One

825 Words
Ninoy Aquino International Airport Nagmamadaling nilapitan ni Zylven ang pinarang taxi, sa paghawak nya ng pintuan nito sa passenger seat may nauna ng nakahawak dun at ang kamay nito ang nahawakan nya. Agad syang napabitaw at sinulyapan ang nang aagaw ng taxing pinara nya. 'Tengene! Kagandang babae naman nya. Kinis ng balat ah saka amputi! Hmmmm at humahalimuyak sa bango..' Napapikit si Zylven sandali para lalong damhin ang nasasamyong bango ng babaeng kaagaw nya. Biglang napadilat sya ng mga mata ng marinig ang pagharorot ng sasakyan paalis sa harapan nya. "Tangna naman! Naisahan ako ng babaeng yun ah!" Naiinis na nag abang ulit sya ng taxi. Napasulyap sya sa suot na relo.. 's**t 15 minutes late nakooo...' Ng biglang mag ring ang cellphone nya sa bulsa ng kanyang leather jacket. Hindi nya sana sasagutin ang tawag pero ng maisip na baka ang boss ng Asia yung tumatawag sa kanya mabilis nyang nilabas ang phone. Napapikit na lang sya ng makompermang si Keros ang caller nya. "Yo! Boss K., malapit nako mga 5 minutes na lang." "Malapit kana ha! Ako ba'y pinagloloko mong ungas ka? Eh dika pa nga nakakaalis ng airport gago tskk." "Langya! Ganyan kaba bumati sa mga agents mo Boss K.? Hahaha. parang yoko na tuloy tanggapin ang misyon na'to." "Ano naman ngayon sakin kung i reject mong misyong to? Pake ko sa parusa mo gago! Bumalik kana nga lang ng Thailand pinag iinit mong ulo ko e!" 'Ba't naman ako aatras eh matagal ko na kayang gustong mapabilang sa grupo ng Assassin Secret Agent.. Saka mas gusto kong Boss itong si Keros kesa kay Sean.' "Hehehe ikaw naman dika na mabiro. Ito na nga o pasakay nako ng taxi Boss K." "Sige magsinungaling kapa saking hayop ka ipapatumba na kita dyan mismo sa kinatatayuan mo." Nailing na lang si Zylven sa binitawang salita ni Keros, itong gusto nya dito kasi kahit nanggagalaite na sa galit malambing pa rin ang dating ng boses nito, aakalain ng makakarinig na nagbibiro lang ito at hindi seryoso. "f**k! Kera, How many times did I tell you not to wear that kind of dress ha! Your so stubborn like your Mom.. s**t! Hey! where you going ha... Kera come back here! Keraaa... s**t!" At dun na namatay ang tawag, kaya naman pala mainitin ang ulo kasi stress sa pamilya nya hay buhay talaga! Parang life lang.. Saka nya pinarang taxi na papadaan sana sa harapan nya. At ng huminto ito kaagad syang sumakay mahirap na baka maagawan ulit sya ng taxing masasakyan. ⚔⚔⚔ Habang lulan ng taxi na naagaw nya dun sa lalakeng yellow green ang mga mata na tila may Hepa. Tuloy tuloy lang ang daloy ng kanyang alaala. Napahikbi si Tamara ng maisip ang fiance nyang taksil. Bakit kaya ganun ano...Akala mo siya na talaga. Yung pakiramdam mo na akala mo nandyan na siya palagi, hindi na siya mawawala sa'yo. Yung pakiramdam na lagi kayong masaya, na mahal na mahal ka niya at mahal na mahal mo pa rin siya. Yung iniisip mo na siya na yung taong para sa'yo. Yung lagi mong yayakapin, yung mga labing lagi mong hahalikan, yung mga mata mo na para lang sa kanya. Akala mo kayo na hanggang dulo. Tapos isang araw bigla na lang siya mawawala sa'yo. Iiwan ka. Minsan akala natin kapag sobrang saya, pag-ibig na ‘yon. Pero ang totoo kahit sobra sobra pa ang ibigay mo kulang pa rin at sa huli, mahahanap pa rin nila 'yon sa iba. Ikaw, mag isa ka nakangiti na lang dahil sa alaala. 'Siguro naman hindi nako matutunton ni Daddy dito.' Kinuha nyang cellphone at tinawagan ang kaisa isang taong makakatulong sa kanya. "Hello Blaire. Nasa house kaba ngayon?" Nakinig sya saglit sa pinsan. "Good, malapit nako sa place mo! cousin secret lang natin to ha! Walang dapat makaalam kundi tayong dalawa lang ha! Mag promise ka!" Yeesss... Natutuwang pinatay na ni tamawa ang tawag. #1 problem? ✔ Sinuot nyang dark shades at naglagay ng bandana para maitagong mukha nya. Alam nyang kahit saang sulok ng mundo may mga mata ang Ama nya, mahirap ng magpaka kampante baka matapos agad ang plano nyang bakasyon. Totoo kayang nabasa ko sa internet? Yung... It's more fun in the Philippines.... Hmmm Maybe yes or maybe not..... Bawat madaanan ng taxi na sinasakyan kandahabang leeg nya kakamasid sa paligid, kaliwa kanan ang baling ng ulo nya lalo na ng mapadaan na sila sa Manila Bay kung saan kitang kita nya ang paglubog ng araw. 'Ang gandaaaa... Sobrang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Tama ngang sabi ni Mia magandang pagmasdan ang paglubog ng araw. Sana sa susunod ang pagsikat naman ng araw ang masilayan ko!' Sa kagaya ni Tamara na isang maharlika, wala syang kalayaan para magawa ang lahat ng gusto nya, pero ngayong malaki na sya makakaya na nyang baguhin ang buhay na kinamulatan nya. Gagawin nyang lahat ng makakaya para maging makabuluhan at makamit ang kalayaang kanyang pinaka aasam. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD