng mga ito ang pagtataka. "Uy! Bakit ganyan ang mga tingin nyo sakin ha!" Naiilang na lumayo sa hanay nila ang binata. "Ba't ang dami mong alam Saji? Eh dika naman taga Thailand ah." Nanunuri ang mga matang pinakatitigan sya ni Griffin. "Hello! Baka nakakalimutan nyong isa akong Sheik. Ako si Sheik Prince Saji, At bilang isa sa mga maharlika, imbitado ang pamilya ko sa kasal nila." May pagmamalaking sabi pa nito. "Tanong ko lang, bakit tinakasan sya ng Princess Tamara na yan ha?" Si Gaelan na napaka seryoso ng mukha. "Baka naman natuklasan ng Prinsesa na supot itong si Conde kaya tumakas hahaha." Biglang sabat ni Eruto saka bumunghalit ng tawa. Nagtawanan na rin ang lahat maliban kay Zylven na "unconscious" pa rin. "Hahahaha Tangnang supot na yan! Gago ka talaga Eruto puro ka kalokohan." tawang tawa pa ring sabi ni Mark. "So, what's the plan Boss K.?" Tanging si Prick lang ang matino sa kanilang lahat. "Anupa nga ba eh di, "Leave no survivors". Gaya ng dating gawi." Sabat ni Pyre sa usapan. "Secret mission ba natin 'to Boss K.? " tanong ni Aeris. "Yeah! Griffin, e ready mo ng masasakyan natin. Men, in 5 minutes we're flying to Thailand , we're going to rescue Princess Tamara Kendler. Ok Men dismiss." Akmang maglalabasan na sana sa private room ng hospital ang lahat, ng biglang magsalita at bumangon si Zlyven mula sa pagkakahiga sa kama nito. "Sama ako! Ouch.. Shit... Ahhh." Daing nito, tinitiis nyang sakit para makatayo lang at makasama sa mga kaibigan nya. Kaagad syang pinigilan nila Blaire at Prince, pilit syang pinapabalik sa pagkakahiga. " f**k Bro, mahiga ka nga ulit! Bubuka yang sugat mo. Kaoopera pa lang sayo kaya magpahinga ka muna pwede!" Anang Mark na nakahawak pa sa binti ni Sylven. "Huo nga! Dito kana lang, magpahinga kana lang dito, kami ng bahala sa Princess Tamara na yun. Magpagaling kana lang dito Bro." Si Gaelan na tumutulong magpakalma kay Zylven. "No.. no.. Sasama ako sa inyo." Pamimilit ni Zylven. Habang pinipilit pa ring tumayo. "Anuka ba naman Zylven, eh ni hindi kana nga makatayo dyan eh sasama kapa samin. Dito kana lang kaya, mamya kapag sinama ka namin eh madagdagan pa yang sugat mo." Naiinis ng sabi ni Eruto saka lumabas na ng silid. "Mga gago! Ako ang bodyguard, kaya dapat present ako sa pag rescue, kaya tulungan nyu nakong makatayo dito! Dalian nyu naaaa." Pero ni isa sa kanila ay wala man lang tumulong kay Zylven, lalong nanggalaite naman ito sa galit. Pinaghahablot nito ang mga nakakabit sa katawan na nagtalsikan kung saan saan. Kaagad namang napasugod sa kanya ang mga kaibigan at pinagtulungan syang pigilan. Saka naman pumasok si Eruto at kasunod nito si Brent na nakapang doctors robe. Kaagad nitong tinurukan ng pampakalmang gamot si Zylven. "Boss K., please! Isama nyo nako, hindi ako mapapalagay kapag nandito lang ako. Saka gusto kong makatulong kaya sige na isama nyo naman ako pakiusap!" Nagtubig na lang basta ang kanyang mga mata at nalaglag ang mga luha ni Zylven, masyado syang emosyonal ngayon, at isa pa sinisisi nyang sarili dahil sa nangyari kay Tamara. Napapailing na lang ang mga kaibigan nya sa nakikitang desperasyon ni Zylven. "Blaire, pakiusap itayo mo ako dito, isama moko kung nasan man ngayon ang pinsan mo. Kasalanan koto eh diko sya masyadong naprotektahan, nagkulang ako bilang bodyguard nya, masyado akong kampante, diko naisip na kahit sa isang kisapmata ko lang ay bigla na lang syang mawala sa paningin ko." At bumigay na ngang tuluyan si Zylven, napahagulgol na ito ng iyak. "Brent, may magagawa kaba para maisama natin sya?" Naaawang nakatingin si Keros kay Zylven habang kinakausap ang kaibigan nilang Doctor. Napangisi pa si Brent bago senenyasan ang dalawang lalaking nurses na lumapit agad sa kanya. "Ako pa ba? Lahat magagawan ko ng paraan, kahit na yung imposible kaya kong gawing posible hehe." "Yoko makita yang evil smile mong hayop ka! Buti na lang hindi ako ang pasyente ngayon kung hindi baka pinaglalamayan na rin ako." Mabilis na lumabas ng silid si Mark kasunod nito ang iba pa nilang kaibigan. "Hahaha.. Bakit Mark?, buhay kapa naman hanggang ngayon ah, swerte mo nga't pinagtyagaan kitang gamutin di kita pinabayaang lapain ng mga lobong yun." Depensa pa ni Brent. "Tangna mo! Sa susunod na hahabulin at susuyuin mong mangkukulam na babaeng yun magsama kayo ni Gaelan o di kaya ni Eruto, tsk.. Pare pareho kayong mga baliw, baliwwww." Natawa na lang si Brent ng pinagtulungang suntokin nila Gaelan at Eruto si Mark na panay ang ilag sa dalawang lalaking puro mangkukulam ang mga napangasawa. "Boss K., salamat. At sayo din Doc. Brent, sa ginagawa mong panggagamot sakin." "May bayad 'to uy, la ng libre ngayon. Kapag magaling kana sisingilin kita, kaya kung balak mo'kong pagtaguan wag mo ng itutuloy kasi mahahanap at mahahanap din kita. Mangkukulam ang gf ko kaya magtino ka!" Pagbabanta ni Brent sa kanya. Natatawa na lang si Zylven sa mga kaibigan nyang maaasahan. Kahit na maloloko pang mga ito at madalas silang magtalo talo, bandang huli nagtutulungan at nagdadamayan din naman. Ito ang klase ng mga kaibigang maaasahan sa kahit na anumang laban sa buhay. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD